GO PATTY ▔□▔)/▔□▔)/▔□▔)/
PATTY POV:
nagising ako dahil sa katok na naririnig ko ngayon , eeissh! KAYa wala akong nagawa kundi ang bumangon at pagbuksan kung sino man siya na panira sa tulog. Uff!
" good morning bes"
Bungad sakin ni Ella. Bigla ko tuloy naalala yung kagabi :(" o bakit ang aga mo mambulabog?"
" gusto ko lang ng may kasama. Feeling ko kasi mag-isa ako :("
Mag-isa porket nasaktan lang siya kay CAsper? KAYa sakin siya lumalapit ngayon? AHAy!
" hindi mo ba ako papapasukin?"
TAnong niya sakin." aa kasi, inaantok pa ako bes, hindi rin kita maaasikaso kung dito ka."
NAKita ko pa ang paglungkot ng mukha niya. Aww! Ano bang sinasabi ko at ginagawa ko? BAkit tinatanggihan ko siya???
" ok , pasensya sa abala :("
TUmalikod na siya, shet! ANg sakit sa loob ko :( gusto kong bawiin ang sinabi ko , AAHHH! bwisit!
SInara ko na ang pinto ng pumasok na siya sa unit niya , feeling ko naman hindi din ako makakatulog pa nito kasi siya na naman iisipin ko!
Tinawagan ko si Simon , siya lang ang pwede kong kausapin about dito sa nararamdaman ko.
NAG-riring lang ang phone niya . Tulog pa kaya siya? Or baka naman may nangyari na sa tukmol na to kagabi? NAkauwi kaya siya?
Dinial ko ulit ang numero niya at finally, sinagot naman niya na halatang nagising ko siya.
" thank God ayos ka lang! MAgkita naman tayo."
" pero ... ahay! Ok , saan at anong oras?"
AHAHa! Hindi ako matatanggihan ni Simon, alam ko naman na kahit tumigil na siya sa panliligaw sakin e patay na patay parin siya sakin (^-^)
NADatnan ko si Simon na nakasubsob ang mukha sa upuan dito sa isang coffee shop malapit sa apartment.
" Simon ..."
TAWag ko sakanya kaso hindi siya sumasagot, mukhang tulog siya." uyy Simon!"
SABay yugyog ko sakanya para magising siya.Effective naman at nagising siya.
" inaantok ka pa ba?"
Tanong ko sakanya." oo , pero ayos lang , siguro ilibre mo nalang ako ng kape para magising ako."
ANg kapal ng mukha , nagawa pang magpalibre?? PEro dahil pinagbigyan naman niya ako, sige na nga (^.^)" so anong problema?"
Alam na niya agad yan, kapag nakipagkita ako sakanya ibig sabihin may problema ako." Ella?"
Ngumisi nalang ako sa sinabi niya." anong nangyari? NAsabi mo na?"
Tumango ako , mukha naman siyang naexcite.
" then? ANong sinabi?"
" akala niya ako si CASPER..."
Bigla namang nawala ang excitement sa mukha niya." siguro kapag nagtapat ka, wag yung lasing siya."
Feeling ko naman hindi ko pa kayang gawin yun. Kelangan ko ng maraming lakas ng loob para masabi kung ano ba talagang nararamdaman ko.
" kelan pa kaya yan? PEro PATz , sa tingin mo kapag nasabi mo na, pano yung pagiging mag-bestfriend niyo?"
NApaisip ako . Oo nga naman, ang tagal na naming mag-bestfriend, kaya ko bang isacrifice yun?
" hindi ba pwedeng maging bestfriend parin kami kahit malaman niya na mahal ko siya?"
" yun e kung ayos lang sakanya. Tingin mo ba hindi siya maiilang na yung bestfriend niya e may lihim palang pagtingin sakanya? Saka kaya ba niyang mas higit pa sa pagiging mag-bestfriend ang maging relasyon niyo? BAKa masaktan ka lang sa huli nyan Patz."
NAg-isip ako, tama nga naman si Simon , kaso kasi ... parang hindi ko na kayang pigilan tong nararamdaman ko para kay Ella T_T
" anong gagawin ko??"
Tanong ko." pakamatay ka."
Tinignan ko siya mg masama. Tch!" joke lang (*^_^*)v"
" e kung ikaw kayang patayin ko??! TCh!" Inis na sabi ko sakanya.
Umuwi na akong apartment , matutulog nalang ako ulit, feeling ko kasi masisiraan ako ng pag-iisip kapag patuloy pa akong nag-isip ng kung anu-ano, kelangan ko ipahinga ang utak ko!
NAsa tapat na ako ng pintuan ko ng bigla din lumabas si Ella , nagkatinginan kaming dalawa.
" akala ko ba matutulog ka?"
Tanong niya sakin." ha? Aa ano kasi, nagutom ako kaya--"
" tch! Umiiwas ka??"
nabigla naman ako sa sinabi niya. GAnun na ba ang dating sakanya?
" halata naman bes e, bakit? MAy nagawa ba ako??"
Hindi ko siya masagot, hindi ko alam kung anong isasagot ko! KAsi kapag sinagot ko siya ng totoong dahilan, baka hindi niya ako maintindihan at worst , iwasan niya din ako :(
" sorry , w-wala lang ako sa mood."
Yan nalang ang sinabi ko." so kapag wala ka sa mood, ibig sabihin din ba nun, wala ka rin sa mood maging bestfriend ko?? GANun ba yun Patty?"
Hindi ako makasagot sa mga sinasabi niya.
" may problema ka ba Patty? Or baka naman TAYO ang may problema na hindi ko alam kaya ganyan ka ngayon? MAy nililihim ka ba sakin?"
Napalunok ako sa sinabi niya, lintik! NAKAKaramdam na ba siya?? pano ko to lulusutan? Aaminin ko na ba sakanya na mahal ko siya higit pa sa pagiging mag-bestfriend namin?
Binuksan ko na ang pinto ng kwarto ko at aakmang papasok na ng magsalita siya.
" ok! IIwas ka na naman?! BAHALa ka! KAusapin mo nalang ako kapag nasa MOOD ka na!"
Saka ako tuluyang pumasok. :(Inabot ako ng madaling araw kakaisip kay Ella at kung ano bang gagawin ko . NAHihirapan ako, nasasaktan dahil sa lintik na nararamdaman ko na to! :(
Dinial ko ang numero ni Simon, gusto ko ng kausap :(
AGAd naman niyang sinagot.
[ naistorbo ba kita?]
MAtamlay na tanong ko sakanya.[ hindi naman, may problema ba?]
[ anong gagawin ko SImon? NAhihirapan na akong itago tong nararamdaman ko.]
[ then sabihin mo sakanya. Kung anong gusto ng puso mo gawin mo, kung anong kakalabasan pagkatapos, tanggapin mo nalang, atleast nasabi mo , hindi ka na mahihirapan. Sa tingin ko naman maiintindihan niya PAtz kasi mag-bestfriend parin naman kayo, yun nga lang, be ready sa kung ano mang magiging kalalabasan ng pag-amin mo at syempre panindigan mo, hindi lang yang nararamdaman mo kundi pati siya, kung mahal mo siya tulad ng sinasabi mo , ipaglaban mo siya! Ipaglaban mo yang pagmamahal mo sakanya. Kung hindi man niya masuklian, atleast, maipaparamdam mo sakanya na hindi lang si CAsper ang tao sa mundo kundi nandyan ka para mahalin siya gaya ng ginawa ni CAsper sakanya NOON o mas higit pa."
Buti nalang nandyan lagi si Simon para makinig sakin .
[ sige na PAtz, GO! wag kang torpe! Hehe!]
[ thank You Simon...]
Siguro nga dapat ko ng sabihin sakanya, tama si Simon, tama na ang pagtatago , aamin na ako , aaminin ko na sakanya na MAHAL KO SIYA!! bahala na si kupido!
![](https://img.wattpad.com/cover/42020568-288-k991865.jpg)