Kutob
Ella POV:
Naabutan namin si Stella pagkarating namin nang room, nakatingin siya sakin, at parang may something sa tingin niya.
NAg-iwas ako nang tingin, naiilang kasi ako, at the same time nakokonsensya parin ako sa nangyari sakanila ni CAsper.
" kamusta na kayo ni CAsper?"
Tanong sakanya ni Patty. Interesado ako sa kung ano ang isasagot niya.
" hindi parin kami ok , pero aayusin ko. Hindi naman ako basta magpapatalo dun sa babaeng pinalit niya sakin ..."
Nakaramdam ako nang kaba lalo na at nakatingin pa siya sakin.
" ... diba Ella?? Kung ikaw ba ako, papayag ka bang basta nalang ibigay ang mahal mo sa iba???"
O fck! BAkit parang may laman ang mga tanong niya?? SHit! ANg lamig pero feeling ko pinagpapawisan ako ngayon!
NApatingin na rin ako kay Patty, nagpapakiramdaman kami kung ano ang gagawin namin ngayon, alam ko nakakaramdam na rin si patty nang tensyon ngayon sa pagitan namin ni Stella.
" aa ... h-hindi syempre!"
Yan nalang ang nasagot ko sa tanong niya. WAAAHHHH! ayuko nang ganito! T_T
Nginitian lang niya ako pagkatapos niyang marinig ang sagot ko.
" naks, talaga?? Ipaglalaban mo si PATTY??"
Diniin pa niya talaga ang pagkakasabi sa pangalan ni Bes.
" bakit hindi? Ipaglalaban ko rin naman siya kahit hindi niya gawin sakin yun :)"
SIngit ni PAtty.
" ang sweet naman :) maganda yan, ipaglaban niyo ang isat'isa, 'wag mong hayaang makuha nang iba si Ella Sayo PAtty :)"
HIndi na kami nagsalita ni PAtty, hindi tuloy ako mapakali sa kinauupan ko, may pakiramdam akong may alam na si Stella , hindi kaya hinuhuli nalang niya ako para sakin mismo manggaling na may namamagitan samin ni CAsper???
" pasyal naman ako sa apartment niyo Girls :)"
NAGkatinginan kaming dalawa ni Bes.
" ano namang gagawin mo sa apartment namin?"
" wala naman, bonding lang :) saka gusto ko lang makalimot kahit papano kaya gusto kong aliwin ang sarili ko."
" baka mabagot ka lang sa apartment. Umuwi ka nalang, itulog mo nalang para makalimot ka saglit :)"
" grabe ka naman PAtty , ayaw mo lang ee :("
" tch!"
" Ella sige na ... kapag sa unit ko kasi, malulungkot lang ako :("
PAPayag ba ako?? EEishh!
" sige na please ... don't worry, behave lang ako , hindi ako mag-iingay or what , basta pumayag ka lang Ella. :("
nadadala ako sa pagmamakaawa niya , kasalanan ko rin naman kung bakit siya nalulungkot ngayon e .
" s-sige ..." pagpayag ko at awtomatiko siyang napa-ngiti.
Habang si PATTY , tinaasan lang ako nang kilay. AHay! ANo pa ba kasing magagawa ko e nakakaawa naman kasi talaga si Stella, saka nadala ako nang konsensya ko , kahit ako ang dahilan nang kalungkutan niya ngayon, gusto ko rin naman kahit papano ay ma-comfort siya.
Naglakad na kami pauwing apartment , kwento lang ng kwento si Stella habang ako nakikinig lang sakanya , nakikitango na nga lang ako minsan sa mga kwento niya at nakikitawa nalang din para hindi niya isipin na hindi ako interesado sa mga sinasabi niya .
