Bestfriends FOREVER ...
Ella POV:
Busy ako ngayon sa paghahanda sa gagawin kung peace offering kay Bes , nagpatulong pa talaga ako kay Stella para dito. ;)
Ayuko na kasi na ganito kami ng bestfriend ko , hindi ko kinakaya. Mas mahalaga pa siya sa lahat ng bagay at ang tanga ko para magpaapekto lang sa isang panaginip na dahilan kung bakit nailang ako sakanya :(
NANg maihanda ko na lahat , kinuha ko na ang cake na ibibigay ko kay Patty, may nakalagay dito na isang malaking SORRY.
Lumabas na ako ng kwarto at kakatok na sana sa pintuan niya ng bigla din siyang lumabas!
PAtty POV:
Lalakasan ko na ang loob ko para kausapin si Ella, ang mga ganitong tampuhan ay hindi na dapat pa pinapatagal kasi shet! NALulungkot talaga ako :(
Mahal ko na si Ella noon pa bilang isang bestfriend ko, e ano pa ngayon na nag-level up na tong nararamdaman ko :(
HUmugot ako ng malalim na hininga saka ako lumabas ng kwarto, pero nagulat ako ng makita ko siya sa harapan ko .
Dug dug dug dug
O goodness! Ito na naman ang puso ko.
" aa b-bes ..."
Kinakabahang sabi niya, nakatingin lang ako sakanya.
Mas nilahad pa niya ang dala niya na ngayon ko lang din napansin na cake pala, at may nakasulat pa na SORRY .
Awtomatiko akong napangiti sa nabasa ko.
" sorry na PAtty, please bati na tayo kasi namimiss na kita :("
Ramdam ko naman na sincere siya sa pag-sosorry niya at ako naman, gusto ko siyang yakapin! Kung alam lamg din niya na sobra ko din siyang namiss.
" sakin ba yang cake?" TAnong ko at tumango siya bilang sagot.
Kinuha ko ang cake sa mga kamay niya.
" tara sa unit ko, may ginawa pa ako :)"
Aya niya sakin , sumunod naman ako sakanya at nakita ko ang isang lamesa na puno ng pagkain .
" sige na upo ka na bes :)"
NApangiti naman ako sa nakikita ko ngayon , talagang nag-effort pa siya.
NAUpo ako, magkaharap kami ngayon ni Ella.
" is this a date?"pagbibirong tanong ko sakanya.
" hmm , oo ? Bestfriends'date :)"
Sagot niya na mas ikinangiti ko.
" may ganun palang date. :)"
" h-hindi mo ba nagustuhan bes?"
NAKasimangot na tanong niya.
" sira! Gustong gusto ko! Ikaw ang drama mo!" Lumapad ang ngiti niya sa sinabi ko.
" sorry na talaga bes, promise hindi na kita iiwasan"
So umiiwas talaga siya sakin :(
" bakit mo nga ba ako iniiwasan?"
TAnong ko sakanya.
" ahh tinopak lang ako bes, nga pala bes , nakita ko kayo ni Simon na magkasama , anong meron?"
" yun ba? Siya kasi yung kasama ko nung naglasing ako , nakapag kwentuhan lang kami tapos ayon, magkaibigan na kami :)"
PAliwanag ko sakanya.
" so sasagutin mo na siya?"
Tinaasan ko lang siya ng kilay.
" hindi , kaibigan lang talaga."
