CHAPTER 43

61 15 1
                                    

Authors Note: Another update is up, my rivers! Good evening sa lahat ng mga mambabasa ko (kung meron man) lol. Anyways, tonight is the last day of June. I hope, that July will be full of blessings and graces! Amen!

I have two questions for you, my dear readers. So far, sino ang favorite niyong characters so far and why?

And the second one, how is the chapters so far?

Ito lang muna ang update hehe. See you in the next one! Enjoy!

——



“MISS LUNA!

Agarang napalingon ang maestra nang marinig ang malakas na sigaw ni Freya. Kasalukuyan silang naglalakad patungong fourth year building at kailangan rin nilang makaakyat sa rooftop para doon abangan ang mga rescuers.

Pero sa hindi inaasahang pangyayari, sinalubong sila ng isang horde ng mga zombies sa third year building.

“We're trap!” natatarantang sigaw ni Miss Luna pagkatapos niyang hampasin ang isang zombie na nagtangkang sunggaban siya kanina. Malaki ang pasasalamat niya kay Freya dahil kung hindi ito sumigaw ay baka nakagat na sa siya at naging kagaya nila.

Inilibot ni Freya ang kanyang mga mata at ganon nalang ang takot niya nang makita ang ilang horde na nga zombies ang tumatakbo palapit sa kanilang pwesto. Hindi niya maiwasang mataranta. Nagsimula nang manlambot ng kanyang mga tuhod at anumang oras ay matutumba siya.

Hindi alam ni Freya ang gagawin. Kahit si Miss Luna ay hindi na alam ang gagawin. Tatakbo ba sila? Sasalubungin ba nila ang mga zombies para lang makadaan papuntang fourth year building? Ilang classrooms at hallway nalang ang madadaanan nila at mararating na nila ang kanilang pakay.

They can't just stand there and watch. They have to do something.

Sandaling natuon ang mga mata ni Freya sa kanang kamay ni Miss Luna na ngayon ay hawak-hawak pa rin ang metal bar. At sunod siyang tumingin sa kanyang likuran at doon niya nakita ang isang horde na mga zombies ang tumatakbo palapit sa kanilang pwesto. Malaki ang posibilidad na hindi na talaga sila makakatakas dahil kahit saang sulok at anggulo tingnan, may mga zombies na paparating.

Agarang napatingala si Freya sa kisame sa ground floor ng third year building. Nabuhayan siya ng loob ng makita na may staircase paakyat sa attic. Without any hesitations ay agad niyang hiniram ang hawak na metal bar ni Miss Luna at ginamit ito para i-attach sa lubid na naroon sa vent.

Mabilis na hinila pababa ni Freya ang lubid para mahulog ang metal na hagdan ng attic. Pati si Miss Luna ay napasigaw sa saya nang tuluyan nang makababa ang hagdan. Pinauna ni Freya ang maestra na umakyat habang tumi-tingin sa magkabilang corridors. Parang mawawalan na ng hininga ang dalaga dahil ilang hakbang nalang ng mga zombies ay maaabutan sila ng mga ito kapag nagkataon.

“Freya! Akyat na, dali!” sigaw ni Miss Luna na ngayon ay nasa attic na.

Nagmamadaling umakyat na rin si Freya sa hagdan. Nang malapit na siya sa vent ay agad na inilahad ni Miss Luna ang kanyang kanang kamay sa dalaga na agad namang kinuha ni Freya.  At sa hindi inaasahang pangyayari, ganon nalang ang pagsigaw ni Miss Luna nang makita ang isang zombie na tuluyan ng makalapit sa hagdan at nagmamadali itong umakyat.

Marahang hinatak ni Miss Luna paakyat si Freya nang tangkain siya nitong sunggaban ng zombie. Mabilis na dinampot ng maestra ang metal bar na hawak-hawak ni Freya at agad na hinampas ang zombie gamit ito.

Tatlong beses na pinaghahampas ni Miss Luna ang zombie sa ulo kung bakit ito nahulog sa ibaba. Agad nang sinara ng maestra ang pintuan ng attic nang tuluyan ng makalapit ang mga zombies sa hagdan. Hindi na niya ibinalik ang metal na hagdan dahil may kabigatan ito. Miss Luna and Freya both held a deep breath, at sabay rin nilang ibinuga ito. Parang hindi sila makapaniwala na buhay pa silang dalawa.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now