CHAPTER 15

178 97 0
                                    

"Wait. . bakit ang lamig ng kamay mo?"

Sinipat-sipat pa ni Samantha ang kamay ng dalaga at paulit-ulit itong hinahawakan pero malamig talaga ang kamay ng dalaga.

"N-No. I'm fine, I—I'm fine." sabi ni Hayami at kinuha ang kamay niya pabalik kay Samantha.

"Infected ka."

Napalingon ang lahat kay Freya nang magsalita ito. Nakatayo na siya ngayon at hindi inaalis ang tingin sa kaklase na ngayon ay natatakot siyang tiningnan.

"Your now infected, Hayami. Magiging kagaya ka na nila so please if you won't mind? Lumabas ka na sa silid na 'to, ngayon din." sabi ni Freya at nakaturo ang daliri sa pinto.

"H—Hindi! I'm totally fine!" nanginginig na sabi ni Hayami na patuloy pa rin pinupunasan ang kanyang ilong.

Umismid si Freya.

"Totally fine? What the fuck are you saying? Infected ka na-" naputol ang sasabihin ni Freya nang biglang sumabat si Samantha sa usapan.

"Ano ba ang pinagsasabi mo diyan, ha?! Paano naman siya magiging ingected, e wala naman siyang kagat galing sa zombies!" bulyaw ni Samantha sa kaklase at tiningnan ito ng masama.

"Kung nakagat man siya sana kanina pa 'yun! Nag-iisip ka ba talaga, ha? Gamitin mo nga 'yang utak mo!" dagdag ng dalaga at mas lalong tiningnan si Freya ng masama.

"Then, paano mo 'yan ma e-explain ang pagdudurugo ng ilong niya? Isn't that the same thing na nangyari kay Amira lat time? Hindi malabong infected na nga siya at kalingan niya nang lumabas ngayon din!" singhal naman ni Freya pabalik kay Samantha.

Inangat ni Hayami ang kanyang ulo para tingnan ang kanyang mga kaklase. Doon niya nakitang nakatingin na pala sa kanya ang mga ito.

Ramdam niyang natatakot ang mga ito sa kanya. And she can't blame them. Ganito rin ang nangyari kay Amira bago siya naging kagaya nila.

Sinalubong ni Hayami ang tingin ni Samantha at maliit niya itong binigyan ng isang matamis na ngiti.

"I have to go." sambit ng dalaga at agarang tumayo. Hindi pa nga siya nakadalawang hakbang ay mabilis na hinawakan ni Samantha ang kanyang braso.

"You're not going anywhere, Hayami-"

"Infected na nga siya! Kailangan niya nang umalis!" sabat ni Freya sa dalaga kaya nilingon siya ni Samantha.

"Can you fucking back off? Sabing hindi nga siya infected, e!" sigaw ni Samantha sa kaklase.

"Sam, please let go." pakiusap ni Hayami habang nakayuko. Doon na rin nagsimulang maging agresibo ang kanyang kaliwang kamay.

"Bitawan mo na siya at hayaang umalis!" sigaw naman ni Freya.

Akmang magsasalita pa sana si Freya nang maramdaman niyang nanginginig na ang buong katawan ni Hayami. Nilingon niya ang dalaga na ngayon ay nakayuko na at parang natutulog.

"H—Hayami?" nag-aalalang tawag niya sa pangalan ng dalaga.

Pero awtomatiko niyang nabitawan ang braso ng dalaga nang bigla itong napaluhod at natumba sa sahig. Nagsimula na rin itong mag seizure kung bakit nagsi-atrasan silang lahat sa takot.

"Fuck, ilabas niyo na siya!" malakas na sigaw ni Freya sa mga kasama.

"Putangina, gumawa naman kayo ng paraan! Ilabas niyo siya!" sigaw ulit ni Freya na ngayon ay halos idikit ang sarili sa pader sa takot na nararamdaman.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now