CHAPTER 007

264 126 17
                                    

“Detective Inspector Aries.

Salubong nang general sa kakadating lang ng isang lalaki.

Tumango lang ang lalaki bilang sagot at maliit na ngumiti.

“Umupo ka.” nakangiting utos ng general sa lalaki at sinenyesan itong umupo sa kanyang harapan.

“Salamat po, general.” at umupo nga ang lalaki at bumuntong-hininga.

“Kamusta ang ipinunta mo sa Zazel university?” sabi ng general na bahagyang nag cross arms.

“Maayos naman ho, sir. Nahanap na ang nawawalang estudyanteng dalawang araw na ang nakalipas at nandoon na siya ngayon sa kanilang school clinic—medyo hindi maganda ang sinapit ng dalaga.” paliwanag ng lalaki.

Bumalot sa mukha ng general ang pag-alala.

“And why is that?”

Bumuntong-hininga ulit ang lalaki at tiningnan ng deritso ang kanyang general.

“Ang sabi ng clinic nurse bago nawalan ng malay ang estudyante ay sinabi niyang may kumuha sa kanya habang natutulog siya sa laboratory room at may tinurok sa kanya ng kakaibang shot. 'yun rin siguro ang epekto kung bakit may dugo sa ilong ang dalaga at may iilang galos sa katawan.”

Nagulat ang general sa kanyang sinabi.

“Anak ng—sino ang gumawa 'non sa bata?”

“Sa ngayon po, sir. Hindi ko pa alam kung sino ang may gawa 'non sa dalaga. Wala rin po kasing sinabi ang bata kung nakita niya man lang ba ang mukha ng kumuha sa kanya.” paliwanag ulit niya na ikinamura ng general.

Hinilot ng general ang kanyang sentido, senyalis na galit siya.

“Aries, you better find that bastard as soon as possible. Hindi na pwedeng maulit ang nangyari, maliwanag?” seryosong sabi ng general sa lalaki.

“Yes sir. Makakaasa po kayo.”

Naputol lang ang kanilang pag-uusap ng biglang tumunog ang emergency siren sa buong lugar.

Sabay na napatayo ang general at ang lalaking nangangalang Aries at napatingin sila sa isa't-isa.

Agaran silang napalingon sa kanilang likuran ng may biglang pumasok.

Iniluwa niyon ang isang lalaking naka unipormeng pulis at natatarantang tumingin sa kanilang dalawa.

“General, Detective inspector, you better see this.”

Hindi na nagsayang ng oras ang general at dali-daling naglakad papunta sa pinto kasama ang lalaki.

Naunang lumabas ang pulis at nakasunod naman sa kanya ang general.

“General sir!”
Salubong ng lahat nang makapasok sila sa operation room kung saan sila nagme-meeting kung may importanteng pag-uusapan.

May kalakihang TV sa unahan at iba namang mga cctv footages na nakadisplay sa mga computers sa gilid.

“What's the emergency?” tanong ng general na ang paningin ay nasa screen kung saan niya nakikita ang buong mapa ng lugar pero ang nakakapagtaka sa kanya kung bakit ang iilang cities ay nababalot ng unti-unting pulang kulay.

“As you can see general, the three cities are now slowly covering in red wave color. What is the reason behind it? Mahirap paniwalaan. .” panimula ng lalaki.

Nagpindot ng isang play video ang isang lieutenant sa big screen kung saan nakita ng lahat na nagkagulo ang ilang tauhan ng kapulisan nang atakihin ito ng mga infected.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now