CHAPTER 41

64 15 1
                                    

“GENERAL Philip,” agarang napatayo si Miller sa kama nang biglang pumasok si General Philip sa tinutuluyan niyang tent sa basement. “Good morning po.” magalang na bati ni Miller sa general na matamis siyang nginitian at binati rin siya.

Kamusta ka naman dito, hijo? Okay lang ba?” tanong ni General Philip at umupo sa isang upuan malapit sa lamesa.

“Okay naman ho ako dito, sir. Komportable naman po ako,” nakangiting sagot ni Miller at dahan-dahan siyang umupo ulit sa kama habang nakaharap sa general. “Bakit po napadaan ho kayo dito, Sir?”

“Gusto ko lang sabihin sa'yo na pupunta na ang air force back-up bukas ng umaga sa Zazel University,” paliwanag ni General Philip. Sa sinabi niya ay agad na nanlaki ang mga mata ni Miller. “May gagawing misyon si Detective Aries kasama ang mga air force back-up bukas—” hindi natapos ang sasabihin ni General Philip nang biglang sumabat sa kanya si Miller.

“Excuse me po, General sir. .uhm..pwede po ba akong sumama papunta sa Zazel bukas?” mahinang sabi ni Miller habang deritso siyang nakatingin kay General Philip. Kitang-kita niya kung paano nagulat ang general sa kanyang sinabi. “Alam ko na naman pong delikado pero gusto ko po kasi makita si Amaia, Sir. Gusto ko rin po malaman kung okay lang po ba siya at ng mga kaibigan niya.” sa sinabi ni Miller ay dahan-dahang napalitan ang reaksyon ni General Philip. Kung kanina ay gulat na gulat ito ay ngayon ay sumeryoso ang mukha niya at saka bumuntong-hininga.

Hinintay muna ni Miller ang sagot ng general. Hindi niya maiwasang kabahan dahil baka hindi siya payagan ng general na sumama papuntang Zazel's. Sa loob niya, gustong-gusto talaga niyang makita si Amaia at gusto niya rin malaman kung okay lang ba ang lagay ng dalaga.

Matalik niyang kaibigan si Amaia since senior year pa lang. Hindi niya alam ang gagawin kapag may nangyaring masama sa dalaga.

Napakagat ng ibabang labi si Miller nang bumuga ng hangin si General Philip. Kinakabahan talaga siya sa magiging sagot ng general. Pakiramdam niya matatae siya ng anumang oras dahil sa kaba.

“Okay. .papayagan kitang sumama sa air force bukas,” sa sinabi ni General Philip ay literal na napangiti ng malaki si Miller dahil sa tuwa. “Hindi ka kaya papagalitan ni Detective kapag nakita ka niya bukas?”

Bahagyang umiling si Miller bilang sagot. Sigurado po akong hindi siya magagalit kapag sumama ako, Sir. Matalik ko na kaibigan ang inaanak niyang babae at kuya na rin ang turing ko kay kuya Aries.” nakangiting sagot ni Miller kay general.

“May tanong ako sa'yo, hijo.” maya-maya ay sabi ni General Philip.

“Ano po 'yun, Sir?”

Pansin ko lang. Bukambibig mo na yata ang inaanak na babae ni Detective Aries, ah? May gusto ka ba sa binibining iyon, hijo?” sa sinabi ni General Philip ay unti-unting nawala ang magandang ngiti ni Miller sa kanyang labi.

“I—It's not like that, Sir. Wala po akong gusto kay Amaia.” depense ni Miller sa kanyang sarili.

Bahagya namang napatawa si General Philip saa inasta ni Miller. “Wala ka nga bang gusto sa dalagang iyon, hijo? Mukha kasing napipilitan ka lang na sagutin ako, e.” natatawang sabi ni General Philip.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now