CHAPTER 14

174 104 0
                                    

“WHERE the fuck are you hiding, Andrei?

Kahit saang silid pumunta si Devin ay hindi niya talaga nahahanap ang binata. Kaninang umaga pa siya naghahanap pero sa kasamaang palad ay kahit anino man lang ng binata ay hindi niya makita.

Walang gana siyang dumungaw sa bintana at tiningnan ang malawak na field. Biglang kumalam ang sikmura niya kaya agad siyang napahawak sa kanyang tiyan.

Nagsisimula na ring maging sensitibo ang kanyang pang-amoy at nagsilabasan na rin ang iilang ugat niya sa leeg.

Sumampa siya sa bintana at mula sa third floor ay tumalon siya sa baba na parang wala na lang 'yon sa kanya.

Kung dati ay natatakot siya sa matataas na building pero ngayong hindi na siya normal ay hindi na siya nakakaramdam ng kaunting takot.

Pakiramdam ay mas lalo siyang nagbago at mas lalo siyang naging matapang at wala nang kinatatakutan.

Nagsimula na siyang maglakad habang ang dalawang kamay ay nasa bulsa ng jacket niya.

Habang naglalakad ay may nakakasalubong siyang mga zombies. Bahagya pa siyang nagulat nang makita ang isa niyang kaibigan na palagi siyang inuutusan, na zombie na rin.

Sa club nila ay may matching jacket silang lahat. Nakangiti niyang nilapitan ang lalaking naging boss of the boss niya at bahagya niya pa ito hinampas sa balikat kaya nilapitan siya nito.

“Oh, boss! Good morning! Kumusta ka na?” nakangiting bati ni Devin sa kanyang boss. Parang normal lang na tao ang kanyang kinakausap kahit na infected na rin ito.

“Grabe, na miss kita ah?! Kamusta naman ang pagiging zombie mo, boss? Okay lang ba?” dagdag ni Devin at hinampas ulit ang infected mahinang tumawa. “Kamusta naman ang pagiging boss mo rito sa mga kasamahan mong halimaw? Goods ba? Sino ba ang bagong sidekick mo?” dagdag niya at hinampas ulit ang infected kaya bahagya siya nito binunggo dahil sa boses niya.

“Grabe, wala ka pa ring pinagbago kahit zombie ka na. Nananakit ka pa rin.” sabi ni Devin at bahagyang tinulak ang infected. Hindi ka ba tinuruan ng mga kapwa mo zombies ng manners, boss?” dagdag ni Devin.

Humakbang siya palapit sa infected at malakas itong sinapak sa mukha. Dahil sa ibang lakas na meron siya ay nabali ang leeg ng infected at lumabas pa ang buto nito.

“Nice talking to you once again. See you around.” binatukan pa niya pa ito sa ulo at tinadyakan kung bakit ito natumba sa lupa.

Napamura siya nang mabahidan nang dugo ang kanyang kamay. Agad niya ito pinahid sa kanyang pantalon at nagpatuloy na sa paglalakad.

“Sino nga ba ulit ang hahanapin ko?” inosenteng tanong ni Devin sa sarili at napatigil sa paglalakad. “Yeah, right. Si Andrei. . that fucking bastard.” dagdag niya at nagpatuloy sa paglalakad.

Napadpad si Devin sa second year building at kumunot ang noo niya nang makita ang iilang infected na may mga palaso sa kani-kanilang dibdib, ulo, at leeg.

Naglakad siya palapit sa isang infected at hindi nagdalawang-isip na kinuha ang palaso sa dibdib nito. Bahagya niya pang pinahid ang dugo sa damit ng zombie at sinipat-sipat ang palaso na hawak niya.

Inamoy niya rin ito at literal siyang nagulat nang may maaalala siya sa klase nang amoy nito.

Bahagya niyang nilingon ang nakabukas na silid sa hindi kalayuan at napangisi siyang nilapitan ito.

Nang makalapit ay sandali siyang tumayo sa harapan ng pinto at bumungad sa kanya ang cctv footages sa second to fourth year ng building.

“Well, well, what do we have here?” sabi ni Devin at humakbang papasok ng silid.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now