CHAPTER 11

219 115 2
                                    

What are we going to do now? Kung hindi pupunta ang mga helicopters para i-rescue tayo, paano nalang tayong mga survivors?

Hindi nakapagsalita ang lahat sa sinabi ni Samantha. Kanina pa sila nakatayo at parang malalim ang iniisip.

“Then, we'll go save ourselves na hindi umaasa sa kanila.sabi ni Hadleigh.

“Paano naman natin gagawin 'yun?” komento naman ni Daziel na ngayon ay nakasandal sa pader.

“Kailangan nating makaalis dito—” naputol ang sasabihin ni Hadleigh ng biglang sumabat si Kurt.

“We have no other places to go, Hadleigh.” sabi ng binata na agad namang ikinatango nina Rydent at Hiro.

“Then, gusto niyo pa bang mag stay dito at mamatay? Tingnan niyo ang pinto.” turo ni Hadleigh sa pintuan na agad naman nilingon ng kanyang mga kaklase.

Doon nila nakita na kaunting damba nalang ng mga zombies ay bibigay na ito at makapasok dito sa loob.

“We can't stay here anymore, guys.” sabi ng dalaga at tiningnan isa-isa ang mga kaklase. “I am still not sure kung saan tayo lilipat ng pwesto da—” biglang naputol ni Hadleigh ang sasabihin ng sumabat si Freya sa usapan.

“Then, don't make other stupid plans if you're not so sure.” asik ni Freya sa dalaga. “Kung gusto mong mamatay huwag ka nang mangdamay ng iba kung hindi ka naman sigurado sa mga pinaplano mo.” dagdag ng dalaga.

Agad na sumalubong ang kilay ni Hadleigh sa sinabi ni Freya. Nabalot na rin ng kakaibang tensyon ang dalawang dalaga.

“Don't interfee if your not in it, kuha mo? As if naman na may binubuo kang plano sa makitid mong utak.” singhal ni Hadleigh kay Freya. “Hindi ako katulad mo na padalos-dalos sa mga kinikilos ko. Hindi ako katulad mo na sing tanga.” dagdag ng dalaga.

Awtomatikong napatayo si Freya sa kanyang kinauupuan at matalim na tiningnan si Hadleigh.

Agaran na ring napatayo ang iba nilang kasamahan kung may mangyayari mang hindi maganda sa pagitan nilang dalawa.

“What the fuck did you say?” galit na sabi ni Freya at nagsimulang humakbang palapit sa kaklase.

“Kung inaakala mong natatakot ako sa'yo, nagkakamali ka. Huwag mo nang dagdagan ang init ng ulo ko dahil kapag maputol ang katiting na pasensya ko sa'yo, kakaladkarin talaga kita palabas.” matapang na sabi ni Hadleigh.

“Ano ba ang nagawa ko sa'yo kung bakit ka ganyan kataas kumausap sa'kin, ha?!Makapagsakita ka parang hindi mo ako nirerespeto, ah? Baka nakakalimutan mong ako ang may-ari ng eskwelahang tinatapakan mo ngayon?” pagmamalaki ni Freya.

Umismid naman si Hadleigh at matunog na ngumisi.

“Kung ang ibang estudyante ay nirerespeto ka nila dahil sa mayaman ka, Ibahin mo ako sa kanila dahil kahit kailan ay hindi rerespetuhin. Sa ugali mong 'yan? Don't me.” Mataray na sabi ni Hadleigh kay Freya na ngayon ay namumula na sa inis at galit.

“At wala rin akong pakialam kung ikaw ang may-ari ng eskwelahang 'to. Kahit anak ka pa ni President Ferdinand Marcos, Jr. ay hindi pa rin kita rerespetuhin.” dagdag ni Hadleigh.

“Tingnan lang natin kung hindi ka magmamakaawa sa'kin when I kicked you out of this school, wala ka nang mapupuntahang ibang eskwelahan dahil hindi sila tumatanggap ng isang basurang katulad mo!” bulyaw ni Freya kay Hadleigh.

Pumitik naman si Hadleigh sa ere.

“Sa tingin mo ba, tumatanggap ang ibang school ng mga zombie? Baka nakakalimutan mong nasa sitwasyon tayo ng mid outbreak, aber? Kahit minsan, gamitin mo naman 'yan ang utak mo. Nasa ulo ang utak mo wala sa pride mo.” sa sinabi ni Hadleigh ay doon na pumitik ang pasensya ni Freya.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now