Chapter 26

272 14 1
                                    


Ella POV:

Nagising ako dahil sa tunog nang phone ko, agad ko naman itong kinuha at agad sinagot ang kanina pang tumatawag sakin.

[ hello?]
Bungad ko.

[ hello Ella , aa kita naman tayo, may itatanong lang ako.]

Tinignan ko ang screen nang phone ko para malaman kung sino ba ang kausap ko , basta ko nalang kasi sinagot nang hindi tinitignan kung sino-- si Stella pala.

[ tungkol saan?]

[ mamaya nalang, puntahan kita dyan ok? BYe]

Hindi na ako nakasagot dahil agad niyang binaba ang telepono niya.

Itatanong? Tungkol saan naman kaya?? Hmm.






Tok tok tok!

Binuksan ko ang pinto at bumungad sakin si Stella , bigla tuloy akong nakaramdam nang kaba.


" hi Ella :)"
BAti niya sakin dahilan para ngitian ko siya. PInapasok ko narin siya.

" aa ano ba yung itatanong mo Stella?"

Ngumiti lang siya imbes na sagutin ang tanong ko. ANo bang trip niya ngayon at parang ang wierd na naman niya?? Tch!

NAwala ang atensyon ko sakanya nang mag-ring ang phone ko , agad kong chineck kung sino at nagdalawang isip akong sagutin.

Si CAsper kasi ang tumatawag ...


" hindi mo ba sasagutin? Si Casper ba yan??"
TANong niya na nakapag palakas nang kaba sa dibdib ko. DAMn! Bakit alam niya na si CAsper? OMYGOODNESS! a-alam na ba niya???

" nakakabigla ba na alam ko na si CAsper yang tumatawag sayo?"
Tanong niya habang nakangiti lang siya.

" p-pano mo alam?? I-ibig sabihin ..."
Kinakabahang tanong ko.

" definitely YES Ella! Kaya ako nandito para itanong sayo mismo kung ikaw ba ang dahilan kung bakit ako basta nalang iniwan at tinapon ni CAsper! Gusto ko sayo Mismo manggaling Ella!!"

Hindi ko magawang tignan si Stella sa mga mata niya , lalo na ngayon na ramdam ko ang galit niya T_T

" Stella ... S-sorry T_T"

" o shit! So totoo nga?!"

This time tinignan ko na siya sa mga mata niya pero kasabay nito ang malakas na sampal na ibinigay niya sakin. T_T

Halos hindi ko na maramdaman ang pisngi kong nasampal dahil sa sobrang lakas nang pagkakasampal sakin ni Stella . Hindi ko na rin napigilan ang mga luha na kumawala sa mga mata ko dahil sa sakit na nararamdaman ko ngayon, hindi lang dahil sa sakit na naramdaman ko sa pagkakasampal sakin pero dahil din sa sakit na nararamdaman ko dito sa puso ko T_T


" para yan sa pang-aahas mo sakin!!!
T_T Ella madalas kitang kasama! NAKikita mo pa nga kami ni Casper na magkasamA at alam mo rin na kami, pero bakit?!! bakit mo ako inahas?!! MAy nagawa ba ako sayong masama para saktan niyo ako nang ganito??!! T_T"

PArehas na kaming umiiyak. T_T

" Sorry , h-hindi ko sinasadyang masaktan ka Stella , maniwala ka. "

" sinadya mo man o hindi, nasaktan na ako Ella! Ikaw pa talaga na tinuring kong kaibigan ang aahas sakin?? Damn you Ella! ANg kapal nang mukha mo para humarap pa sakin! PAra ano?!! PAra makita mo na nasasaktan ako habang kayo ni Casper ay masaya?!! T_T
SO ano?? MAsaya ka na?? MAsaya ka na ikaw ang pinili ni Casper ha?!!"

" shit Stella! Sa tingin mo ba ikaw lang ang nasasaktan satin?! MAHAL ko si CAsper! MAhal na mahal! Wala ka kasing alam sa nangyari! T_T
Hindi mo alam kung gaano ako nasasaktan habang nakikita ko kayong dalawa ni Casper! Hindi mo alam kung gaano ako nasaktan nang malaman ko na may Girlfriend na pala siya! AT hindi mo alam kung gaano ako nasaktan nang piliin ka niya noon kesa sakin!! Stella, parehas lang tayong nasasaktan T_T"

" parehas?? I don't think so , bakit ka pa masasaktan? NAsayo na nga si Casper diba?? NAAGAW mo na siya sakin kaya I'm sure, masayang masaya ka na ngayon!! T_T"

" NO! sa tingin mo ba sasaya ako habang may nakikita akong may nasasaktan?? T_T"

" Talaga?? Sana naisip mo yan bago niyo pinasok ni Casper ang gulo na to! MAdami na kayong nasaktan Ella! Sa tingin niyo sasaya kayo?!! HELL NO!"



T_T


" 'wag kang magpakasiguro na sayo na si Casper Ella, sa tingin mo ba ganun-ganun ko nalang siyang ibibigay sayo?!' Tch! Sulitin mo nang kasama si Casper kasi Sakin parin siya babagsak! Tandaan mo yan Ella!!"

PAGkasabi niya nang mga salita na iyon ay umalis na siya at naiwan akong patuloy parin sa pag-iyak T_T


Pakiramdam ko ang sama-sama kong tao kasi may mga nasasaktan kami ni Casper T_T
Shit! Nagmamahal lang naman kami! BAKit kelangan pa kasing may masaktan?? Hindi ba pwedeng maging masaya nalang ang lahat?? T_T






PAtty POV:


Nakita ko ang paglabas ni Stella sa unit ni Ella kaya nagmadali akong puntahan siya agad.

NAdatnan ko siyang umiiyak. Fck! ANong ginawa ni Stella kay Ella?!!

Agad ko siyang nilapitan ...

" a-anong nangyari??"

Imbes na sagutin niya ang tanong ko, napayakap nalang siya sakin habang patuloy parin siya sa pag-iyak. :(



Alam ko konektado na naman si Casper dito pero wala na akong pakialam, ang mahalaga lang sakin ay nandito ako para kay Ella, nandito ako para damayan siya bilang isang BESTFRIEND niya, isasantabi ko muna ang mga nararamdaman ko, kung masaktan man ako sa mga sasabihin niya tungkol sa pagmamahal niya kay CAsper, so be it! Titiisiin ko yun para lang kay Ella, handa akong makinig sa lahat nang sasabihin at sentimyento niya kasi alam ko kelangan niya nang tao na makikinig at dadamay sakanya, at ako bilang BESTFRIEND niya ang taong yun!





Casper POV:


kanina ko pa tinatawagan at text si MOO kaso hindi siya sumasagot! Nag-aalala na ako sakanya! MAy kutob din ako na parang may nangyaring hindi maganda.


NAKapag desisyon akong puntahan nalang siya sa apartment niya para mapanatag na ang loob ko.


Kumatok ako at si PAtty ang nagbukas.

" si Ella?"
TANong ko agad sakanya.

Niluwangan niya ang pagbukas sa pinto hudyat para pumasok ako at nakita ko si Ella na umiiyak.

Agad ko siyang nilapitan at niyakap. Shit! ANong nangyari sa MOO ko? BAKit siya umiiyak??? T_T

" bakit ka umiiyak MOO??"
Nag-aalalang tanong ko sakanya, pero hindi siya sumagot, sa halip ay umiiyak lang siya.

Tinignan ko si PAtty, baka sakaling may alam siya kung bakit umiiyak si Ella.

" nakita ko si Stella na lumabas dito sa unit niya, pero hindi ko alam kung anong napag-usapan nila."


Si Stella?? What the Fck!

Saka ko na siya kakausapin, ang mahalaga ngayon ay nandito lang ako sa tabi ng MOO ko, ayuko siyang iwan na ganito ang kondisyon niya :(


" i-ikaw nang bahala sakanya Casper , mauna na ako." Paalam ni Patty sakin.

" salamat sa pagdamay sakanya habang wala ako."
Nginitian lang niya ako saka siya tuluyang umalis. Ngiting may halong sakit.









------------------
Salamat sa mga nagbabasa,vote at nagcocomment :))
Sobra akong natutuwa sainyo :)


Kio ♥

I Think I'm Falling IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon