CHAPTER 38

107 18 13
                                    

Authors Note: another surprise update! Enjoy reading you guys!

Your votes and comments are highly appreciated!

If you do those, may mais kayo sa'kin. 🌽🌽🌽

See you again sa next update ko! 💓💓💓

——

“AZIEL, sa likuran mo!

Agarang napalingon si Aziel sa kanyang likuran nang marinig ang sigaw ni Shein.

Pagkalingon ni Aziel ay doon bumungad sa kanya ang dalawang zombies na tumatakbo palapit sa kanya. Malakas nalang siyang napamura at dali-daling dinampot ang metal bar at saka niya ang mga ito pinaghahampas sa ulo.

“Kailangan na nating umalis! Paparating na rin ang iba pang zombies dito! Ma ta-trap tayo!” malakas at sunod-sunod na sigaw ni Klay sa kanyang mga kasama.

Nagsilingunan silang apat at doon nila nakita ang ilang horde pa ng mga zombies patakbo sa kanilang direksyon. Kung tutuusin ay hindi nila ito kaya dahil limitado nalang ang mga panang hawak ni One at Klay.

“Move!” sigaw ni One na sinenyasan si Aziel na maunang tumakbo at saka niya hinawakan si Shein sa kamay at sabay silang tumakbo. Agad rin namang sumunod sa kanila si Klay habang hawak-hawak ang kanyang pana at palaso.

Hindi nila inaasahan na mas may marami pa palang mga zombies  ang sasalubong sa kanila. Kakarating lang nila sa kabilang building at doon sumalubong sa kanila ang mga infected. Nawala sa kanilang isip na magkadikit-dikit ang mga building dito at maraming estudyante dito.

Habang tumatakbo sila ay hindi napigilang i-check ni Shein ang ilang classrooms na madadaanan nilang apat. She's checking kung may survivor pa sa building na ito pero wala siyang makita kahit na sinong estudyante. Tanging nakikita niya lang ay mga estudyanteng infected.

Shein having high hopes sa madadaanan pa rin nilang mga classrooms na may makikita sila kahit ni isang survivor pero nang wala talaga siyang nakita ay binalot siya ng kalungkutan.

‘All of them actually turn into one. No one survived. .’ malungkot na sabi sa isip ni Shein.

Ilag!” malakas na napasigaw si Aries nang makita niya ang isang infected na tumatakbo palabas sa isang classroom.

Sinunggban ng zombie si Shein na saktong kalalagpas lang sa isang classroom kung saan lumabas ang infected. Sa bilis nang pangyayari ay biglang nabitawan ni One ang kamay ng dalaga.

Malakas na napamura si One nang makita kung paano pilit pinipigilan ni Shein ang magkabilang balikat ng zombie para hindi siya nito maabot. Agad na lumapit si One sa dalaga at hinawakan sa kwelyo ang zombie para alisin sa ibabaw ni Shein. Pero kahit anong gawin niya ay hindi ito bumibitaw.

“Move!” utos ni Klay kay One at agad naman itong lumayo. Mabilis na pinuwesto ni Klay ang kanyang pana at palaso sa zombie at agad itong tinarget sa ulo.

Mabilis namang napasubsob ang zombie sa sahig at doon na kumilos si One para tulungan si Shein makatayo at saka sila nagpatuloy sa pagtakbo dahil parami ng parami na ang mga zombies sa paligid.

Ilang hakbang nalang sana ay makalabas na sila sa senior high building pero mukhang pinaglaruan sila ng tadhana dahil may isang horde ng zombies ang biglang sumulpot sa kanilang harapan.

“Fuck, sa kabila!” sigaw ni One at mabilis silang pumanhik sa kaliwang bahagi ng building pero meron ring iilang zombies ang sumulpot mula doon.

Sinubukan rin nila sa kanan pero may dalawang zombies ang sumulpot na naman doon. Malakas nalang napamura si One at nilingon si Klay na ngayon ay tinatarget ang iilang mga zombies mula sa hindi kalayuan sa kanilang pwesto.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now