Ella POV:
napatingin kami ni Patty sa kararating lang na si Stella , naka-shades kasi siya, abot ba nang sikat nang araw ang room para magsuot siya nang shade?
Hindi gaya nang nakasanayan namin kay Stella, tahimik lang siya ngayon, mukhang seryoso ang mood niya ngayon.
OK lang kaya siya?? May nangyari ba sakanila ni Casper??
Bigla akong nakaramdam nang kaba.
" ok ka lang ba?" Buti nalang at napansin din siya ni Patty.
Hindi niya sinagot si PATty , seryoso parin siya.
" hindi ka ba nadidiliman dyan sa suot mo? Hello! Hindi na abot nang araw tong room natin!" Sabi pa ni PAtty , hinihintay ko kung anong isasagot niya sa sinabi ni PAtty, pano naman kasi , ang wierd niya ngayon.
Tinanggal niya ang suot niyang salamin at kitang kita ang mugto niyang mga mata.
Nagkatinginan kaming dalawa ni PAtty.
" umiyak ka ba? ANong nangyari??"
TANong ni PATTy.Nakatingin lang ako kay Stella at kitang kita ko na maiiyak na naman siya dahil sa tanong ni PAtty.
DAmn! ANong nangyari sakanila ni Casper?? ANong ginawa ni CASper??
NAaawa ako habang tinitignan ko si Stella :(
" m-may iba na siyang mahal ..."
Saka awtomatikong tumulo na ang mga luha niya.Shit! Sinabi na ba ni CAsper?? A-alam na ba niya??? Fck!
NAkita ko ang pagtingin ni PATty sakin, shit! PAti ba siya may idea na rin??? Holy Shit!
Dahil patuloy parin sa pag-iyak si Stella, niyakap na siya ni PAtty para i-comfort ito.
Tahimik lang ako sa kina-uupuan ko, hindi ko nga magawang tignan si Stella , nakokonsensya ako! T_T
kasalanan ko kung bakit siya nasasaktan ngayon :(
Kung alam na niyang may iba na si Casper, alam narin ba niya na ako iyon??
" aa .. k-kilala mo na ba kung s-sino yung iba niya?"
Tanong ko sakanya , alam ko katangahan ang tanong ko pero gusto kung makasiguro kung nasabi na ba sakanya lahat ni Casper :(" hindi pa, at aalamin ko kung sino yung babae na yun!!"
NApalunok ako sa sinabi niya , natatakot ako sa pwedeng mangyari at pwedeng gawin ni Stella :(
LAGOT NA!
T_T
Tahimik parin ako hanggang sa natapos ang klase namin , nakokonsensya talaga ako sa nangyari kay Stella :(
" ok ka lang? Kanina ka pa tahimik."
Tanong ni PAtty na ngayon ay kasabay ko pauwing apartment.GUSTO kong mag-open kay PAtty kaso alam ko masasaktan siya kapag nalaman niyang may namamagitan na ulit samin ni Casper :(
At ayukong mangyari yun , ayuko nang masaktan si PAtty :(
" sige na , sabihin mo na , alam ko may problema ka bes."
Napatingin ako sakanya , alam niya talaga kapag may problema ako :(