CHAPTER 31

150 67 1
                                    

NAGMAMADALING unang naglalakad si Aziel sa unahan habang nakahanda na ang hawak niyang metal bar.

May kalayuan na sila sa pinanggalingan na silid kung saan nila iniwan si Devin sa loob.

Dahil sa nangyaring gulo sa pagitan nila Aziel kay Devin ay paika-ikang naglalakad sina Klay at One sa likuran.

Ilang beses na silang sumubok sa pagbukas ng mga classrooms sa ibang building pero lahat naka lock ang mga ito.

“Stop.

Sa biglaang paghinto sa paglalakad ni Aziel ay may nakita siyang mga zombies na naglalakad sa hindi kalayuan sa kanilang pwesto.

Nakatago sila ngayon sa likuran ng building pinagtataguan nila. Sa isang maling kilos ay makikita sila ng isang zombie na bahagyang nakatagilid sa kanilang pwesto.

“Matagal pa ba, Azi?” bulong ni Shein na ngayon ay nasa likuran lang ng binata. Nakisilip rin siya sa mga zombies pero sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang lumingon ang zombie sa kanilang gawi pero mabilis pa sa alas kuwartong nagtago ulit si Aziel kasama si Shein.

Sa bilis ng pangyayari ay muntikan pang magdikit ang mga pisngi ng dalawa dahil sa pagkabunggo nila sa isa't-isa.

Awtomatiko ring napahawak si Shein sa kanyang pisngi ng aksidenteng dumapo 'ron ang labi ni Aziel.

“Takte, b-bakit mo'ko hinalikan sa pisngi?” hindi makapaniwalang sambit ni Shein sa binata na ngayon nagulat rin sa nangyari.

“A—Aksidente lang 'yun, i swear! Bakit ka pa kasi nakisilip sa mga zombies?” nauutal na sabi ni Aziel na halos hindi makatingin ng deritso sa dalaga na naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

“Did you really kissed her?”

Awtomatikong napalingon sina Aziel at Shein kay One nang bigla itong magsalita. Pati na rin si Klay napalingon sa kaibigan.

Kahit medyo may kadiliman ang paligid ay kitang-kita ni Klay ang pagkakunot ng noo at pagsalubong ng kilay ni One.

“Aksidente nga lang 'yun, e! I swear! Mamatay man si Klay!”

Sa sinabi ni Aziel ay agad siyang nakatanggap ng isang masamang tingin kay Klay.

Habang busy sa pagpaliwang si Aziel kina Klay at One ay sumilip ulit si Shein sa mga zombies na ngayon ay hindi na masyadong nakatagilid sa kanilang daanan.

Imbes na senyasan ang mga kasama na pwede nang makadaan ay literal siyang natigilan ng may mapansing kakaiba sa babaeng zombie na bahagyang nakatalikod sa kanya.

Bukod sa nakasuot itong uniform ay nakita niyang iba ang kulay ng palda nito.

First year college student. . .

Sa hindi malamang dahilan ay kumalabog ang puso ni Shein sa kaba. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan.

Halos sumabog ang puso ni Shein ng dahan-dahang lumingon ang babaeng zombie na kanina niya pa tinitingnan, at doon niya nakita ang mukha nito.

Awtomatiko niyang natakpan ang bibig ng makilala ang babaeng zombie.

Kaya pala mukhang pamilyar sa kanya ang babaeng infected dahil sa suot nitong white ribbon sa kanyang ulo.

Doon niya nakilala ang babae dahil kaibigan ito ng kanyang kapatid na si Samantha.

Hindi na kinaya ni Shein ang nakita kaya agad siyang bumalik sa pagtatago. Sumandal siya sa pader at doon tahimik na humikbi.

Hindi niya inaakalang magiging isang zombie ang kaibigan ng kanyang kapatid. Inaamin niyang may parte na sa kanya ang babae dahil palagi niya rin itong nakakausap kapag nagkikita silang dalawa.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now