ILAngan/tiisan...
PATTY POV:
Nagising nalang ulit ako na nakayakap na ako kay Patty .
"AAHHHHH!!"
sigaw ko na ikinagising naman niya.
Tinignan ko kung may damit pa ako , baka kasi meron na namang nangyari.
" bakit ka ba sumisigaw bes??! Istorbo ka naman sa tulog oh!"
Sabi ni patty na nakapikit pa.
Huminga ako nang malalim ...
" whoo! ANo ba Ella? PAnaginip lang yun ok? Wag ka na mag-isip, panaginip lang yun." Sabi ko nalang sa sarili ko.
" baliw ka na ba? Bakit kinakausap mo yang sarili mo?"
Sabi ni Patty, kaso imbes na sagutin ko siya, bumangon na ako at pumuntang CR. Bigla akong nakaramdam nang ilang. Huhu!
NAGtitimpla na ako nang kape nang bumangon na si PAtty, lumapit siya sakin.
" pahingi naman ako bes"
NAalala ko ulit tuloy yung panaginip ko kaya nilayo ko sakanya yung iniinom kung kape.
" g-gawa ka ng sayo!"
Sabi ko nalang sakanya.
" bakit? Diba nagsha-share naman tayo dati? Sige na bes! ANg damot mo ha!"
Wala na akong nagawa nang kunin niya sa kamay ko ang tasa na may lamang kape , at shet! BAkit parang may kuryente akong naramdaman nang magdikit ang kamay namin? WAAAHHH! nababaliw na ba ako? Huhu!
Pinanuod ko siya habang humihigop nang kape, bigla na naman tuloy pumasok sa isip ko ang halikan namin sa panaginip ko. Huhu!
" ok ka lang ba bes? Bakit parang puyat ka?" At talagang nagtanong pa siya?? Siya kaya dahilan kung bakit puyat ako!!!
" ok lang ako , ang kulit mo kasi matulog kaya hindi ako nakatulog ng maayos!"
PAgpapalusot ko nalang.
" b-bakit ka ba kasi naglasing?"
TAnong ko sakanya na nagpa seryoso sa mukha niya.
" m-may nagawa ba ako kagabi?"
Tanong niya at shet! Oo wala naman siyang ginawa talaga, pero sa panaginip ko meron! Huhu!
" uyy! ANo na?"
NAtulala pala ako sa pag-iisip sa putek na panaginip na yun!
" a wala. G-gusto mo bang umuwi muna sa kwarto mo? KAsi gusto ko pang matulog"
YAn nalang ang sinabi ko kasi sa totoo lang,naiilang ako na kasama ko siya ngayon.
" grabe! Pinapalayas mo na ako??"
PAGtatampo niya.
" h-hindi! Ano lang kasi , aahh .. ahay! Ok sige wag na, dito ka nalang muna."
Tch! BAkit ba kasi masyado akong apektado sa panaginip ko na yun? Huhu!
" hindi na, uuwi na ako , sige. Salamat nalang sa pagpapatulog."
Saka siya naglakad palabas nang kwarto.
NAkokonsensya naman ako, wala naman kasi siyang ginawang masama pero bigla nalang akong nailang sakanya, ahay! NAhihiya kasi ako sa panaginip ko :( kasalanan to lahat nang panaginip na yun!! Uff!
PATTY POV:
Nauna na akong pumasok kesa kay Ella, mukha naman kasing ilang siya sakin this past few days, ewan ko lang baka kasi may nasabi ba ako sakanya nung lasing ako. Huhu! Wala akong maalala! :(
Nandito na ako sa may university nang biglang tumunog ang phone ko.
Simon Calling ...
Agad kung sinagot ang tawag niya, pakiramdam ko kelangan ko ulit nang makakausap at si Simon ang tamang tao para dun.
Napag-usapan naming magkita dito sa isang tea house malapit dito sa university , hindi naman siguro ako hahanapin ni Ella tutal , hindi rin naman niya ako masyadong pinapansin :(
" nasabi mo na ba sakanya?"
NApatingin ako sakanya sa tanong niya at sumimangot nalang ako.
" ang torpe naman :)"
PAgbibiro pa niya.
" ewan ko lang, alam mo bang parang umiiwas siya sakin? I dont know pero hindi kaya may nasabi ako sakanya nung time na lasing ako?"
" siguro , hindi naman siya iiwas sayo kung wala namang dahilan. BAkit hindi niyo pag-usapan?"
" hindi nga siya namamansin kaya pano namin pag-uusapan? NAgtatampo na nga ako sakanya"
NAkakasama lang kasi ng loob , mag bestfriend kami pero nakakaya niya akong hindi pansinin , samantalang ako dito, masyado na akong apektado sa ginagawa niya!
" nga pala Simon, yung mga nasabi ko sayo noon, pwede bang wag mo nalang sabihin sa iba lalo na kay Ken?"
PAki-usap ko sakanya.
Nginitian niya ako .
" sure , wag ka ng mag-worry PAtz, kaya kong magtago ng sekreto."
ALAM ko naman yun, kaso naninigurado lang ako.
NAGkkwentuhan lang kami ni Simon ng tumunog ang phone ko ...
Ella CAlling ...
Tinignan ko lang ang screen ng phone ko , nagdadalawang isip ako kung sasagutin ko.
SA huli , hindi ko rin siya sinagot.
" bakit di mo sinagot?"
Tanong ni Simon.
" para maramdaman din niya ang nararamdaman ko."
" ahh bawian . PANo kayo magkakaayos kung nagtitiisan kayong dalawa?"
" ok na rin muna to, baka kapag umiwas din ako, baka sakaling mawala tong nararamdaman ko sakanya. Eeiishh! Hindi ko talaga alam kung bakit at pano nagsimula na nagkagusto ako sakanya!! Uff!"
Inis na sabi ko sakanya.
" nakakagulat nga rin , dati papalit palit ka ng boyfriend kaya nagulat talaga ako nung sabihin niyo ni Ella na kayo,pero mas nagulat ako ng iopen mo sakin na seryoso ka na pala sakanya."
" naguguluhan parin ako Simon."
" ganyan talaga, dumadating kayo sa point na confuse pa kayo kung ano ba talaga kayo , but later on , saka niyo lang malalaman kung ano talaga kayo , wag mong masyadong pilitin , dahan dahanin mong tanggapin."
MAganda rin palang kasama tong si Simon , may sense kausap , dapat pala hindi ko nalang siya iniwasan noon , siguro mas naging close pa kami.
Ella POV:
hindi parin niya sinasagot ang mga tawag ko , ahay! :(
Kasalanan ko, dapat hindi na lang ako masyadong nagpa-apekto sa panaginip ko.
Namimiss ko na si Patty , wala tuloy akong kasama ngayon.
NAGlakad lakad ako, nilibang ko nalang ang sarili ko, hanggang sa nakita ng mga mata ko si PAtty kasama si Simon, nagtatawanan pa sila.
ALAm ko na nakita ako ni Simon at malamang sinabi niya ito kay Patty , kaso hindi manlang lumingon ang bestfriend ko :(
NAgtatampo ba siya sobra sakin? T_T
Umuwi nalang ako , nalulungkot lang kasi ako. Apektado ako sa nangyayari samin ng kaibigan ko :(
" nasan si PAtty?"
TANong ni stella pagkapasok ko sa klase namin.
" hindi ko alam, di ko siya kasama."
SAgot ko.
" nag-away ba kayo? PANsin ko lang kasi, ilang araw na kayong hindi nag-papansinan. ANyare teh?"
" Tampuhan lang."
MAtipid kong sagot.
" ay LQ! HAy naku fren, wag niyo ng patagalin yan , mag-ayos na kayo ."
" pano kami mag-aayos e hindi nga niya ako pinapansin :("
" effort teh! MAniwala ka sakin , kapag mahal ka talaga niya, hindi ka niya matitiis, tulungan kita gusto mo?"
Patty POV:
NAKita kong magkausap sila Stella at Ella, gusto ko sana siyang kausapin kaso mukhang busy naman siya kausap si Stella.
AHAy! Siguro mamaya pag-uwi , kakausapin ko na siya , tama na ang tiisan!
