CHAPTER 19

180 90 0
                                    

Dedicated to: missmariaeiza

“ARIES!

Agarang napalingon si Aries sa kanyang likuran nang marinig niya ang sigaw ng kaibigan na si Miller.

“Anong—”

“Sasama ako sa'yo!” putol ni Miller sa sasabihin ni Aries.

“Miller, hindi pwede. Masyadong delikado kapag samama ka pa—”

“Kahit na! Sasama pa rin ako sa'yo! I've already talk to General Millian and General Philip about this matter.” desidedong sabi ni Miller at nauna pang sumakay sa helicopter.

Napakamot nalang ng ulo si Aries sa inasta ng kaibigan at sumunod na rin siyang sumakay sa helicopter. Agad naman siyang inasist ng isang sundalo na ilagay ang kanyang helmet pati seatbelts.

Nang matapos ay nag anunsyo na ang piluto na mag ready na sila sa take off.

“This is Dark Mamba and we're ready to take off. .” sabi ng lalaki sa radio na parang may kinakausap sa kabilang linya.

Ilang segundo pa ay naramdaman nalang ni Aries na bahagyang pag-angat nila sa lupa.

“Woooh!”

Gulat na napalingon si Aries kay Miller ng bigla itong iyakap ang kanyang dalawang paa sa binti niya nang umangat na ang helicopter sa lupa.

“Ano bang ginagawa mo?” takang sabi Aries sa inasta ng kaibigan.

“Natatakot ako! Ito ang pinakaunang beses na nakasakay ako ng helicopter!” pasigaw na sabi ni Miller dahil sa lakas ng tunog ng propellers.

“Takot ka naman pala, e! Tapos kanina parang makapagsalita ka. .” iling-iling na sabi ni Aries sa kaibigan at binigyan ito ng isang nakakalokong ngisi.

“E, sa nag-aalala ako kina One at Andrei! Nawala sa isip ko na helicopter pala ang sasakyan natin!” depensa ni Miller sa sarili pero mas lalong lumaki ang ngisi sa labi ni Aries.

“Dine-deny mo pa. Huli ka naman—” hindi natapos ang sasabihin ni Aries ng biglang sumabat si Miller.

“SABING HINDI!” pikon na talagang sabi ni Miller na bahagya pang sinipa ang binti ni Aries.

“Anak ka ng—bakit ka naninipa?! Ako kaya ang sisipa sa'yo para deritso hulog ka sa basement?” angil ni Aries na inambaan pa ng sipa ang kaibigan.

Binigyan lang ng isang peace sign ni Miller si Aries na ngayon ay masama na ang tingin sa kanya.

Ilang minuto pa ay unti-unti nang umaangat ang helicopter sa himpapawid. Hindi pa rin inaalis ang pagkayakap ng paa ni Miller sa binti ni Aries.

“This is Dark Mamba, pilot commander Mist speaking. We're now heading to Zazel university in one hour.” sabi ng lalaki sa radio.

Hindi mapakali si Aries sa kanyang inuupuan. Gustong-gusto niya nang makarating sa Zazel's para hanapin ang kanyang dalawang inaanak.

Nang magsimula ang outbreak ay agad na pumasok sa kanyang isip ang dalawang taong importante sa kanya ng husto.

“Hang in there, kiddos. I'm coming to get you. . .”

                            ***

“SAAN kana ba kasi nagsuot, Andrei?!” malakas na sigaw ni Devin ng pumasok na naman siya sa panibagong room sa building.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now