Chapter 32

296 11 2
                                        

L.Q

Ella POV:

Naalimpungatan ako dahil sa tunog nang phone ko. Ang sarap na nga nang tulog ko tapos may istorbo pa? Huhu!

Chineck ko muna ang oras at alas dose palang pala nang hatinggabi.
Dinampot ko na ang phone ko at sinagot kung sino man ang tumatawag!

[ hello?]
Walang buhay na sabi ko.

[ happy 2nd monthsary MOO!]

Napaisip ako saglit ...

Oo nga pala , monthsary pala namin , nawala rin sa isip ko.

[ nandyan ka pa ba MOO?]

[ ah oo , sorry, inaantok pa kasi ako. HAppy Monthsary din]

[ mukha ngang antok ka pa , sige na matulog ka na ulit MOO. pasensya na nagising kita.]

[ ok lang , matulog ka na rin. Bye]

Saka ko binaba ang tawag at natulog ulit.




Pagkagising ko kinaumagahan, mukha ni CAsper ang una kong nakita.

" good morning MOO, HAPPY MONTHSARY (^-^)"
May dala siyang isang stem nang red rose at binigay niya sakin.

" bakit nandito ka? Hindi ka manlang nagsabi"

" surprise kasi , h-hindi mo ba nagustuhan MOO?"

" hindi sa ganun ... dapat nagsabi ka para nakapaghanda naman ako , tignan mo ngayon, bagong gising lang ako tapos nakita mo ako sa ganitong ayos ko diba? NAKAkahiya ..."

" hahaha! ANo ka ba MOO? Ok lang yan, maganda ka parin naman kahit bagong gising ka, saka wala akong pakialam kung amoy laway ka pa, kung may muta ka pa sa mga mata mo or may bakat pa nang tuyong laway dyan sa pisngi mo, hindi yun nakakabawas nang pagmamahal ko sayo MOO :)"

Wala akong maramdaman ... dapat kinikilig ako ngayon diba? DAPAt masaya ako na 2nd Monthsary namin ngayon, at dapat natutuwa ako ngayon kasi kasama ko si Casper ...

... pero bakit hindi? Wala akong maramdamang kilig dito sa puso ko.

" tara breakfast na tayo , pinagluto kita :)"

Tumayo na siya at bumangon na rin ako para maghilamos.

Dumiretsyo ako sa lamesa at nakita ang mga inihain ni Casper.

Sabay kaming kumain , pero ako tahimik lang. Wala rin naman akong maisip na sasabihin. Ewan ko ba kung anong nangyayari sakin. Huhu!

" ayos ka lang ba MOO? parang ang tamlay mo. Masama ba pakiramdam mo?" Pag-aalalang tanong niya.

" ayos lang ako , sorry."

" sure ka? Hindi ka ba masaya ngayon?"

" s-syempre masaya, hindi lang halata." Nginitian ko nalang siya para hindi na siya magtanong pa.

Pagkatapos naming kumain, nagprisenta na siyang siya nalang ang maghugas , di nalang ako tumanggi.

Pagkatapos niyang maghugas, tinabihan niya ako habang nanunuod nang TV.

Niyakap niya rin ako ...

" I LOVE YOU MOO ."

Matagal bago ako nakasagot .

" I love you too ..."


Casper POV:

Bakit parang labas sa ilong? Hmm.
KAgabi ko pa napapansin ang Cold treatment niya sakin , hindi ko na nga lang pinapansin kasi baka akala ko lang naman, pero ngayon na kasama ko na siya? ANg cold parin nang pakikitungo niya sakin. :(

I Think I'm Falling IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon