CHAPTER 45

62 11 0
                                    

PALUBOG na ang araw nang marating nina Shein, Aziel, One, at Klay sa mini forrest nang eskwelahan. Kung tutuusin ay bumalik lang sila sa kung saan sila nanggaling in the other day na kung saan nila sinubukang sunduin ang kanilang mga kapatid.

Pero sa kasamaang palad ay hindi nila ito naabutan sa kanilang classroom. Ayaw nilang isipin na wala na ang mga ito dahil malakas ang kutob nilang apat na buhay pa ang kanilang mga kapatid. Malaki ang tiwala nila sa mga ito. Malakas rin ang kutob nila na nasa ligtas na lugar ang mga ito.

Deputang gago—!” agarang tinakpan ni One ang bibig ni Aziel bago pa ito makasigaw nang tuluyan.

Sinenyasan rin ni One si Shein at Klay na huwag gumawa nang anumang ingay at mas lalo silang sumiksik sa gilid ng fence sa mini forrest. Nasa bandang mini garden rin sila sa likuran ng isang building at may nakita rin sina One at Shein na iilang zombies sa paligid.

Maingat na sinilip ni Shein ang pwesto kung saan ang mga zombies. At ganon nalang ang pasasalamat niya nang hindi sila napansin ng mga ito. Kahit nagsisimula ng dumilim sa paligid ay kitang-kita nang dalaga kung papaano gumalaw at saan pumupunta ang mga infected. Sinenyasan niya rin si One at ang iba na pwede na silang kumalma.

Tangina—ang baho ng kamay mo!” mahinang asik ni Aziel kay One nang bitawan siya nito.

Sa sinabi ni Akiro ay agad siyang nakatanggap nang isang masamang tingin galing kay One.

“Hiyang-hiya naman ako sa'yo. Para alam mo, lagi akong naglalagay ng alcohol sa kamay ko.” asik ni One sa kaibigan.

“Kung naglagay ka nga ng alcohol, e, bakit ang baho pa rin ng deputang kamay mo na 'yan!”

Sa sinabi ni Aziel ay literal na nagbago agad ang timpla ng mukha ni One. “Maka deputa ka sa kamay ko, ah?”

Totoo naman.”

At nagsimula na naman silang magbangayan. Napailing nalang si Shein habang pinapanood sina Aziel at One na ngayon ay naghahablutan na ng damit. Bago pa man magsuntukuan ang mga ito ay agad na silang pinigilan ni Klay.

Tumigil na nga kayo. Para kayong mga bata.” suway ni Klay sa dalawang kaibigan.

“Sabihan mo 'tong lalaking 'to, Klay. Hindi ako,” sabat ni Aziel. Sa sinabi niya ay agarang sumama agad ang mukha ni One. “Oh, bakit ganyan ka makatingin sa'kin, Uno? Ganyan na ba ako ka-gwapo para—Shutangina!” hindi natapos ang sasabihin ni Aziel nang biglang tinakpan ulit ni One ang kanyang bibig. Bahagya rin siyang napasigaw sa ginawa ng kaibigan.

“Shut up now, will you? Kalalaki mong tao tapos ang daldal mo. Ang sarap mong ihagis sa mga zombies kung alam mo lang.” naiiritang asik ni One Kay Aziel na Hanggang ngayon ay Nasa bibig pa rin ng binata ang kanyang kamay.

Akmang itutulak ni Aziel si One nang biglang binawi ni One ang kanyang kamay sa bibig ng binata.

“Putangina. Ang baho talaga ng kamay mo, gago,” nakangiwing sambit ni Aziel na ngayon ay marahas na pinunasan ang kanyang bibig gamit ang kanyang kanyang pulupulsuhan. Tangina talaga.”

Kung hindi lang sumabat sa kanilang dalawa si Shein, ay hindi pa sila titigil sa pagbabangayan. Dahil hindi nagpapatalo si Aziel, ay bahagya niyang nilawayan ang kanyang daliri at walang pasabing ipinahid ito sa ilong ni One. Sa ginawa niya ay ganon nalang ang pagmura ni One. Nasapo nalang ni Klay ang kanyang noo habang si Shein naman ay napailing.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now