PROLOGUE

821 192 44
                                    

“Kill me or you'll regret it. Said a women who's now covered in blood, hindi mismong dugo niya kundi galing sa mga zombies.

The man who's aiming the gun directly at her and standing infront of her just laugh.

“Hinding-hindi ako mako-konsensyang patayin ka. Don't bother having hope.” nakakalokong sabi ng lalaki na hindi parin inaalis ang baril na tinutuon niya sa dalaga.

“What do you want?” walang katakot-takot na tanong ng dalaga sa kanya.

Akmang sasagot na sana ang lalaki pero agad niya itong inunahan.

“You want to kill me because of my blood isn't it?”

Nang marinig ng lalaki ang sinabi ng dalaga ay biningyan niya ito ng isang matamis na ngisi, isang ngisi na may binabalak na hindi maganda.

“Precisely.. I want your blood, I want your immortal ability and...I want you dead!” walang pasabi-sabi siyang biglang umatake sa dalaga na kaagad naman nakaiwas sa balang pinakawalan niya.

And their dying fight begins.

Akmang babarilin niya ulit ang dalaga pero mabilis nitong sinipa papalayo ang baril na hawak niya.

Napamura siya sa inis at tiningnan na masama ang katunggali.

Nginisihan siya ng dalawa na mas lalong nagpagalit sa kanya.

“Let's end this now, Uncle. Inuubos mo lang ang oras ko dahil hahanapin ko pa ang mga kaibigan ko,” seryosong sabi ng dalaga na ngayon ay prenting nakatayo sa tinawag niyang "Uncle".

“Kahit anong gawin mo, kahit pilitin mo ako, o kahit patayin mo pa ako ay hinding-hindi mo makukuha ang ninanais mo. If you're thinking that you can take my blood, nagkakamali ka...”

Tumawa ng malakas ang uncle niya na parang baliw. Sa biglaang inasta niya ay hindi napigilang kinuyom ng dalaga ang kamay niya. Alam niya kasi kapag ganito ang inaakto ng tito niya ay hindi ito pabor sa sinabi niya.

“You really amused me, my dear. Hindi talaga nalalayo 'yang ugali mo sa daddy mo,” aniya.

Hindi umimik ang dalaga ngunit hindi niya inaalis ang mga mata niya sa kung anuman ang binabalak na gawin ng kanyang tiyuhan.

Palihim niya ring nilagay ang kanang kamay niya sa kanyang likuran kung saan nakalagay ang swiss knife na nilagay niya bago siya napadpad sa lugar kung nasaan sila ngayon.

“Nagkakamali ka rin, hija.” parang nalulungkot na sabi ng lalaki. Ang kaninang ngisi sa kanyang labi ay agad na nawala. Naging alerto rin ang dalaga sa kung anuman ang mangyari sa pagitan nilang dalawa.

“Dahil gagawin ko ang lahat para makamit ang ninanais ko... na makuha ang dugo at immortal mong pagkatao. . .”

@UnrivaledBeauty_2023

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now