CHAPTER 004

372 154 27
                                    

A/N: I'll update another chapter on January 7, monday.

Enjoy reading! !

“That. Was. So. Fucking. Close.

Mabibigat ang bawat paghinga ni Hadleigh dahil sa nangyari. Agad siyang dinaluhan ni Samantha para yakapin.

Habang si Akiro naman ay nakahiga sa sahig habang mabibigat rin ang hininga.

Kung hindi lang sila naging maagap ay posibleng nakagat at naging infected rin silang dalawa. Mabuti nalang ay maagap na gumawa ng paraan si Hadleigh.

Pagkatapos ang ilang minuto ay dahan-dahang tumayo si Hadleigh. Tiningnan niya isa-isa ang nasa loob ng kanilang room pero ganon nalang ang pagkunot ng kanyang noo ng hindi makita ang matalik na kaibigan.

“Where's Amaia?” mabilis niyang nilingon si Andrei. “Nasaan ang kaibigan ko?”

Bumuntong-hininga ang binata at tumingin sa labas ng bintana.

“I don't know where she is. Baka nandon pa sa uncle niya with miss luna.” tugon ng binata.

“Yun nga ang pinagtataka ko, e. Mag dadalawang oras nang wala dito si Amaia. Sa pagkakatanda ko, wala sa dugo niya ang mag skip or wala palagi sa klase tapos nagsimula ang putanginang gulong to! naiinis na saad ni Daziel na ngayon ay punong-puno ng sariling pawis.

“Teka, bakit may mga bahid kang dugo sa braso at damit mo?” nagtatakang tanong ni Akiro kay Andrei.

Mabilis siyang nilingon ng binata at bahagya pang tiningnan ang kanyang damit at braso.

“Saan galing 'yan?” tanong ulit ni Akiro na ngayon ay humakbang ito palapit sa kaibigan at hinawakan ang kanang braso para tingnan ito.

“If you guys thinking if i were infected, mali ang iniisip niyo. Galing ito sa mga infected kasi galing ako sa cafeteria.” sagot ng binata.

Nagugulat siyang tiningnan ni Akiro.

“G—Galing ka rin 'don?” tumango ang binata sa tanong niya.

“Galing din kami 'don ni—”

“Oo alam ko.” walang ganang sambit ni Andrei sa kaibigan na ngayon ay nagtatakang nakatingin sa kanya.

“Alam kong magkasama kayo ni hadleigh sa cafeteria dahil nandon rin ako bago nagsimula ang kaguluhang 'to. ”

“Pero...” nakuha ni Hadleigh ang atensyon ng lahat, lalo na sina Akiro at Anderi. “If you were there before this shit happens. Nandon ka rin ba 'nung nagkagulo na ang cafeteria?” paninigurado niya.

Tumango ang binata.

“Oo. Nandon rin ako 'nung nagkagulo na. Tinatawag ko pa nga kayong dalawa pero i guess you both in shock. At ano. .”

“At ano?” nagtatakang tanong ni Akiro sa binata at dahan-dahang binitawan ang kamay nito para lang harapin siya ng maayos.

Umiwas ng tingin si Andrei sa kaibigan bago nagsalita.

“Nagkaharap kami ni Devin sa kitchen area ng cafeteria.” sa sinabi niya ay nagulat ang lahat na napapatingin sa kanya.

“Sa hindi inaasahang pangyayari ay doon kami nagkaharap. Doon ako unang napadpad dahil naghahanap sana ako ng pagtataguan and ayun nag-agawan kami ng pwesto hanggang sa napunta sa pag-aaway.”

Nakaramdam ng kaba ang karamihan sa sinabi ni Andrei. Alam na alam nilang lahat kung anong kayang gawin ni Devin kapag hinamon ito.

“Drei, we all know that fucking bastard is a bully right? Malalagay sa kapahamakan ang buhay mo dahil sa nangyari sa pagitan niyo kanina!” nag-aalalang singhal ni Akiro sa binata.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now