CHAPTER 16

190 99 0
                                    

“HOY GAGO, BALIK!” malakas na sigaw ni Aziel nang mapadpad sila sa first floor ng building. 

Mabilis silang tumakbo sa kabilang daan habang tinatarget ni Klay ang iilang mga infected na patakbo papunta sa gawi nila.

Dalawang palaso ang pinapalipad ni Klay sa mga infected na tinatarget niya. At dalawa ring infected ang napapatumba niya.

“Fuck, we're going to be trapped!” sabi ni One na hinampas ang isang infected na muntikan na siyang sunggaban.

Nasa quadrangle sila at may paparating na panibagong horde ng infected. Lumingon si Klay sa kanilang likuran at doon niya nakitang may papalapit ring mga infected sa gawi nila.

Kung hindi sila kikilos ay posibleng maabutan sila ng mga ito at malalagay pa sa alanganin ang kanilang mga buhay.

Inilibot ni Klay ang kanyang mga mata at dumapo naman ito sa isang silid sa hindi kalayuan sa pwesto nila.

“Doon! Dali!” sigaw ni Klay sa mga kasama at tinuro ang silid na nakita niya. Pinauna niya ang mga ito habang siya ay tinatarget ang mga infected dahil maaabutan sila ng mga ito.

Sa kabilang banda, ay pilit binubuksan ni Aziel ang pinto ng silid pero ayaw bumukas. Dinamba niya ito ng ilang beses pero hindi talaga bumubukas.

“Putangina, bumukas ka!” singhal niya at malakas na dinamba ang pinto pero ayaw pa rin. Doon na niya inis na sinipa ang pinto.

“Let me try.” sabi ni Shein at bahagyang lumapit sa pintuan. Kinuha niya ang swiss knife sa kanyang tagiliran at inilagay ito gilid ng doorknob.

“Paki bilisan, please. Klay is hanging in there!” natatarantang sabi ni Aziel sa dalaga na ngayon ay ginagalaw na ang swiss knife sa doorknob.

Nang mabuksan na ni Shein ang pinto ay agad na tinawag ni One si Klay na ngayon ay patuloy pa rin sa pag papana ng mga infected na halos hindi nababawasan kapag napapatumba niya ang karamihan.

“Klay!” malakas na sigaw ni One sa kaibigan at itinaas pa ang kanyang pana para kunin ang atensyon ng binata.

Tinanguan siya ni Klay at huling tinarget ang dalawang infected na agad namang natumba sa lupa.

Agad na tumakbo palapit si Klay sa gawi ni One pero ganon nalang ang gulat niya nang makita ang isang infected na bigla nalang lumitaw sa gilid ng silid.

Hindi ito nakita ni One dahil nakatalikod siya. Mabilis na kumuha si Klay ng isang palaso at punumwesto ito sa pana. Bago pa man makalapit ang infected kay One ay mabilis niya itong tinarget sa ulo kung bakit ito natumba.

Nanlaki naman ang mga mata ni One nang makita ang isang infected na ngayon ay natumba sa kanyang likuran. Wala siyang kaalam-alam na nasa peligro na pala ang buhay niya.

“Pasok na, Uno! Bilisan mo!” sigaw ni Klay sa kaibigan na agad namang pumasok sa loob at siya ang sumunod.

Nang makapasok ay malakas na sinara ni Klay ang pinto at doon pa lang dinamba ng mga infected ang pintuan.

Marahas na bumuga ng hangin si Klay at dumadaos-dos paupo sa pinto. Pagod niyang tiningnan ang kanyang mga kasama na ngayon ay naka-upo rin sa sahig at pagod rin kagaya niya.

Sino naman kasi ang hindi mapapagod sa kanilang sitwasyon?

Kanina pa sila tumatakbo dahil sa hinahabol sila ng mga infected. Wala rin silang napapagtaguan dahil puros sirado ang mga classrooms sa first floor sa building.

Delikado rin kapag umakyat sila sa second floor dahil alam nilang mas marami pa 'don ang nag-aabang sa kanila sa itaas.

“Fuck, we're so close. .” napalingon si Klay kay Aziel nang magsalita ito.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now