CHAPTER 44

69 15 1
                                    

MASAMA ang tingin ni Devin sa metal door ng rooftop nang sumara ito sa harapan niya. Simula nang makapasok nina Amaia at Andrei kanina sa pintuan na ito ay halos hindi na siya umalis. Mag sa-sunset na pero wala talaga siyang balak umalis sa pintuan ng rooftop.

Kating-kati na talaga ang mga kamay niya na suntukin ng paulit-ulit si Andrei. Halos hindi siya makasuntok sa binata pabalik dahil na di-distract siya kay Amaia. Hindi talaga siya mapakali sa ibang klaseng amoy ng dalaga simula nang amoyin niya ito kanina sa leeg nito. May kakaiba talaga sa dalaga, hindi niya nga lang malaman kung ano iyon. Malaking palaisipan pa rin sa kanya ito hanggang ngayon.

Malakas ang kutob niya na may merong kakaiba at mali kay Amaia. Kung kanina ay naguguluhan siya, pero ngayon pa lang nag sink-in sa kanya ang sagot. The answer is just staring at him in the face the whole time.

Hindi normal na tao ang dalaga. Base sa amoy nito ay hindi siya normal. Kakaiba ito sa lahat ng tao at kakaiba siya sa kanya. Hindi talaga siya normal. She's not a human. . .

Dahil sa pinaghalong inis at galit ay sinuntok ni Devin ang metal door. Sa kakaibang lakas niya ay literal na nayupi ang pintuan. Dahil sa ginawa niyang ingay ay nagsitakbo ang mga zombies papalapit sa kanyang pwesto. Bahagya pang nabali ang buto niya sa pulupulsuhan pero wala man lang siyang naramdamang sakit. He gritted his teeth in anger. Galit talaga siya kay Andrei at ganon rin kay Amaia. May kasalanan ang dalawa sa kanya at kailangan niyang makabawi.

Marahas na bumuga ng hangin si Devin at tumalikod. Binalibag niya ang isang zombie na nasa daanan niya. Bumaba na siya sa fifth floor at nagtungo sa fourth floor. Kailangan niyang gumawa ng paraan kung papaano makapunta sa rooftop. Kailangan niyang makahiganti sa ginawa sa kanya nina Andrei at Amaia.

Presko pa rin sa kanyang isipan ang ginawa sa kanya ni Andrei. Nakatanggap siya ng ilang suntok galing sa binata. At nakatanggap rin siya ng ilang hampas at tadyak kay Amaia. Hinding-hindi siya titigil kung hindi siya makakahiganti.

Lintik lang ang walang ganti. Papatayin ko talaga kayong dalawa.” tiim-bagang na sambit ni Devin nang makababa na siya sa third floor. Dumura siya sa lapag at masama ang tingin sa pader na parang nakikita niya ang mukha ni Andrei doon.

Akmang bababa na sana siya sa second floor nang may naamoy siya sa kung saan. Suminghot-singhot siya at dahan-dahan naglakad papunta sa first room sa third floor dahil dito nanggaling ang naamoy niya.

Nang makalapit sa first room si Devin ay sandali pa siyang napatigil sa tapat. Agaran niyang sinipa ang pintuan para bumukas at sa lakas ng impact ay literal na nagiba ang pinto sa ginawa niya. Pumasok siya sa loob at doon niya nakita ang nakakalat na mga cup noodles sa sahig. Wala nang mga laman ito. Nagkalat rin ang mga gamit sa loob pati na ang parihabang lamesa at mga upuan sa sulok.

Nalaman kaagad ni Devin kung ano ang ibig sabihin ng naamoy niya. May mga survivor na nandito kanina. Hindi niya nga lang malaman kung sino ang mga ito. Alam niyang dalawang tao ang nandito sa sulid dahil dalawang magkaibang amoy ang nasisinghot niya.

Ang unang amoy ay hindi niya alam pero nang maamoy niya ang pangalawa ay bigla siyang napatigil. Suminghot ulit siya at mas lalo siyang natigilan. Pamilyar sa kanya ang amoy ng kung sinong survivor. Pumasok kaagad sa kanyang isipan ang nag-iisang pangalan. Hindi siya pwedeng magkamali, kilalang-kilala niya ito. Hindi siya makapaniwalang buhay ito sa nangyayaring kaguluhan. Biglang tumibok ang kanyang puso. Hindi talaga siya makapaniwala.

Nagsimula na siyang maglakad palapit sa parihabang lamesa at doon mas lalong naging malakas ang pamilyar na amoy ng dalaga. Tama talaga siya. Nandito ang dalaga kanina at may kasama rin siya. Parang ayaw pa ring mag sink-in sa kanya na buhay pa ito. Na buhay pa ang minahal niya noon.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now