CHAPTER 23

157 80 0
                                    

             Dedicated to: Arceejr

“HOY, ang daya mo!naiinis na singhal ni Ryden kay Hiro na ngayon ay sunod-sunod nang nananalo sa paglalaro nila ng baraha.

“Hindi ah!” depensa ni Hiro sa sarili at sinimulang ayusin ulit ang baraha.

“Anong hindi?! Nakita kitang nagtago ng isang baraha sa pwetan mong, ugok ka!” sigaw ni Ryden sa kaibigan.

“Anong—Hoy! Wala akong tinago, ah!”

“Meron! Nakita ko!”

“Nagmamalik mata ka lang! Wala talaga akong tinago!”

“Anak ng pating—Nakita nga kita, e!”

“Sabing wala, e! Ang kulit mo!”

Mas lalong sumama ang timpla ng mukha ni Ryden at padabog na umayos ng upo.

Kasalukuyan silang nakaupo sa sahig nang naka indian seat. Habang ang iba naman ay nakaupo pa rin sa kanya-kanyang upuan sa paribahang lamesa.

Nang matapos sa pag-aayos ng baraha si Hiro ay agad niyang binigyan si Ryden pati na rin ang sarili niya. Nang makompleto ay agad nilang tiningnan ang kanilang mga baraha.

Nasa kalagitnaan na sila ng paglalaro nang biglang tumawa si Hiro ng malakas at pinakita ang kanyang baraha sa kaibigan.

“Panalo ulit ako!”

“Tangina, naka-ilan kana ah!” napipikon na talagang reklamo ni Ryden at padabog na ibinaba ang mga baraha niya.

“Naiinggit ka lang dahil wala ka pang panalo.” malokong sabi ni Hiro sa kaibigan at nginisihan ito ng todo.

Sinamaan lang ng tingin ni Ryden ang kaibigan na ngayon ay ngisi-ngising kinuha isa-isa ang mga baraha sa sahig.

Aksidente namang dumapo ang mga mata ni Ryden sa kanang hita ni Hiro at doon niya nakita ang nakaipit na isang baraha.

Doon na umusok ang ilong niya at mas lalong sinamaan ng tingin ang kaibigan.

“Putangina ka talagang, ugok ka!” malakas na singhal ni Ryden kay Hiro at mabilis siyang tinulak kaya natumba ito sa sahig.

Agad niyang kinuha ang tinagong baraha ni Hiro sa sahig at tiningnan ito. Nang makita ang baraha ay two diamonds ito.

Agarang tiningnan ni Ryden si Hiro at binigyan ito ng isang masamang tingin.

“Walang tinago ba kamo?” matalim na tiningnan ni Ryden ang kaibigan na ngayon ay nakahiga pa rin sa sahig at binigyan lang siya nito ng peace sign.

“Kahit kailan madaya ka talagang, gunggong ka!” singhal ni Ryden sa kaibigan at walang pasabi niya itong hinampas sa hita ng dalawang beses.

“A—Aray!” sigaw ni Hiro at nagmamadaling bumangon pero bago paman siya tuluyang makabangon ay agaran siyang sinugod ni Ryden at dinaganan.

“Tangina ka talaga, Hiro! Kahit kailan hindi ka nadadala, ugok ka!” nanggigigil na sabi ni Ryden at mas lalong dinaganan si Hiro na ngayon ay hinahampas siya sa balikat.

“Aray ko—fuck! Ryden, ano ba?! Umalis ka nga diyan—aray! Putangina, ang bigat mo!” kahit anong hampas at tulak ang gawin ni Hiro ay hindi talaga niya kayang alisin ang kaibigan na nasa ibabaw niya.

Ilang beses na silang suwayin ni miss luna pero hindi pa rin umaalis si Ryden sa pagkakadagan sa kaibigan na ngayon ay namumula na ang mukha.

“Ryden, naman! Umalis ka na kasi, e!” pakiusap pa ni Hiro na hinampas ulit sa balikt ang binata.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now