CHAPTER 25

170 76 0
                                    

“HOY PUTANGINA, sandali lang!

Nasa kalagitnaan sila nang paglalakad ng biglang nagsalita si Aziel na mabilis na napasandal sa pader ng building.

Kanina pa sila naglalakad sa kabilang side ng building papunta sa second year building. May kalayuan talaga 'yon kapag dumaan ka sa kabilang side dahil madadaanan mo lahat ng building ng mga senior high.

Medyo madilim na rin sa buong paligid kaya kailangan talaga nilang mag-ingat sa dinadaanan.

“Azi, hindi pwedeng mag stay tayo dito nang matagal. . Masyadong delikado.” sabi ni Klay na ngayon ay nanatiling alerto sa paligid.

“Alam ko, magpahinga muna taayo sandali dahil napapagod na talaga ako sa paglalakad!” mahinang asik ni Aziel sa mga kaibigan na agad naman siyang nginiwian.

“Pagod rin naman kami, e. Kailangan lang talaga natin dalian ang paglalakad dahil medyo malayo pa tayo sa—” hindi natapos ang sasabihin ni Klay nang biglang sumabat sa kanya si Aziel.

“Pota, tara na nga!” sabi ni Aziel na mabilis na umalis sa pagkakasandal sa pader at umayos ng tayo habang may hawak na baseball bat sa kanang kamay.

Nagugulat naman siyang tiningnan ni One na ngayon ay bahagyang nakasandal rin sa pader.

“Akala ko ba gusto mong mag pahinga?” tanong ng binata.

“Gustong-gusto! Pero, itong kaibigan mo na makapagsalita parang ako pa ang mali. Ayoko ko nang magpahinga.” naiinis na sabi ni Aziel na agad naman siyang tinawanan ni Klay.

“Ano ba ang tinatawa mo diyan, ha?!” singhal niya sa kaibigan at mabilis itong nilingon. “Akala ko ba gusto mong magmadali na tayo?” tanong niya pa.

“E, sa gusto mong mag pahinga muna—”

“Ayoko na ngang mag pahinga!” putol ni Aziel sa sasabihin ng kaibigan.

Mahina lang siyang tinawanan ni Klay at sinenyasan ito na mauna na. Agad namang sumunod si Aziel at naunang maglakad at kasunod niya si Shein na natatawa rin sa pagtatalo ng dalawa.

Nagpatuloy na sila sa paglalakad. Nang makarating sila sa ikatatlong building ay agarang napabalik si Shein sa pagtatago at walang pasabing hinatak ang kwelyo ni Aziel patalikod at bahagyang umatras pabalik sa pader nang may makita siyang mga zombies sa bandang harapan.

“A—Aray ko naman!” mahinang asik ni Aziel sa dalaga at mabilis itong nilingon. “Ang sakit 'non, ah?” dagdag niya.

“Always look straight, not looking and focusing where were you going.” sabi ni Shein sa binata na nginiwian lang siya.

“Bakit?” tanong ni One sa dalaga kaya agad siya nitong nilingon.

“May mga horde sa bandang harapan.” sagot ni Shein sa binata.

“We have no other choice to make, kailangan nating magpatuloy without them knowing that we're coming. .” sabi naman ni Klay habang nakatingin sa paligid.

Dahan-dahan namang sinilip ni Aziel ang mga zombies na ngayon ay palakad-lakad lang. Tiningnan niya ang mga ito ng mabuti at inobserbahan.

“Are zombies blind when it comes to darkness?”

Napatingin ang lahat kay Aziel nang magsalita ito.

Nang hindi makapagsalita ang kanyang mga kasama ay agad na bumalik si Aziel sa kanyang pwesto at maayos na hinarap ang kanyang mga kasama.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now