Chapter 17

324 18 7
                                    

FriendZone


Ella POV:

" siguro naman nakaganti na siya sa nagawa ko sakanya noon, mas malala pa nga ata tong ginagawa niya sakin ngayon bes, ilang beses na akong nasasaktan ...
Noon pa naman diba? Hanggang ngayon! T_T"

Umiiyak parin ako , at nakikinig lang sakin si PAtty.

" ang akala ba niya siya lang ang nasaktan noon? T***ina yan! Mas nasaktan ako bes! T_T ako ang nahirapan!
ANg akala ko ba naintindihan niya yun? Pero bakit ngayon gumaganti siya?? BAKit nakakaya niya akong nakikitang nasasaktan dahil sakanya?!! T_T"

" alam mo kung bakit ka nasasaktan ngayon? KAsi umasa ka na magkaka-ayos kayo, na magiging kayo ulit ... kaso hindi yun ang nangyari, naka-move on siya, ikaw hindi ... nakahanap siya nang iba, ikaw sinara mo ang puso mo sa iba. Siguro akala mo gumaganti siya sayo, na sinasaktan ka niya kasi nasaktan mo siya noon, pero hindi kasi ganun ang pagkakakilala ko kay CAsper, hindi siya marunong gumanti."

" so kinakampihan mo pa siya??? KEsa sakin na bestfriend mo?!!"

The hell! BAkit ganyan siya magsalita? NA parang ako ang may mali?? Tch! AKo pa? Ako na nga tong nasaktan ee! T_T

" bes ... wala akong kinakampihan!"

" wala? E obvious naman na pinagtatanggol mo yang pinsan mo! "

Nasaktan na nga ako, ininis pa ako ni PATty! Uff!

Tumayo na ako , siguro kelangan ko muna mapag-isa! T_T

" bes!"

" wag mo muna ako kausapin!"
Saka ako nagsimulang maglakad.

Hanggang sa naramdaman ko nalang na nakahawak na siya sa braso ko.

" akala mo ba ikaw lang ang nasasaktan ha?! Shit Ella! Hindi lang ikaw! ANg manhid mo! ANg manhid manhid mo!!"

Saka siya umiyak , b-bakit siya umiiyak? Saka ako manhid??

" a-ano bang sinasabi mo PATty?"
PAgtatakang tanong ko sakanya.

" puro ka nalang CAsper! Wala na akong narinig sayo kundi si CAsper! Umiiyak ka dahil kay CAsper! NAsasaktan ka dahil kay casper! Puro nalang si CAsper!
Hindi mo ba naisip na may nasasaktan din dahil kay CAsper?? T_T
ELLA, nasasaktan ako kapag nakikita kitang nasasaktan dahil kay CAsper! NAIiyak ako kapag nakikita kong iniiyakan mo siya! AT naiinis ako sa sarili ko kasi hinahayaan kong masaktan ako dahil sa PAGMAMAHAL ko sayo Ella! MAHal kita Ella, higit pa sa pagiging mag-bestfriend natin. :("

NAtulala ako sa mga sinabi niya ...
T-totoo ba lahat yun? HIndi ako makapaniwala.

" hindi na pagkukunwari tong nararamdaman ko para sayo Ella, seryoso ako na mahal kita. T_T
sorry . Sorry kung hindi ko napigilang wag mafall sayo T_T"





" nagbibiro ka lang diba?"
PANIniguradong tanong ko sakanya.



" mukha ba akong nagbibiro?? MAy nagbibiro bang umiiyak?? Tch! ANg manhid mo talaga!!"

Ok. So seryoso siya ... O.MY.GOODNESS! Shit! Hindi ko alam kung anong gagawin ko, wala rin akong masabi.

KANina lang nasasaktan ako dahil kay casper, ngayon naman, nawindang ako sa pinagtapat ni PAtty T_T

" g-gusto ko munang mapag-isa..."
Yan nalang ang nasabi ko at iniwan si PAtty sa rooftop :(




Hindi ako makatulog sa pag-iisip sa mga sinabi ni PAtty sakin, hanggang ngayon hindi parin ako makapaniwala na MAhal pala niya ako. AHAy! :(

NAg-flashback tuloy sa isip ko yung first kiss naming dalawa ... kung pano ko siya tawaging BABY ... kung pano kami magholding hands habang naglalakad ... tas yung huling kiss namin nung isang araw.

KAya pala namumula siya kapag tinatawag ko siyang BABY , at kaya pala may naramdaman akong something nung halikan niya ako kasi may nararamdaman na pala siya sakin :(

Yung sa rooftop ... kaya ba niya ako hindi pinansin nun kasi nagselos siya na mas pinili ko si CAsper??

WAAHHHH! ang manhid mo nga ELLA! anong klase kang Bestfriend kung hindi mo manlang naramdaman na may nasasaktan ka na pala?! T_T

PAulit-ulit na tumatakbo sa isip ko na mahal ako ni PAtty, imbes na si CAsper ang naiisip ko ngayon, mas naiisip ko pa si bes.

Napabangon ako sa pagkakahiga ko , naisip ko si PAtty , ayos lang kaya siya?

TULuyan akong bumangon at lumabas nang kwarto , kinatok ko ang pinto ni PAtty, kung nasasaktan man siya ngayon, kelangan nasa tabi lang niya ako, lalo na kung ako ang dahilan :(

Ilang ulit na akong kumatok kaso hindi binubuksan ni PAtty :(
Shit! Sobra ko ba siyang nasaktan?
T_T

Kumatok pa ako nang ilang beses at ...

" sisirain mo ba yang pinto ko sa kakakatok mo?"
NApalingon ako kay PAtty na nasa likuran ko na pala saka ko siya mabilis na niyakap.

" i'm sorry bes , sorry kung nasaktan kita."

" ayos lang ..."
Kumalas ako sa pagkakayakap sakanya saka ko siya tinignan.

" bes ... mahal kita, alam mo naman yan diba? KAso kasi--"

HIndi ko na natuloy ang sasabihin ko nang magsalita siya.

" wag kang mag-alala , hindi ko naman ipipilit ang sarili ko sayo, sinabi ko lang kung anong nararamdaman ko para sayo, at tingin ko hanggang doon nalang yun kasi alam ko naman kung sino talaga ang mahal mo."

Nagpapaka-martyr ba siya? Tch!

" sana kahit ano man ang mga nasabi ko kanina, sana hindi masira nun ang friendship natin ."

" oo naman. BESTFRIENDS FOREVER diba? :)"

napangiti din siya sa sinabi ko pero makikita parin sa mukha niya na malungkot siya :(

" magpahinga na tayo BES."
Tumango nalang ako bilang pagsang-ayon.

PAPasok na siya nang kwarto niya nang tawagin ko siya, hinarap naman niya ako.






" kapag ok na ang lahat bes at ready na akong buksan ang puso ko sa iba, wag kang mag-alala, hindi na ako titingin sa iba, ikaw na agad ang liligawan ko. Yun e kung ... MAHAL MO PARIN AKO SA MGA PANAHON NA YUN .. pero sa ngayon, BESTFRIEND parin tayo."

nakita ko ang pag-ngiti niya sa sinabi ko :)

" ok BES. Ipagdasal mo . Hehe!"

AT napatawa nalang ako sa sinabi niya.
(^-^)

" sige na pumasok ka na bago ko pa maisipang lapitan ka dyan at dalhin dito sa kwarto ko :)"

" ahaha! Ok sige , good night Bes."

" good night din ."

" I LOVE YOU BES."






Naglakad siya palapit sakin ...

" kelangan ba kapag mag-a-iloveyoutoo ka e malapitan talaga bes?"

Hindi ko alam kung anong balak ni PAtty, bigla tuloy akong kinabahan.

Nginitian lang niya ako saka niya ako niyakap ...

" I Love You too ... BES."
BUlong niya sakin. NANAtili siyang nakayakap sakin hanggang sa kumalas na rin siya at pumasok na sa kwarto niya.


NAPAhawak ako sa may bandang dibdib ko saka ako nakahinga nang maluwag. feeling ko kasi bigla akong hindi makahinga nang niyakap ako ni Bes tapos binulong niya sakin ang tatlong kataga na yun. AHay!






--------------------------------
A/N: sino bang mas bagay kay Ella?
Si CASPER parin ba? O kay PATTY nalang siya? Hehe! E kung kay KEN nalang ulit? AHAHaha!

Comment.vote ...
maraming Salamat sa mga nagbabasa. :)






I Think I'm Falling IITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon