CHAPTER 40

93 18 17
                                    

“HINDI niyo man lang ba ako sasagutin? Ako 'to, si Devin. Ang lalaking papatay sa inyong lahat. . .

Nanatiling tahimik ang lahat. Wala talagang nagsasalita. Nang humakbang na naman palapit si Devin ay agarang napaatras si Amaia pabalik, except kay Andrei na hindi man lang umalis sa kanyang pwesto.

Habang humahakbang si Devin papalapit ay agad napansin ni Amaia ang kakaibang kulay ng mga mata nito.

Itim at pula. .

Bukod dito, ay marami ring bakas na dugo sa suot niyang puting jacket na halatang kahapon pa ito.

Napalunok si Amaia. Base sa postura ng lalaki ay alam niyang may mali sa kanya. Hindi niya lang alam kung bakit. Malakas ang kutob niyang may kakaiba talaga kay Devin na hindi niya lang alam kung ano.

“Anong ginagawa mo dito?” sa wakas nagsalita na si Andrei. Ni hindi niya man lang maalis-alis ang kanyang paningin sa lalaki na ngayon ay malaki ang ngisi sa kanyang labi. “How come did you survive?” dagdag niya pa.

Sa kanyang sinabi ay mas lalong lumaki ang pagka-ngisi ni Devin na animo'y natuwa sa kanyang tanong.

“Magic,” tipid na sagot ni Devin. Sa sinabi niya ay mas lalo siyang matalim na tiningnan ni Andrei. “Sabihin nalang natin na hindi ganon katalim ang sinaksak mong kutsilyo sa'kin,” sa sinabi ni Devin ay nagugulat siyang tiningnan ng lahat, especially Amaia. Mahinang napatawa si Devin ng makita ang mga naging reaksyon ng lahat. Bakit ganyan ang mga reaksyon niyo? Gulat na gulat, ah? Hindi ba sinabi sa inyo ng magaling niyong kaibigan na nagrambulan kaming dalawa sa kitchen area ng cafeteria at sinaksak niya ako kaya—” hindi natapos ang sasabihin ni Devin nang biglang sumabat sa kanya si Andrei.

“—ako pa talaga ang sinisisi mo sa nangyari? Baka nakalimutan mong ikaw ang unang nagtangkang saksakin ako?” putol ni Andrei sa sasabihin ni Devin. “May nakakapagtaka nga lang sa'kin.” patuloy ng binata na hindi man lang inaalis ang kanyang mga mata kay Devin.

“Ano naman 'yun?” pa-cool na sabi ni Devin. Nagawa niya pa talagang ilagay ang kanyang magkabilang kamay sa bulsa ng pantalon niya.

“Kung hindi ako nagkakamali, bago kita iniwan sa kitchen area ay pinagpyestahan ng mga zombies ang katawan mo. . .pero, bakit buhay ka pa ngayon at nandito pa sa harapan naming lahat?” seryosong sabi ni Andrei. Kitang-kita niya kung paano agad nawala ang magandang ngisi sa labi ni Devin at napalitan ito ng seryosong reaksyon. “Hindi ba dapat...naging kagaya kana nila dahil nakagat ka?” patuloy ni Andrei.

Sa kanyang sinabi ay mas lalong walang nakapagsalita kahit ni isa sa kanila. Tanging ang tunog lang na galing sa mga speaker ang naririnig nila.

Mas lalong pinagmasdan ni Amaia ang kalagayan ni Devin. Tatlong metro ang layo nila kaya kitang-kita niya ang itim na mga ugat sa leeg ng lalaki. Hindi niya ring maiwasang kilabutan kapag nakikita niya ang magkaibang kulay ng mga nito na animo'y hinihigop ang kanyang kaluluwa sa bigat na nararamdaman.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now