CHAPTER 37

106 26 1
                                    

Author's Note: Surpriseeee! I'm freaking back! Do you miss me? No? Edi wag! Chos ehe.

I'm sincerely sorry if I'm not able to update for a month and a half. I already have my reasons sa pi-nost kong announcement note.

And and and! Once a week lang po iyong update ko muna o di kaya twice a week. So please bear with me and my updates po sana uwu.

Salamat sa paghihintay sa'kin at sa update, my rivers! ❤❤❤

So, here we go na!

——

“FREYA. . .

Dahan-dahang napaangat ng tingin si Freya kay miss Luna nang bigla siya nitong tinawag. Kasalukuyan siyang nakaupo sa sulok ng silid kung nasaan sila ngayon.

Nang magtama ang kanilang mga mata ni miss Luna ay doon na namang tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Mabilis naman siyang dinaluhan ng maestra at agad na niyakap ng mahigpit. Sa ginawa ni miss luna ay mas lalong napaiyak ng malakas si Freya.

“Shhh. Tahan na, Freya. Tama na.” pagpatahan ni miss luna kay Freya na mas lalong umiyak habang nakayap rin sa maestra.

“Freya naman. . Pakiusap huwag mong pagurin ang sarili mo sa pag-iyak. Kahapon ka pa umiiyak. Hindi maganda sa katawan mo ang ginagawa mo, Freya. Palagi mong tatandaan 'yun.” paalala ng maestra sa dalaga habang hinihimas ito sa kanyang likod.

Kahit anong sabihin ni miss luna ay mas lalo lang umiyak si Freya. Hindi kaya ni miss luna na makikitang umiyak nang ganito ang kanyang estudyante. Tanang buhay niya ay ito ang kauna-unahang beses na nakita niyang umiiyak si Freya.

Nang malaman niya ang kalagayaan ng dalaga noon. Palagi niya na ito binabantayan. Pakiramdam niya ay ilang galaw lang ni Freya ay matutumba ito. Nang malaman ni miss luna ang kalagayan ng dalaga ay ganon nalang ang kanyang pagbantay kay Freya.

She knew Freya for many years dahil estudyante na ito noong senior high pa lang ito.

“Here. Kumain ka.” inilapag ni miss luna ang instant noodles sa harapan ni Freya ngayon ay nakaupo sa parihabang lamesa.

Tinitigan lang ni Freya ang inilapag na pagkain ng ni miss luna. Dahan-dahan lang umiling ang dalaga. Hudyat na hindi siya kakain.

“Maawa ka naman sa sarili mo, Freya. Kagabi ka pang walang kain tapos ngayon hindi ka pa rin kakain?” patanong na sabi ni miss luna.

Muling umiling si Freya bilang sagot.

“Wala po akong ganang kumain.” sa sinabi ng dalaga ay napabuntong-hininga nalang ang maestra. “Pabayaan mo po muna ako, miss luna. Kakain lang po ako kapag gusto ko.”

“Pabayaan? Pabayaan na lang kitang mamatay ganon ba, Freya?” nagtitimping sabi ni miss luna sa dalaga. Sa sinabi niya ay mabilisang napaangat ng tingin sa kanya si Freya. “Freya, alam na alam mo kung ano ang pwedeng mangyari sa'yo anumang segundo. May sakit ka. Tapos pababayaan mo nalang ang sarili mo nang ganon nalang? Maawa ka naman sa sarili mong katawan. Huwag mo naman gawin 'to.” mahabang sabi ng maestra.

“Sa tingin mo po ba madali lang ang hinaharap ko ngayon, miss luna? Hindi!” doon na nagtaas ng boses ang dalaga. Bahagya pang nagulat si miss luna pero agad rin siyang naka recover sa nangyari. “Hindi ganon kadali ang nararamdaman ko ngayon, miss luna! Kung iniisip mong wala lang sa'kin ang sakit kong ito, pwes nagkakamali po kayo!”

“After twenty years, miss luna. Saka ko lang nalaman na may nakakamatay pala akong sakit. Na ilang segundo o minuto lang ay pwede na akong mamatay. Na pwedeng ito na ang huling hininga ko. Na pwedeng mamatay na ako.” sa sinabi ni Freya ay doon na naman tumulo ang kanyang mga luha pababa sa kanyang pisngi. “Hindi ganon kadali ang sitwasyon ko, miss luna. Dahil ako mismo, hindi ko matanggap-tanggap na may cancer ako, e. Masakit isipin na sa ganito kong edad ay may nakamamatay na akong sakit! Na sa ganito kong edad ay makararanas na ako ng paghihirap! Na sa ganito kong ay mamatay na ako!”

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now