CHAPTER 22

155 80 0
                                    

PALUBONG na ang araw nang magising si Andrei nang may marinig siyang ingay.

Agad siyang umayos ng tayo at pungay-pungay ang mga matang inilibot ang kanyang paningin sa loob ng silid. Doon bumungad sa kanya ang mga kaklase na mahimbing pa rin sa pagtutulog.

Inilibot ang kanyang paningin para hanapin ang taong gusto niyang makita. Agad siyang dinamba ng kaba ng hindi mahalagilap ang dalaga sa silid.

Mabilis siyang napatayo at parang biglang nawala ang kanyang nararamdamang antok.

Patakbong nagtungo si Andrei sa gawing bintana at sinilip kung andon ba sa labas ang dalaga. Tiningnan niya ang bawat corridors pero wala talagang siyang makita.

Kahit anino ng mga zombies ay hindi niya nakita. Parang bigla nalang nawala ang mga ito ng sa ganong kaikling oras.

“Anong ginagawa mo diyan?

Mabilis na napalingon si Andrei sa kanyang likuran nang marinig ang isang pamilyar na boses.

At doon bumungad sa kanya si Amaia na ngayon ay nakatayo sa harap ng speaker control room. Salubong rin ang kilay ng dalaga na animo'y nagtataka sa kanya.

Agarang napaayos ng tayo si Andrei at hinarap ang dalaga. Hindi niya alam ang sasabihin dahil akala niya talaga nawawala ito kaya siya sumilip sa bintana para tingnan.

“A—Akala ko kasi lumabas ka.” mahinang sagot niya sa dalaga at agad naman siya nito tinaasan ng kilay.

“At bakit naman ako lalabas, aber? Wala akong balak magpakain sa mga zombies, for your information.” salubong na kilay na sabi ni Amaia at bahagyang sinara ang pinto ng speaker room.

“Nagising kasi akong wala ka—ang ibig kong sabihin, nagising ako na wala ka sa pwesto mo kanina.” pagbawi ni Andrei sa una niyang sasabihin.

Nakagat niya nalang ang pang-ibabang labi niya sa kahihiyan. Hindi niya alam baka na mis-interpretation siya ng dalaga sa kanyang sinabi.

Imbes na sumagot ay mas lalo lang siya nitong tinaasan ng kilay ng dalaga. Napalunok nalang ang binata at napakamot sa kanyang ulo.

Sinundan niya ng tingin si Amaia na naglakad patungo sa sulok ng silid para kunin ang kanyang backpack. Hinalukat niya ito na parang may hinahanap.

Doon niya nakita na kinuha ng dalaga ang kanyang cellphone at binuksan ito. Nakita niya na bahagya pang nailayo ni Amaia ang kanyang cellphone dahil sa lakas ng brightness.

Narinig niya pa itong napamura kaya hindi niya napigilang matunog na ngumisi. Bahagyang itininaas ng dalaga ang kanyang kanang kamay na hinahanapan ng signal ang kanyang cellphone.

“Bakit wala pa ring signal?” naiinis na singhal ni Amaia at bahagyang lumapit sa gawing bintana na dalawang metro ang layo kay Andrei.

Pinuwesto ni Amaia ang kanyang cellphone sa bintana at nang hindi makuntento ay inilabas na niya ang braso sa labas ng bintana at doon na nataranta si Andrei.

“Ano ba 'yang ginagawa mo?” suway niya sa dalaga at pwersahang ibinalik sa loob ang braso nito.

“Naghahanap nga ako ng signal.” tugon ni Amaia sa kanya.

“Kailangan ba talagang ilabas ang braso mo para makahanap ka lang ng signal? Paano kapag may sumulpot na zombie diyan sa gilid at napahamak ka?” asik ng binata at doon na sumalubong ang kanyang kilay.

“Wala na mang zombie sa la—” hindi natapos ang sasabihin ni Amaia ng biglang sumabat sa kanya si Andrei.

“E, paano nga kung meron?”

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now