CHAPTER 002

457 173 42
                                    

Mabilis na lumipas ang oras ay hapon na, dalawang subject nalang ay tapos na ang kanilang klase. Kalalabas lang ng kanilang prof kaya halos lahat ng mga kaklase nila ay lumabas muna para bumili ng pagkain.

Agad na sinaksak ni Amaia ang kanyang headphone at nagpatugtog habang nagsusulat sa kanyang writing journal. May panibago na naman siyang isusulat sa notebook niya kaya kailangan niyang mag focus.

Nasa kalagitnaan na siya ng pagsusulat ng biglang tumunog ang kanyang cell phone, dahil naka connect nga ito sa kanyang headphone ay agad niya itong napansin.

Isang text ang bumungad sa kanya.

“Amaia, kailangan ka muna dito sa office ni Miss Luna. Asap. It's about Hannah.

Mabilis na tumayo si Amaia ng mabasa ang isang text message galing sa kaibigan niyang si Jay, isa rin sa member ng writing team.

“Saan ka naman pupunta? Huwag mong sabihing mag di-ditch ka nang class?” naniniliksik na mga matang tanong ni Hadleigh sa dalaga.

“Saang lupalop mo naman nakuha 'yan, ha? May kailangan lang akong puntahan sa office ni Miss luna kaya mauna na ako, bye!” pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang 'yon ay hindi niya na pa pinasagot si Hadleigh at mabilis pa sa alas kuwatrong tumakbo palabas ng room.

“Kahit kailan ang bastos niya. Kitang may sasabihin pa ako sa kanya tapos tatalikuran niya lang ako at tumakbo paalis?” hindi makapaniwalang sambit ni Hadleigh sa sarili at hindi parin inaalis ang tingin sa pinto kung saan lumabas ang dalaga.

Inambaan niya pa ng suntok ang pinto na kunwaring nakikita siya ng kaibigan.

Sa kabilang banda, ay nagmamadaling lumakad si Amaia papunta kabilang building kung nasaan ang office ng kanyang pakay.

Lakad takbo siya sa ginagawa dahil kinakabahan siya sa hindi malamang dahilan. At natatakot rin siya sa kung anong maging balita ng kanilang head sa writing.

Nang makarating si Amaia sa office ay agad siyang pumasok sa loob pagkatapos niyang kumatok. Agad na bumungad sa kanya ang nag-aalalang mukha ng kanilang head.

Pinapatawag mo ako miss?” magalang na tanong ni Amaia at sinara ang pinto sa kanyang likuran.

Naglakad siya palapit sa coach na sinenyasan siya ng babae at umupo.

“May problema po ba?” tanong ulit ng dalaga ng hindi man lang nakakuha ng sagot sa kaharap.

Agad na binalot ng kaba si Amaia ng lumungkot ang mukha ng maestra. Napahilamos rin ito sa kanyang mukha at tumingin sa kanya.

“Hannah is missing.” sa sinagot ng maestra ay nagulat siya.

Kahit alam na niya ang bagay na 'yun ay hindi pa rin niya maiwasang magulat sa narinig.

“Kahapon pa siya nawawala. And her mother just called me, sobrang nag-aalala na sila sa kanya. Hindi sila makapaniwalang nawala ang kanilang anak sa isang iglap, at kilala pa naman ang eskwelahan natin dahil sa higpit ng security tapos ito ang mangyayari?” napahilot ng sentido ang maestra at problemadong napatingin sa kawalan.

Nanatili namang tahimik si Amaia na kanina pa may iniisip.

“Bakit ganon?” wala sa sariling sambit ng dalaga.

Agad namang napalingon sa kanya ang kaharap at nalilito siyang tiningnan.

Inangat ni Amaia ang kanyang tingin para salubungin ang nagtatakang tingin ng maestra.

“Ang sabi sa'kin ng kaibigan ko ay nakita pa siya ng mga estudyante sa loob ng laboratory na natutulog kahapon, pero bigla nalang siya nawala? Bakit naman po ganon? Wala bang may nakikita sa kanyang lumabas sa lab ng time na 'yon?” nagtatakang tanong ng dalaga.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now