CHAPTER 36

147 29 2
                                    

BIGLANG nagising ang diwa ni Aries nang makarinig siya ng ingay. Dahan-dahan siyang bumangon sa pagkakahiga at agad na nag-inat. Doon rin bumungad sa kanya na wala na si Miller sa kanyang pwesto.

Mabilis siyang tumayo at nakayukong bumaba sa helicopter. Nakita niya rin si Mist na kakalabas lang rin sa pilot seat at nang makita siya ng lalaki ay agad itong nag bow sa kanya at binati siya.

Good morning po, Detective Aries. nakangiting bati sa kanya ng lalaki.

Imbes na bumati pabalik si Aries ay nanatiling nakatingin lang siya kay Mist sa nagugulat na tingin. Kung kahapon ay bahagyang nakatabon ang kalahati nitong mukha ay ngayon ay hindi na. Kitang-kita ni Aries ang gwapong mukha ni Mist kaya ganon nalang ang gulat ni Aries dahil sa unang pagkakataon ay nakita niya ang mukha ng lalaki.

“M—Meron po bang dumi sa mukha ko, Detective?” tanong ni Mist kay Aries.

Ilang beses napakurap muna si Aries bago siya nakapagsalita.

Wala. Nagulat lang ako dahil ito ang unang beses na nakita ko ang mukha mo.” nakangiting sabi ni Aries sa binata. Sa sinabi niya ay bahagya ring napangiti si Mist. Hindi ko inaakalang. . .ganito ka pala ka gwapo.” dagdag niya pa.

Mas nakaramdam ng hiya si Mist dahil sa sinabi ni Aries. Napakamot nalang ng ulo si Mist dahil hindi niya alam ang sasabihin. Ito kasi ang kauna-unahang beses na may nagsabi ng ganito sa kanya. Sa trabaho kasi niya ay hindi niya inaalis ang tabon sa kalahati niyang mukha dahil forbidden iyon sa kanilang rules.

Pwede lang nilang kunin ang tabon kapag sa mga ganitong pangyayari na katulad ng outbreak. Humingi rin naman siya ng permiso kay General Millian na huhubarin na niya ang tabon.

Grabe. May hitsura ka pala?

Agarang napabalik ang atensyon ni Mist kay Aries nang magsalita ito ulit. Nakikita niya sa mga mata ng detective na namamangha talaga ito sa hitsura niya kaya ganon nalang ang ilang niya dito.

Tingnan mo naman ang batang 'to. Nahihiya ka ba?” natatawang tanong ni Aries sa binata.

Tumango lang si Mist bilang sagot.

Opo.

At bakit ka naman mahihiya? Ako lang naman 'to. Si Aries na ka sing gwapo mo rin.” sa sinabi ni Aries ay matunog na ngumiti si Mist. Mukhang nakuha agad ni Aries ang sagot kung bakit ganito ang nararamdaman ng binata. Ito ba ang kauna-unahang beses na may nagsabi sa'yo?” tanong ulit ni Aries kay Mist.

Napakagat ng ibabang labi si Mist at saka tumango bilang sagot. Bumuntong-hininga naman si Aries.

Now i get it. Parang alam ko na ang magiging sagot mo. Strict kasi ng rules niyo pagdating sa mga ganyan. Lalo na si General Millian.” sabi ni Aries kaya agad ring napatango si Mist.

Yan nga rin po ang problema. Si General Millian mismo ang nagpatupad ng rules.” mahinang sabi naman ni Mist.

Can i ask you something? It's kinda sensitive. . kung okay lang sa'yo.tanong ni Aries. Sa sinabi niya ay agad siyang nilingon ni Mist.

Oo naman po. Kahit ano.

Napalabi muna si Aries bago nagsalita.

Anong parusa ni General Millian kapag lumabag kayo sa rules niya?maingat na tanong ni Aries sa binata.

Agarang napaiwas ng tingin si Mist dahil sa tanong ni Aries. Napalunok rin si Mist dahil hindi niya alam kung sasagutin niya ba ang tanong ng detective.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now