Chapter 51

313 10 2
                                    

IWAS







Ella POV:

Wala sa sarili akong umalis nang unit ni Casper. Ang akala ko kapag nag-usap kami, magiging maayos na ang lahat,pero bakit naging worst pa? T_T
Shit! Wala akong nagawa kundi ang sumunod sa kung anong gusto ni Casper kahit sobrang labag nun sa kalooban ko! T_T


Umiiyak ako habang pauwi na nang apartment. Nasasaktan kasi ako! Nasasaktan ako kasi kelangan kong igive-up yung taong mahal ko para lang sa kagustuhan nang taong dati kong minahal! At sobrang sakit na mapunta ka sa isang sitwasyon na hindi mo naman gusto! T_T



Wala akong magawa utang na loob! Kung ipipilit ko parin ang gusto ko, magpapakamatay siya! Ayuko namang dumating sa point na sisirain niya ang buhay niya nang dahil lang sakin! T_T
Habang buhay akong makokonsensya kapag nangyari yun!



Pagkarating ko nang apartment, nakita ko agad si Patty na naghihintay sa labas.

Saglit akong napako sa kinatatayuan ko at pinagmasdan ko lang siya.

Mas naiiyak ako habang tinitignan ko siya. Nasasaktan ako habang naiisip ko na kelangan ko nang tapusin kung ano man ang meron samin T_T


Ilang saglit lang din ang lumipas at nakita niya narin ako. Ngumiti siya nang makita ako at agad na tumayo at tumakbo palapit sakin.


" so kamusta? A-anong nangyari? Anong napag-usapan niyo?"
Sunod-sunod na tanong niya pagkalapit sakin.

Hindi ako kumibo, yumuko nalang ako.

Hinawakan niya ang mukha ko at iniharap iyon sakanya.

" umiyak ka ba? Anong ginawa niya sayo?"

Nakagat ko nalang ang labi ko dahil sa pagpipigil nang iyak ko.

" o-ok lang ako... s-sige, gusto ko nang magpahinga Patty." Pagkasabi ko ay naglakad na ako palayo sakanya at tuluyan na ulit akong napaiyak T_T




Pagkarating ko nang unit ko, agad akong humiga sa kama ko at humagulgol. T_T
sobrang sakit nang nararamdaman ko ngayon!


















Patty POV:





Anong nangyari? Bakit umiyak si Ella?! Ang daming katanungan sa isip ko ngayon. Bakit pakiramdam ko may mali? Uff!











Kinabukasan ...






Hinintay ko si Ella sa harap nang unit niya para sabay na kaming pumasok, sana nga lang ayos na siya ngayon.


Ilang minuto akong naghintay sakanya, at habang naghihintay, nakita kong paparating si Casper.



Nakatingin lang ako sakanya at ganun din siya sakin pero hindi kami nag-usap. Isang ngisi lang ang binigay niya sakin saka siya kumatok sa unit ni Ella.



Eeish! Nainis tuloy ako! So anong ibig sabihin nang pag ngisi-ngisi niya?! Kinaganda o gwapo ba niya yun?!! Uff! Saka bakit ba siya nandito?! Manggugulo ba siya?!




Bumukas ang pinto ng unit ni Ella at halatang nagulat siyang makita si Casper sa harapan niya. Napatingin siya sakin dahilan para ngitian ko siya, pero bakit ganun? Bakit ang lungkot nang awra ni Ella? At yung expression nang mata niya habang nakatingin sakin... ang lungkot!


Nag-umpisa na akong mag-alala. Ano bang nangyari sa pag-uusap nila kahapon ni Casper at ano ang napag-usapan nila?!!




" Aa... sabay na tayong pumasok (^_^)" aya ko kay Ella.



I Think I'm Falling IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon