CHAPTER 28

154 73 4
                                    

“THIS is the Pilot of Dark Mamba speaking. Nandito kami ngayon sa rooftop ng isang building na kaharap lang ng Zazel University, over. .” sabi ng lalaking piloto na nakahawak sa radyo ng kanyang suot na headset.

Kasalukuyan silang nasa rooftop ng isang building kung saan kaharap lang ng eskwelahan. Kaninang hapon pa sila nakarating dito at bago pa man sila pumasok sa paaralan ay agad silang nakatanggap ng order kay General Millian na huwag muna silang pumasok sa eskwelahan, at ganon ang ginawa nila.

Naghanap sila ng pag landingan ng helicopter, at agad naman sila nakahanap ng building na may parking para sa helicopter.

Malalim na rin ang gabi at nasa labas na ng helicopter si Detective Aries at ang matalik niyang kaibigan na si Miller.

Nasa bandang sulok nakatayo si Detective Aries habang tinatanaw ang eskwelahan sa kanyang harapan. Doon niya nakikita ang naglalakad na mga zombies sa malawak na field ng university.

Tinapunan niya ng tingin ang kahit saang aggulo ng eskwelahan. Parang tinitingnan niya kung may makikitang siyang kakaiba sa bawat rooms ng building.

Pero sa kasamaang palad, ay wala siyang nakitang anumang kapansin-pansin.

“Nasaan na kaya sila ngayon? Okay lang kaya sila? Nasa maayos na lugar ba sila ngayon?”

Agarang napalingon si Detective Aries sa kaibigan ng bigla itong magsalita sa gilid niya.

“You mean, sina One at Andrei?” tanong ni Aries sa kaibigan at agad naman siyang tinanguan ng lalaki bilang sagot.

Hindi man lang siya tinapunan ng tingin ni Miller dahil nakatingin pa rin ito sa eskwelahan.

“Sa tingin mo ba. . Magkasama ngayon silang dalawa?” tanong ulit ni Miller at doon na niya nilingon si Aries na nakatingin pa rin sa kanya.

Bumuntong-hininga si Aries at siya naman ang tumingin ulit sa eskwelahan, pero hindi sa mga rooms siya nakatingin kundi sa mga zombies na nasa field na nakakalat.

“Sa tingin ko. . Hindi ngayon sila magkasama.” mahinang sambit ni Aries at bumuga ng hangin. “Magkaiba kasi ang building ng kada year level. Fourth year na si One habang si Andrei naman ay nasa first year palang kaya impossible na magkasama ngayon silang dalawa ng kuya niya.” paliwanag ni Aries.

Si Miller naman ang bumuntong-hininga at iniwas ang tingin kay Aries. Tiningnan niya rin ang mga zombies na nasa malawak na field bago magsalita.

“Sabagay, tama ka. . Impossible na magkasama sila ngayon.” mahihimigan sa boses ni Miller na nag-aalala talaga siya sa sitwasyon ng inaanak niya.

“You don't have to worry about anything, Mil. Dahil malakas ang kutob kong magkasama ngayon sila One at Klay, pati na rin si Aziel. Trio ang tatlong 'yun, e. Naniniwala rin akong nasa ligtas na lugar sila ngayon, especially Andrei and Amaia. Kasama rin nila ang kapatid ni Aziel na si Akiro. .” sa mahabang paliwanag ni Aries ay mahinang napatawa si Miller sa isang bagay.

“Oo nga pala. Nakalimutan ko ang bagay na 'yan.” natatawang sabi ni Miller na bahagyang napakamot sa kanyang pisngi.

Mahina na ring napatawa si Aries.

“Baka nakakalimutan mong isang Taekwondo student si Aziel? Ganon rin ang kapatid niyang si Akiro.” patuloy ni Aries.

“Alam ko.” sagot naman ni Miller sa lalaki.

“Bagay na bagay talaga sa kanila ang sports na kinuha dahil magagamit nila ang pag karate sa mga halimaw.” dagdag niya pa.

“Tama ka diyan.” pagsasang-ayon ni Miller sa kaibigan.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now