CHAPTER 12

192 114 1
                                    

“HOY MGA PUNYETA!
NAWAWALA SI AMAIA!”

Sa lakas na sigaw ni Hadleigh ay mabilis na bumangon ang kanyang mga kasama at tiningnan siya.

Agarang napatayo si Andrei at doon niya nakita na wala na si Amaia sa kanyang tabi. Tanging ang jacket niya nalang ang nandon.

“Nasaan siya?” tanong ni Andrei kay Hadleigh na ngayon ay halos hindi na mapakali sa kanyang tinatayuan.

“Hindi ko alam! Nagising nalang ako na wala siya sa tabi mo.” nag-aalalang sabi ni Hadleigh at sinabunutan ang kanyang buhok.

“Shit, saan naman siya pupunta nang ganitong kaaga?!” sabi ni Akiro na ngayon ay nasa pinto at tiningnan ang nasa labas.

Nagmamadaling dinungaw ni Andrei ang bintana at tiningnan ang nasa ibaba at sa magkabilang gilid. Nagsisimula na siyang kabahan sa kung ano man ang mangyayari sa dalaga.

“Baka lumabas?” sabi ni Samantha kaya nilingon agad siya ni Hadleigh.

“Ano naman ang gagawin niya sa labas? Sam, delikado ang buhay niya kapag lumabas nga siya! Nasaan na kasi siya!?” halos mabaliw si Hadleigh sa paikot-ikot niya sa kanyang pwesto.

Naputol lang ang kakaibang tensyon ng biglang sumigaw si Andrei.

“Amaia!” sigaw ng binata sa kakapasok lang ng pinto kung nasaan si Akiro na dali-dali siyang binuksan para makapasok.

“Where the hell have you been?salubong ni Andrei sa dalaga at hinawakan ito sa magkabilang braso at sinipat-sipat ang lagay nito.

Akmang magsasalita na sana si Amaia ng bigla siyang dambahin ng yakap ni Hadleigh na halos matumba siya sa sahig.

“Tangina ka talaga! Akala ko ano na ang nangyari sa'yo! I thought I've lost you!” hagulgol ni Hadleigh habang mahigpit na nakayakap kay Amaia.

“Hey, don't cry. I'm here na. I'm sorry.” mahinang sabi ni Amaia sa kabigan na ngayon ay parang batang umiiyak sa leeg niya.

“Saan ka kasi nagpunta? And you even got a nerve to go out? Paano nalang kung may nangyari sa'yo?” asik ni Andrei sa dalaga.

Dahan-dahang kumalas si Hadleigh sa pagkayakap kay Amaia at maluha-luha niya itong tiningnan.

“Sabihin mo nga sa'min kung saan ka nagpunta?” tanong ni Hadleigh at pinupunasan ang kanyang luhang dumadaloy pababa sa kanyang pisngi.

“May narinig kasi akong sumigaw kanina sa corridor—” hindi natapos ang sasabihin ni Amaia ng biglang sumabat si Hadleigh.

“Ano?!”

“Kung hindi ako nagkakamali ay mukhang babae ang sumigaw kanina at dahil curious ako ay lumabas ako para tingnan kung sino 'yun. .” paliwanag ni Amaia na ikinagulat ng lahat.

“So, that means. . baka survivor rin ang narinig mo kanina?” hula ni Samantha na ikinatango ni Amaia.

“Kaya ngang sinundan ko kung saan patungo ang mga zombies pero ang nakakalungkot 'don . . the girl didn't make it alive.” mahinang sabi ni Amaia kung bakit natahimik ang lahat sa kanyang sinabi.

“Naabutan ko nalang siyang pinagpyestahan ang kanyang katawan ng mga zombies sa second floor. Nagagalit ako sa sarili ko dahil hindi ko man lang siya naabutan. .” mahinang sabi ni Amaia at bahagyang yumuko.

Nagagalit ako dahil hindi ko man lang siya nagawang tulungan—” naputol ang sasabihin ni Amaia ng niyakap siya ulit ni Hadleigh.

“You don't have to say sorry, Maia. It's not your fault, hmm?”

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now