chapter 45

274 9 1
                                        

CASPER POV







" bakit ka nakipagkita? Ano yung sasabihin mo?"tanong ko kay Amy.



Nandito kami ngayon sa isang coffee shop, papunta na sana ako kay Ella para isurprise siya kaso biglang tumawag tong si Amy at may sasabihin daw na importante.





" alam mo na ba?"balik na tanong niya. Uff! Magtatanong ako tapos tatanungin din niya ako?! Tch!



" ang alin?" Balik na tanong ko.




" about Ella and Patty ..."
Nagsalubong ang mga kilay ko at tinignan ko siya na puno nang pagtataka.




About Ella and Patty? Anong dapat kung malaman tungkol sakanila e alam ko naman na mag-bestfriend silang dalawa.






" siguro nga wala ka talagang alam sa kung anong namamagitan sakanilang dalawa."
Tinaasan ko siya nang kilay. So anong ginagawa niya? Sinisiraan si MOO?




" ano bang sinasabi mo Amy?!"
Medyo naiinis na tanong ko sakanya. Hindi ba pwedeng direct to the point na para hindi na niya ako binibitin sa mga sinasabi niya?!!





" hindi mo alam na SILA??"




WHAT THE FVCK!






Nagulat ako sa sinabi niya, pakiramdam ko tumigil mag-function ang buong sistema ko sa narinig ko galing kay Amy, idagdag mo pa ang biglang pagkirot nang puso ko!






Pero HINDI! h-hindi magagawa ni Ella ang sinasabi ni Amy! Alam ko na Mahal ako ni Ella!







Pero shit! Kinakabahan ako! P-paano kung totoo?? Fvck! Naiisip ko palang nasasaktan na ako! T_T






" s-seryoso ba yan? T-totoo ba yang information na sinasabi mo sakin ngayon?! B-baka sinisiraan mo lang si Ella sakin! Hindi kayang gawin ni Ella yun, sigurado akong mahal niya ako Amy!"
Naiiyak na sabi ko! Tangina! Ngayon palang nasasaktan na ako pero kelangan ko manigurado, bakit ako makikinig sa Amy na to? Kay ELLA lang ako makikinig at sigurado ako na hindi totoo tong sinasabi ni Amy sakin ngayon! T_T





" pwes nagawa na niya Casper! Nakipaghiwalay na si Patty sakin ... at alam mo kung sino ang dahilan? Ang Ella mo!!"




" NO! bakit ako maniniwala sayo?!! Tch! Mauna na ako!"
Ayuko nang marinig pa kung ano pa ang mga sasabihin niyang paninira, kay Ella lang ako makikinig!


" FINE! bakit hindi siya ang tanungin mo para makasiguro ka?!! Maniwala ka sakin Casper, niloloko ka ni Ella!!"




Tumayo na ako saka mabilis na umalis sa lugar na iyon! Hindi ko na kinakaya ang mga sinasabi ni Amy.






Agad akong nagtungo sa apartment ni Ella, sana nga lang hindi totoo lahat nang mga sinabi ni Amy ... kasi kung totoo man yun? Shit! Ngayon palang sobra na akong masasaktan! T_T







Kumatok ako sa unit ni Ella, kaso parang wala naman siya sa loob. Saan naman kaya siya pupunta?? Kasama ba niya si Patty??





Damn! Nakaramdam ako nang inis!




Or baka nandito siya sa unit ni Patty?




Sunod akong kumatok sa unit ni Patty, ilang katok din ang nagawa ko nang bumukas ito.



I Think I'm Falling IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon