CHAPTER 13

183 103 0
                                    

Malakas na sinara ni Miss Luna ang pintuan ng kanyang office. Nanginginig niyang tiningnan ang kanyang dalawang kamay na puno nang dugo galing sa mga infected.

Umalis siya sa laboratory room at iniwan niya 'don si Professor Hilton sa loob. Hindi pa rin siya makapaniwala sa kanyang nalaman at narinig.

Agad na dinampot ni miss luna ang tissue at pinahid ang mga bahid ng dugo sa kanyang mga kamay. Mabibigat ang bawat panghinga niya habang pinupunasan ang mga dugo sa kamay.

Sinunod niyang pinunasan ang kanyang pisngi na puno ng pawis. Mariin siyang napapikit pero agad ring iminulat ang kanyang mga mata nang may maalalang tao.

Dali-dali siyang naglakad palapit sa kanyang desk at kinuha ang kanyang cellphone para tawagin ang Detective Inspector.

Pero kahit ilang beses niya itong tawagan ay hindi niya sinasagot ang kanyang tawag. Nang hindi ma contact ay sunod niyang tinawagan ang emergency hotline number ng mga pulis.

Gaya kanina ay hindi sinasagot ang kanyang tawag. Doon na kumunot ang kanyang noo ng makitang walang signal ang kanyang cellphone.

Sumigaw siya at padabog na ibinababa ang cellphone sa lamesa at marahas na bumuga ng hangin.

“Walang hiya ka talaga, Professor Hilton. .” tiim bagang na sabi ni Miss Luna sa sarili at masama ang tingin sa kawalan. “Hayop ka pa sa hayop. Wala kang puso. Nang dahil sa'yo ay nangyayari ang lahat ng 'to.” dagdag niya at kinuyom ang dalawa niyang kamay.

Mabilis siyang kumilos at naghanap ng ibang magagamit pang laban. Halos ihagis niya sa kung saan ang mga gamit sa office para hanapin ang kanyang pakay.

Nang makita niya ang duck tape ay sunod siyang naghanap ng karton para ilagay sa kanyang braso. Kinuha niya ang karton at inilagay ito sa kanyang braso at doon niya binalutan ng makapal na duck tape.

Nang matapos niyang lagyan ang kanyang dalawang braso ay sunod niyang nilagyan ng karton ang kanyang dalawang binti.

Kinuha niya rin ang nakasandal na baseball bat sa gilid ng aparador. Aksidente namang dumapo ang kanyang paningin sa naka stock na mga cup noodles sa aparador.

Lumunok siya at tumalikod para kunin ang kanyang bag. Kumuha siya ng limang cup noodles, isang pack ng can juice,biscuit, at talong malalaking tubig. Pang sports bag ang dinala niya at pwede rin 'yun isuot na parang knapsack talaga kaya hindi siya mahihirapan sa pagdala.

Sinuot niya ang bag at kinuha ang baseball bat sa lamesa. Kailangan niyang makaalis o makahanap man lang ng mga survivors kagaya niya.

Kailangan niya rin mahanap ang kanyang mga estudyante. Malakas ang kutob niyang may mga survivors pa dito sa campus.

Mahigpit na hinawakan ni miss luna ang hamba ng pinto. Bumuga muna siya ng hangin at binuksan ang pintuan ng kanyang office.

Pagkalabas niya ay agad na may bunungad sa kanyang dalawang infected na supposed to be ay mga kasama niya sa office. Pumipikit siya habang hinahampas niya ang mga ito gamit ang bat na hawak niya.

Nang mapatumba niya ito ay mabilis siyang tumakbo palabas ng building. Alerto siya habang naglalakad sa madugo na field. Kahit ikurap ang kanyang mga mata ay hindi niya kayang gawin dahil hindi niya alam kung may susulpot nalang ng infected sa harapan niya.

Bahagya siyang lumiko sa corridors ng building at ganon nalang ang panlalaki ng mga mata niya nang may horde ng infected ang sumalubong sa kanya.

Mabilis siyang tumalikod at tumakbo sa panibagong corridor at naghanap ng classroom na pwede niyang mapagtaguan. Pinaglalaruan siguro siya ng tadhana dahil puro naka lock mga ang pinto ang lahat ng room first floor.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now