CHAPTER 27

156 73 0
                                    

“WALA bang basaruhan dito?”

Napalingon sina Klay, Aziel, at One kay Shein ng bigla itong magsalita.

Kakatapos lang nila kumain ng noodles kaya agad na naghanap ng basurahan si Shein para itapon ang kanilang pinagkainan.

Kanina pa siya paikot-ikot sa silid at hindi talaga niya mahanap ang basurahan.

“Wala ba diyan?” tanong ni Klay
na bahagya pang nilingon ang dalaga dahil naglalaro sila nina Aziel at One nang chess sa kama.

Imbes na sumagot ay patuloy pa ring hinahanap ni Shein ang basurahan sa silid.

Bigla siyang napadpad sa sulok ng cabinet kung saan nakatambak ang mga pagkain at doon niya nakita ang hinahanap.

“For Pete's sake, nandito ka lang pala.” naiinis na sambit ni Shein sa sarili at tinapon na ang mga cups ng noodles.

“Mata ang ginagamit sa paghahanap, Shein. Hindi bibig.”

Agarang napalingon ang dalaga kay Aziel nang bigla itong magsalita.

Hindi niya inaakalang maririnig nito ang kanyang sinabi na dapat siya lang ang makarinig.

Sa sinabi ni Aziel sa dalaga ay biglang umiba ang timpla nang mukha ni Shein.

Nginisihan lang ni Aziel si Shein bago nagsalita.

“Kanina ka pa paikot-ikot at nagtatanong kung saan nga ang basurahan. Tapos andyan lang pala sa sulok ng cabinet. Buti hindi ka tinadyakan niyan.” sambit ni Aziel, at ganon nalang ang kasama ang mukha ni Shein sa sinabi niya.

“Kung nakakapagsalita lang sana ang basurahan kanina ka pa niya sinigawan para makuha ang pansin mo. "Hoy Shein, nandito ako sa sulok! Pansinin mo naman ako dito, hoy! Nandito lang naman ako sa sulok hindi mo pa ako mahanap?dagdag ni Aziel sa dalaga.

Sa sinabi niya ay doon na siya binigyan ni shein ng isang masamang tingin.

Mabilis na tumalikod si Shein at yumuko para kunin ang basuharan. Pagkatapos, ay agad siyang humarap ulit kay Aziel at ipinakita ang hawak niyang trash can sa kanang kamay niya.

Mahihimatay kaya siya kapag tinamaan ko sa ulo? O tuluyan na siyang mamamatay kapag ginawa ko 'yon?”paparinig ng dalaga kay Aziel na ngayon ay nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.

Tiningnan ni Shein si Aziel na nanlalaki ang mga matang nakatingin sa kanya.

Matamis namang nginitian ng dalaga si Aziel bago magsalita.

“Want mo?” patanong na sabi ng dalaga sa binata na parang inayayaan niya lang itong kumain.

“Syempre, hindi!” singhal ni Aziel.

“Sigurado ka? Ayaw mo?” sunod-sunod na tanong ni Shein kay Aziel na agad naman siyang inilingan ng ilang beses.

“Ayaw mo talaga?” pag-uulit na tanong ni Shein sa binata. “Ayaw mo 'non? Buong buhay ka na sanang matutulog kapag nagkataon.” dagdag ni Shein at dahan-dahang ibinalik ang basurahan sa kung saan niya ito kinuha kanina.

Dahil sa mga pinagsasabi niya kay Aziel, ay literal na nagtago ang binata sa likuran ni One.

Binigyan lang ni Shein si Aziel ng isang malokong ngisi at saka bumalik sa mini kitchen.

“Jeez, she's creepy.” nakangiwing sambit ni Aziel at doon pa lang umalis sa likuran ni One at saka niya niyakap ang sarili na animo'y kinakilabutan sa inasta ng dalaga.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now