CHAPTER 21

174 83 0
                                    

      Dedicated to: Alienastral_

“THAT'S FUCKING BETTER. .” matunog na ngumiti si Devin at walang awang binitawan ang katawan ng dalaga sa sahig.

Pabagsak na natumba ang katawan nito. Tumalikod na si Devin at nagtungo sa lababo at naghugas ng kamay. Pilit niya ring alisin ang tumalsik na dugo ng dalaga nang bigla niya itong sunggaban sa leeg.

Napamura pa siya ng hindi na ito matanggal kahit anong gawin niya.

Inis niyang inangat ang kanyang ulo at tiningnan ang sarili sa salamin.

Doon niya nakita ang kabuon nang kanyang mukha at mga mata. May iilang ugat na kulay itim sa pisngi. Pero ang kulay ng kanyang mga mata ay nagbigay ng ibang takot sa kanya.

Itim at pula. .

Dahan-dahan niyang inangat ang kanyang kaliwang kamay para hawakan ang kanyang buhok para makita ng maigi ang kabuuan ng kanyang mukha.

Hindi talaga siya nagmamalik mata dahil kitang-kita talaga niya ang mag kaibang kulay ng kanyang mata. .

“Kaya pala ganon ang takot sa'kin ng babae dahil sa mga mata ko. . .” mahinang bulong ni Devin sa sarili habang nakatingin sa salamin.

Agad siyang napalingon sa gilid nang bigla niyang marinig ang pamilyar na tunog na ginagawa ng mga infecfed. At doon niya nakita ang dalaga na ngayon ay nagsisimula nang mag seizure.

Bahagya pa siyang napaatras ng bigla itong tumayo at tumakbo palapit sa pwesto niya.

Dahil sa pagkabigla ay mabilis siyang umalis sa lababo at napasandal sa isang cubicle na naroon sa silid. Nakita niyang lumapit ang infected sa rumaragasang tubig sa gripo.

Napalunok pa siya sa kanyang nakikita. Doon niya na realize na hindi na pala talaga siya normal.

Nakakapag-isip naman siya ng maayos, nakakapagsalita, nakakapaglakad, pero ang hindi normal sa kanya ay palagi siyang nauuhaw sa dugo ng hindi infected.

At palagi rin siyang nag c-crave sa karne ng tao. .

Dahan-dahang naglakad palapit si Devin sa gawi ng infected na ngayon ay halos maligo na tubig dahil hinahawakan niya ito.

Mabilis na sinara ni Devin ang gripo at agad rin namang tumigil ang infected sa ginagawa. Nang bahagyang nakalayo na ang infected sa lababo ay binuksan niya ulit ang gripo at nakita niya kung papaanong mabilis na lumapit ang infected sa tunog ng rumaragasang tubig sa lababo.

Halos mabaliw na siya kakatawa ng paulit-ulit niyang paglaruan ang infected sa tunog ng gripo.

Nang magsawa, ay sinarado niya na ang gripo at napagdesyunan niyang lumabas na.

Agarang binuksan ni Devin ang pintuan ng restroom at lumabas. Napapikit pa siya at inamoy ang sariwang hangin.

“This is fucking good.” sabi niya sa sarili at napangisi.

Nagsimula na siyang maglakad palayo sa restroom. Pero sa kalagitnaan ng paglalakad niya ay bigla siyang nakarinig ng malakas na tunog.

Agaran rin siyang napatigil sa paglalakad at napalingon sa building na sa kanyang likuran. May naririnig siya na parang tumutugtog na electric guitar sa building na 'yun.

Agaran siyang napangisi at mabilis na kumilos para tumakbo palapit sa first year building at dali-daling umakyat sa kaliwang daanan ng building.

Halos liparin niya na lang ang hagdan para makarating agad sa third floor. Doon kasi niya naririnig ang malakas na tunog. Nang makarating siya sa second floor ay may nakakasabay pa siyang mga zombies na paakyat rin sa third floor.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now