CHAPTER 29

150 74 0
                                    

KANINA pa naglalakad si Devin sa senior high building papunta sa V.I.P's building. Malalim na ang gabi at nasa labas pa rin siya.

Napakamot nalang siya sa ulo at tiningnan ang kanyang paligid bago napamura.

“Tangina, bakit ba kasi ang lawak-lawak ng eskwelahang 'to? Sinong puntanginang nagsabing kailangang malaki dapat ang eskwelahan?!” inis niyang singhal habang magkasalubong ang kanyang kilay.

Walang liwanag sa pwesto niya kaya malaya niyang napagmasdan ang ilang mga zombies na likuran ng buildings.

Sa likuran kasi siya dumaan para mas walang hassle.

Pero biglang napatigil sa paglalakad si Devin ng may makita siyang mga zombies sa harapan.

Nagkalat ang mga ito sa gilid at ang iba ay nasa bandang forest na hindi kalayuan sa building.

Bahagya siyang naglakad palapit sa gawi nila at doon niya nakita ang ilang mga zombies na may mga tama ng palaso sa leeg at ulo.

Sa ikalawang pagkakataon ay nakita niya ulit ito. Hindi niya pa rin matukoy kung kanino nga ba nanggaling ang mga palaso na ito.

Ito kaya ang mga survivors na naamoy niya kahapon pa?

Awtomatikong napatigil ulit sa paglalakad si Devin ng may naamoy siya.

Agaran siyang napangisi nang pamilyar sa kanya ang naamoy niya. Ang amoy ng mga survivors kahapon.

Nagsimula na siyang maglakad palapit sa gawi ng mga zombies sa harapan. Nang makalapit ay natagpuan niya ang sarili sa maliit na espasyo sa magkatabing building.

Pwersahan niya pang pinagilid ang babaeng zombie nang nakaharang ito sa kanyang dadaanan. Nang makalabas sa madilim na parte ng building ay prenti siyang nameywang.

Nasa malapit lang ang mga survivors dahil mas lalo siyang nagugutom sa nakakatakam na amoy.

Naglakad siya palapit sa isang building. Nang tuluyang makalapit ay umakyat siya sa hagdan at agad naman kumunot ang noo niya ng makitang may bubog sa labas ng silid.

Nilapitan niya ang kabilang side ng silid kung saan niya nakita ang maraming bubog ng bintana. Tiningnan niya ang nabasag na jealousy na ngayon ay sinadyang nilagyan ng cabinet para hindi makikita ang loob.

Lumipat siya ng pwesto sa may gawing pintuan at sa kabilang side para dumungaw sa isang bintana.

At hindi nga siya nagkakamali ng madatnanan niya ang mga survivors sa loob ng silid. Mahimbing na natutulog ang apat na tao sa magkabilang kama.

Tiningnan isa-isa ni Devin ang mga ito at doon niya nalaman na isa pala sa mga iyon ay babae, at tatlong lalaki.

Mas lalong lumaki ang ngiti ni Devin sa nakikita.

Kahit nakasarado ang bintana ay amoy na amoy niya parin ang mga ito mula sa labas na mas lalong na trigger ang kanyang itim na ugat sa leeg at pisngi.

Hindi na napigilan ni Devin ang kanyang sarili kaya dali-dali siyang lumapit sa pintuan at mahigpit na hinawakan ang hamba ng pinto.

Kahit naka lock ang pinto ay walang kahirap-hirap niyang nagiba ang doorknob. Sa kakaibang lakas niya ay literal na nagiba ang doorknob ng pwersahan niya itong inikot.

Sa kabilang banda, nang may marinig na ingay si Klay ay agad siyang napamulat sa kanyang mga mata at tiningnan ang paligid.

Tiningnan niya rin ang kanyang mga kasama na hanggang ngayon ay mahimbing pa ring natutulog.

Mabilis rin siyang bumangon sa kama at agarang dumapo ang kanyang paningin sa gawing pinto kung saan niya nakikita na giba na ang doorknob.

Nakikita niya rin ang anino nang kung sino sa labas dahil reflection sa bintana.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now