CHAPTER 20

189 90 0
                                    

“Tangina, TAKBO!

Mabilis na tumakbo palabas si Akiro at sumunod naman si Andrei.

Mabilis ang naging pagkilos ni Amaia na hubarin ang handle ng gitara. Pero agaran siyang napasinghap ng biglang inusog ng ilang mga infected ang parihabang mesa.

Muntik na itong tumama sa kanya pero nagawa niyang hawakan ang lamesa gamit ang dalawang kamay na para pigilan ang lamesa.

Ilang zombies na rin ang nakapansin sa kanya at pilit siyang inaabot ng mga ito. Mahinang napamura si Amaia ng  unti-unti nang dinadagan ng mga infected ang lamesa.

Pero ganon nalang ang gulat niya nang may isang zombie ang biglang sumuot sa ibaba ng lamesa para maabot lang siya.

Dahil sa pagkataranta ay mabilis siyang kumilos at bumwelo para makaakyat sa lamesa. Mabilis na dinampot ni Amaia ang gitara na inilagay niya sa lamesa at malakas na hinampas ito sa isang infected na nakahawak sa kanyang binti.

Sa lakas ng pagkahampas niya ay literal na nagiba ang gitara at nabali naman ang leeg ng infected. Agad na tumakbo si Amaia palapit sa pinto kung nasaan si Andrei ay nakaabang na sa kanya sa labas.

Maingat siyang tumalon at agad naman siyang dinaluhan ni Andrei at Akiro. Pero sa hindi inaasahang pangyayari ay doon na sila napansin ng mga zombies.

“This is not good, TAKBO!” malakas na sigaw ni Andrei at mabilis na hinawakan ang pulupulsuhan ni Amaia at hinatak patakbo.

Mabilis ring hinawakan ni Amaia ang kaliwang braso si Akiro para tumakbo.

Nang makatakbo palayo sa music room ay nagsilabasan ang mga infected at sinundan silang tatlo.

Halos talunin na nila Amaia ang hagdan para mabilis silang makababa sa first floor dahil alam rin nila na hinihintay na sila ng kanilang mga kaibigan 'don.

Nang makababa sila sa second floor ay muntikan nang madapa si Akiro pero agad siyang naalayan ni Amaia. Patuloy pa rin silang makababa sa first floor.

Nang makababa at makalabas sa building ay doon nila nakita ang mga kaklase na ngayon ay tumatakbo sa kabilang side ng building. Hindi pa rin ang mga ito nakakalayo kaya mabilis rin silang tumakbo para sundan ang mga kaklase.

Hindi nila ininda ang pagod na nararamdaman. Patuloy pa rin sila sa pagtakbo sa malawak na daan papunta kabilang side ng school.

Sila kasi ang nasa panghuli dahil first year silang lahat. Kailangan rin nilang dumaan sa kabilang side para maabot nila ang VIP's building.

Nang makarating sila sa kabilang side ng building ay hindi pa nga sila naka-ilang hakbang ay may isang horde ng mga zombies ang tumatakbo sa kabilang side ng building.

Napamura si Akiro pati na rin si Andrei pero hindi sila tumigil sa pagtakbo. Bahagya silang lumiko sa ikatatlong building at doon para makadaan sa mini forest.

Pero ganon nalang ang gulat nila ng magsibalikan ang iba nilang mga kaklase para sana umiba ng daan.

“Saan naman kayo pupunta?” nagtatakang tanong ni Andrei kay Kurt na ngayon ay punong-puno na ng sariling pawis sa kanyang mukha.

“May kung sino ang naglagay ng parihabang lamesa para iharang sa daan papuntang mini forest. We can't go there.” namomroblemang sabi ni Kurt sa binata.

“Tapos? Pwede naman nating kunin ang lamesa at—” hindi natapos ang sasabihin ni Andrie ng biglang sumabat si Kurt.

“—Iniharang ang lamesa dahil may mga zombies sa daan. .” sa sinabi ni Kurt ay sandaling natigilan si Andrei pero agad ring nakabawi.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now