HUG pa MORE! (^.^)
Ella POV:
Yakap-yakap ako ngayon ni Casper habang mahimbing na siyang natutulog.
Nakokonsensya ako sa mga nangyayari ngayong araw na to, hindi ko naman gustong paasahin at paniwalain si Casper na ayos lang ang lahat saming dalawa. Gustong gusto ko nang sabihin sakanya kaso kasi hindi niya ako binibigyan nang chance para makapagsalita :(
Nang palagay na ako na tulog na tulog na si Casper, dahan-dahan kong tinanggal ang kamay niya na nakayakap sakin. Kung dati komportable ako kapag niyayakap niya ako, iba na ngayon kasi ...
Tulad ngayon, hindi ko mahanap sa loob ko yung saya na dapat kong maramdaman habang yakap niya ako ... h-hindi ako masaya ... ang totoo nga niyan habang yakap niya ako si Patty ang naiisip ko ...
Gusto kong puntahan si Patty! G-gusto ko siyang yakapin ... gusto kong sabihin sakanya na hindi ko gustong kasama ko ngayon si Casper :(
Wala akong ibang naiisip ngayon kundi si Patty, siya lang at ang mararamdaman niya kapag nalaman niya na kasama ko si Casper.
Dahan-dahan akong bumaba nang kama para hindi magising si Casper, tinitigan ko muna si Casper ...
Habang tinitignan ko siya, naiiyak ako ... naiiyak ako kasi nasasaktan ko na naman siya sa pangalawang pagkakataon, pero hindi ko to sinadya, at mas lalong hindi ko gustong gawin ulit sakanya na saktan siya ... I'ts just that ... WALA na akong maramdamang LOVE ... yung love na yun ay kay Patty ko nararamdaman! Ayuko namang pilitin at paniwalain ang sarili ko na mahal ko siya kahit hindi naman talaga :(
Mas magiging unfair ako kapag ginawa ko yun :(
" Sorry Casper ..." mahinang sabi ko saka ako naglakad palabas nang unit ko.
Kumatok ako sa unit ni Patty, sana nga lang gising pa siya. Pasado alas dose narin kasi nang madaling araw.
Nakailang katok din ako bago niya binuksan, tumambad sakin ang Patty na mukhang kagigising mula sa pagkakatulog.
" nagising ba kita? Sorry"
Nginitian niya ako dahilan para mawala kahit papaano itong nararamdaman kong pagkalungkot.
" it's ok ..." pagkasabi niya ay hinawakan niya ang kamay ko saka niya ako dahan-dahang niyakap.
" bakit pakiramdam ko hindi ka ok. Anong nangyari?"
Tanong niya.
Habang yakap niya ako pakiramdam ko magiging maayos na ako. Ito ang maganda kay Patty, kahit hindi mo pa sinasabi na may problema ka, alam na niya agad.
" s-si Casper ... nasa unit ko kasi siya." Pagsusumbong ko kay Patty.
Nanatili siyang yakap lang ako, mas naramdaman ko pang mas humigpit ang yakap niya sakin bago siya kumalas at tignan ako diretsyo sa mga mata ko habang ngiting ngiti siya.
" so dapat ba akong matuwa kasi umalis ka sa unit mo para iwan siya at makasama ako? (*^_^*)"
Kinikilig na sabi niya dahilan para mapangiti ako (^-^)
" obvious naman diba? Pero pakiramdam ko ang sama-sama ko kasi sinasaktan ko na naman siya :("
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at tinignan ako na magkasalubong ang mga kilay niya.
