CHAPTER 33

174 64 1
                                    

DALAWANG ORAS na ang nakalipas ng umalis si miss Luna para sundan si Freya. Nasa sahig pa rin si Amaia habang yakap-yakap pa rin ni Hadleigh. Si Andrei naman ay nakaupo lang sa may pintuan na nakasandal.

Sobrang tahimik ng lahat dahil sa nangyari. Hindi pa rin sila makapaniwala na umalis si miss Luna para sundan ang kanilang kaklase.

Kitang-kita sa kanilang mga mukha na labis nilang ikinalungkot ang pag-alis ng maestra. Halos hindi pa rin mag sink-in sa kanila ang nangyari kani-kanina lang.

Dahan-dahang umalis si Amaia sa pagkakayakap ni Hadleigh. Parang wala siya sa sariling sumandal sa pader. Nag-aalala siyang tiningnan ni Hadleigh na ngayon ay namumugto na ang kanyang mga mata.

“Amaia. .mahinang tawag ni Hadleigh sa dalaga na ngayon ay tulala pa rin sa kung saan. Dahan-dahan siyang lumapit sa kaibigan at hinawakan ang kamay nito.

“Please. . stay strong, hmm? Maging matatag ka, Amaia. . Alam kong ikaw ang pinakanasaktan kaya pakiusap, tatagan mo ang sarili mo. .” madamdaming sambit ni Hadleigh kay Amaia. Kitang-kita niya kung papaano tumulo ang luha nito sa kanang mata.

Nasasaktan rin siya para sa matalik niyang kaibigan. Parang dinudurog ang puso niya na nakikitang umiiyak si Amaia. Ito ang unang beses na umiyak ang dalaga kaya nasasaktan talaga siya.

Nang hindi sumagot si Amaia ay bumuga ng hangin si Hadleigh at hinaplos ang kanang kamay ng kaibigan. Mabilis niyang hinalikan ang kamay ni Amaia at nginitian niya ito saka niya ito bitawan.

Marahas siyang bumuntong-hininga at pinunasan ang kanyang pisngi na ngayon ay napupuno ng sarili niyang luha. Agad na tumayo si Hadleigh at tinalikuran si Amaia. Napagdesisyunan niyang iwan muna ito para bigyan ng peace of mine at space sa nangyari.

Napatingin ang lahat kay Hadleigh nang naglakad ito palapit sa speaker room at pumasok sa loob. Sinundan ng tingin ni Akiro ang dalaga nang sa tuluyan na niya itong sinara ang pintuan.

“Puntahan mo siya.”

Agarang napalingon si Akiro sa pwesto ni Andrei na ngayon ay nakatingin na rin pala sa kanya.

“Ha?”

“Hakdog.” sa sinabi ni Andrei ay agarang sumama ang timpla ng mukha ni Akiro. “Ang sabi ko, puntahan mo siya.” patuloy na sabi ni Andrei sa kaibigan.

“Sino naman ang pupuntahan ko?” parang tangang tanong ni Akiro kaya agad siyang nakatanggap ng isang batok galing kay Daziel na nasa likuran lang niya.

“Si Hadleigh ang tinutukoy niya, ugok.” asik ni Daziel sa binata kaya mabilis siyang hinarap ni Akiro at binigyan ng isang masamang tingin.

“E bakit nambabatok ka?” singhal ni Akiro sa kaibigan.

“Kasi ang slow mo!” sa sinabi ni Daziel ay mas lalong sumama ang mukha ni Akiro. “Syempre, kailangan ni Hadleigh ng karamay. Alangan namang pababayaan mo nalang siya? ang engot mo talaga kahit kailan.” patuloy ni Daziel.

Parang nag sink-in kay Akiro ang sinasabi ng kaibigan. Ilang beses siyang kumurap kaya nginisihan siya ni Daziel.

“Ano? Kuha mo na?” tanong pa ni Daziel. “Yan kasi ang problema sa'yo, e. Ang slow mo masyado.” dagdag pa niya.

“E bakit naman kasi ako ang pupunta sa babaeng 'yon? Kayo nalang kaya—” hindi natapos ang sasabihin ni Akiro ng bigyan na naman siya ng panibagong batok ni Daziel.

Malakas nalang napamura ang binata sa ginawa ni Daziel.

“Close kayong dalawa ni Hadleigh kaya ikaw dapat ang kuma-usap sa kanya. Alangan namang kami? Tatadyakan lang kami 'non.” sabi ni Daziel na bahagya pang niyakap ang sarili na animo'y natatakot sa iniisip.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now