CHAPTER 30

159 72 0
                                    

“YOU fucking daft dimbo. . Fuck you. Fuck you in  a million times.

Tiim bagang na sinabi ni Hadleigh ang mga katagang iyon kay Freya na hanggang ngayon ay nasa sahig pa rin.

Nanggigigil ang sistema ni Hadleigh sa kaklase dahil sa mga pinagsasabi nito kay Ryden.

Pakiramdam niya ay kulang ang isang sampal dahil hindi man lang siya nakaramdam ng kaginhawa nang sampalin niya ito ng malakas sa pisngi.

Nangangati pa rin ang kanyang palad.

Gusto niyang sampalin ng paulit-ulit ang dalaga pero para sa kanya ay sakto na ang isang malakas na sampal na ginawa niya sa kaklase.

“You don't have the rights to speak like to Ryden, naiintindihan mo? Wala kang karapatang pagsalitaan ng ganyan ang kaibigan namin! Mamamatay tao ka!”

Sa lakas ng sigaw ni Hadleigh ay doon na siya nilapitan ni Amaia. 

Nang makalapit si Amaia ay agad niyang hinawakan si Hadleigh sa braso.

“Leigh, tama na—” hindi natapos ang sasabihin ni Amaia ng biglang sumabat sa kanya si Hadleigh.

“Hindi! This fucking bitch deserve that slap! Kung tutuusin, kulang pa ang ginawa kong pagsampal sa babaeng 'yan!” galit na talagang sigaw ni Hadleigh na hindi inaalis ang kanyang mga mata kay Freya na ngayon ay hinihimas ang pisnging nito.

“Wala kang puso! You're fucking a murderer!” muling sigaw ni Hadleigh na dinuduro pa ang kaklase.

Galit na galit talaga si Hadleigh sa nalaman.

Hindi niya inaakalang nasa palibot lang pala ang nasa likod ng lahat.

Hindi niya inaakalang ito ang may kasalanan kung bakit nawala sa kanila ang tatlong  kaibigan rin nilang lahat.

Hindi niya inaakalang ito ang may kasalanan kung bakit nawala sa kanila sina Hayami at Ryden. . .

Ang dalawang malapit na kaibigan kay Hadleigh. .

Marahas na bumuga ng hangin si Hadleigh at marahang pinunasan ang kanyang pisngi na ngayon ay puno na ng luha.

Pero kahit anong gawin niyang pagpunas ay parang hindi nababawasan ang mga luha niya na patuloy pa rin sa pagdaloy pababa sa kanyang pisngi.

Masakit para kay Hadleigh na mawalan ng mga kaibigan.

Ang mas malala pa 'don ay si Freya ang nasa likod ng lahat ng pagkawala ng mga ito sa kanya.

Alam rin ni Hadleigh na hindi lang siya ang nasasaktan sa sinapit ni Ryden. . Kundi si Hiro rin na mismong super close ni Ryden sa kanilang lahat.

“Ano? Masaya ka na ba sa nangyari? Masaya ka na ba sa ginawa mong putanginang ka? Masaya ka na ba, ha?!”

Hindi kumibo si Freya sa sunod-sunod niyang tanong. Nanatiling tahimik at kumuyom ang mga kamay ni Freya.

“Mas okay sana kung ikaw nalang ang nagiging halimaw dahil halimaw ka naman talagang deputa ka! Hindi deserve ni Hayami at Ryden na magiging kagaya nila! Sana ikaw nalang ang naging kagaya nila, you fucking murderer!” pagkatapos na sabihin 'yun ni Hadleigh ay parang may dumaan na anghel sa tindi ng katahimikan sa silid.

“Leigh, that's already enough.” mahinang sambit ni Amaia sa dalaga at mahigpit itong hinawakan sa braso para patigilin.

Kahit si Amaia ay naiiyak na rin sa pinapakitang emosyon ni Hadleigh.

Inaamin ni Amaia na galit rin siya kay Freya pero may kung ano sa kalooban niyang nagsasabing may malalim pa na dahilan ang kaklase kung bakit niya nagawa ang lahat.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now