CHAPTER 39

84 22 9
                                    

PAGKATAPOS nilang kumain ng agahan ay sina Hadleigh at Samantha ang naglinis ng kanilang pinagkainan.

Habang ang iba naman ay naghahanda na sa kanilang pag-alis papuntang rooftop. Kasalukuyan nilalagyan ni Amaia ang kanyang magkabilang braso ng duck tape. Nang matapos siya ay sunod niyang nilagyan sina Akiro at Andrei.

“Aalis na talaga tayo dito?” maya-maya tanong ni Akiro. Sa sinabi niya ay agad siyang nakatanggap ng batok mula kay Andrei. “Aray ko! Bakit mo ako binatukan?!”

“Kasi ang tanga mo.” tipid na sagot ni Andrei sa kaibigan. Agad naman siyang sinamaan ng tingin ni Akiro. “Paulit-ulit ka nalang. Kanina mo pa 'yan tinatanong tapos uulitin mo, ang sarap mong tadyakan.”

“Makabatok ka, ah?” inambaan rin ng batok ni Aziel si Andrei pero agad ito nakalayo sa kanya. “Kinaklaro ko lang naman, e. May problema ba 'dun?”

“Utot mo. Para kang sirang plaka.”

Napailing nalang si Amaia sa dalawa niyang kaibigan. Pagkatapos niyang lagyan ang magkabilang braso ni Akiro ay sunod niyang nilapitan si Andrei.

“Ako na—” hindi natapos ang sasabihin ni Andrei nang bigla-bigla na lang hinablot ni Amaia ang kanyang kanang braso.

Walang imik na pinalibutan ni Amaia ng duck tape ang kanang braso ni Andrei. Hindi alam ni Amaia na titig na titig sa kanya ang binata na animo'y hindi niya inaasahan ang gagawin nito.

Pagkatapos lagyan ni Amaia ang kanang braso ni Andrei ay sunod niyang nilagyan ang kaliwang braso nito.

“Huwag mo'kong titigan ng ganyan.” nang sabihin iyon ni Amaia ay ilang beses na napakurap si Andrei at agarang iniwas ang kanyang tingin sa dalaga.

Inangat ni Amaia ang kanyang ulo para tingnan ang binata na ngayon dahan-dahan ring napatingin sa kanya. Amaia stares directly into Andrei's eyes. Kitang-kita niya kung papaano napalunok ang binata.

Mahina naman siyang napatawa at saka niya inangat ang kanyang kanang kamay para tapikin ang pisngi nito. Bahagya pang napatigil ang binata sa ginawa niya.

Imbes na magsalita ay nginitian lang ni Amaia si Andrei bago niya ito tinalikuran at naglakad palapit kay Hiro na tahimik lang nakaupo sa sahig habang nakasandal sa pader malapit sa speaker room.

“Star struck yarn?” agarang napalingon si Andrei kay Akiro nang bigla itong magsalita sa kanyang gilid. Ngising-ngisi na ito ngayon kaya ganon nalang ang pagkunot ng kanyang noo. Anong feeling na tinapik ng best friend mo ang pisngi mo? Masarap ba sa feeling, pre? Kinilig ka siguro 'no? Nagulat ka, e.” nakangising sabi ni Akiro na tinusok-tusok pa ang tagiliean ni Andrei. “Sabi na nga ba. May gusto ka sa kanya—arayy!” napasigaw si Akiro sa sakit ng biglang hinampas ni Andrei ang kanyang kamay.

“Tangina ka talaga. Hindi ko na talaga alam kung saan-saan mo kinukuha 'yang mga pinagsasabi mo. Manahimik ka nga diyan sa gilid. Baka mamaya ikaw pa ang unang maging zombie kapag umalis na tayo.” sa sinabi ni Andrei ay agad siyang nakatanggap ng isang masamang tingin kay Akiro. “Oh? Ano na namang klaseng tingin 'yan, Akiro? Hindi mo ako madadala sa mga tingin mo na 'yan.”

“Wala ka bang tiwala sa'kin?” nagsalubong ang kilay ni Andrei dahil sa sinabi ni Akiro.

“Wala.” tipid sagot ni Andrei. Halata naman sa mukha mo na hindi ka katiwa-tiwala.”

“Kaibigan ba talaga kita?” hindi makapaniwalang tanong ni Akiro.

Mahinang napatawa nalang si Andrei dahil sa reaksyon ng kanyang kaibigan. Inambaan siya ulit ng panibagong batok ni Akiro, kung kanina ay nakaiwas siya pero ngayon ay hindi na siya nakaiwas.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now