CHAPTER 008

246 128 19
                                    

“PUNYETA!malakas na mura ni Aziel na agad hinatak si One at Klay pabalik.

Hindi pa nga sila nakalayo sa kanilang building ay may panibago na namang horde ng mga zombies ang sumalubong sa kanila kaya wala silang ibang nagawa kundi tumakbo na naman para makalayo.

“Fuck, we're trapped!” naiinis na anunsyo ni One nang wala ka silang matatakbuhan pa.

Malapit na silang maabutan ng mga Zombies kaya mabilis na tinarget ni Klay ang magkasunod na mga infected sa leeg. Agad itong natumba pero halos hindo sila nababawasan at patuloy pa ring dumadami.

“Dito! Dali!” sigaw ni Aziel na patakbong nilapitan ang isang pinto ng restroom at agad na niyang binuksan.

Nagsikilos naman sina One at Klay at sabay na tumakbo palapit at pumasok sa loob ng banyo.

Pabagsak na sinara ni Klay ang pintuan at ni-lock. Marahas siyang bumuga ng hangin at hinihingal na pinunasan ang kanyang magkahalong pawis at dugo galing sa mga zombies gamit ang kanyang braso.

“Bakit ang dilim naman dito—tangina!” malakas na sumigaw si Aziel ng may may kung sino ang sumakal at tinutukan siya ng isang kutsilyo sa leeg.

“Shuta, tulungan niyo 'ko!” natatarantang sigaw ni Aziel sa dalawang kaibigan na pilit kumakawala sa hawak ng kung sino pero mas lalo siya nitong tinutukan ng patalim.

Mabilis na kinapa ni Klay ang switch ng ilaw at doon nila nakita si Aziel na hawak ng isang dalagang kaedad nilang tatlo. Nakatutok ang kanyang patalim sa leeg ni Aziel na agad kinaalarma nila.

“Who are you three? Are you guys bitten or what?” malamig na tanong sa kanila ng dalaga.

“Woah, miss. Chill, we're not bitten and—” naputol ang sasabihin ni One ng bigla siyang tinutukan rin ng kutsilyo ng dalaga na magtangka siyang lumapit.

“Don't come any closer or I'll chop your friends head off.” banta ng dalaga na ngayon ay mas lalong inilapit ang kanyang patalim sa leeg ni Aziel.

“Bitawan mo ang kaibigan namin and we'll explain who we are and why we here.” kalmadong sabi ni Klay sa dalaga na ngayon ay tiningnan siya sa mga mata.

Nagulat sina Klay at One ng walang pasa-pasabing binitawan ng dalaga si Aziel at tinulak palapit sa kanilang dalawa.

Kung hindi lang naging alerto si One ay baka dumeritso sa isang cubicle ang kaibigan kung hindi niya ito nasalo agad.

“Anak ng tupa—! Balak mo ba akong patayin, babae?” hindi makapaniwalang asik ni Aziel sa dalaga at hinarap ito.

Pero imbes na sumagot ay blangko lang siya nitong tiningnan ng dalaga at agad na nilipat ang tingin sa iba.

“Now speak.” sabi ng dalaga na ang paningin ay nasa kay Klay.

“Third year college na kaming tatlo and we're best friends. Napadpad lang kami dito kasi hinahabol kami ng mga zombies—” naputol ang sasabihin ni Klay ng sumabat ang dalaga.

“Is that it?” tila inaantok na tanong ng dalaga na parang hindi siya interesadong malaman ang iba pang sasabihin ng binata.

“At kailangan rin naming pumunta sa first year building—”

“May kapatid kayo 'ron?” putol ulit ng dalaga na mukhang biglang naging interesado.

Nagtataka siyang tinanguan ni Klay.

“Oo. May mga kapatid kaming tatlo na nag-aaral sa first year.” si One na ang sumagot sa dalaga.

“E, ikaw?” agad na napalingon ang dalaga kay Aziel ng bigla itong magsalita.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now