CHAPTER 18

180 91 0
                                    

"NARINIG niyo ba 'yun?"

Nagsilingunan sina Klay kay Aziel nang bigla itong magsalita. Nakadungaw na ito sa bintana at pilit may tinitingnan sa labas ng silid.

"Ang alin?" tanong naman ni One kaya agaran siyang nilingon ni Aziel.

"Parang may narinig akong static sound sa kabilang building. ." mahinang sagot ni Aziel sa kaibigan.

"Talaga?" hindi makapaniwalang sabi naman ni Klay na ngayon ay nakatayo na at inilagay ang hawak na pana sa maliit na lamesa na nasa gilid niya.

"Oo. May static sound talaga akong narinig. ." tugon ni Aziel na ngayon ay hindi pa rin inaalis ang tingin sa labas ng bintana.

"Alam mo ba kung saan nanggaling?" tanong naman ni Klay at naglakad palapit kay Aziel.

"Sa kabilang building." sagot ni Aziel na bahagya pang tinuro ang kabilang building na medyo may kalayuan sa kanilang pwesto.

"Shit. . First year building na 'yun. Sigurado ka ba talagang doon mo narinig ang static sound?" paninigurado pa ni Klay at nilingon si Aziel.

"Sigurado ako. Narinig ko talaga." sagot naman ni Aziel kaya marahas na bumuga ng hangin si Klay at tumingin ulit sa labas ng bintana.

"If you heard it right, malaki ang posibilidad na may survivor sa speaker control room. ."

Sa sinabi ni Klay ay agaran niyang nakuha ang atensyon ng mga kasama niya at nilingon siya.

"And your trying to say is. .?" tanong ni One na ngayon ay nakatayo na rin.

Nilingon ni Klay si One.

"Na may pinadalang mensahe sa kung sino man ang nasa speaker room. Alam naman nating lahat na ang dean lang ang pwedeng pumasok sa control room, hindi ba?" patanong na sabi ni Klay at tumango naman sina Aziel at One sa kanya.

". . Paano kung. . Hindi nga si dean nga ang nasa speaker room? Sa pagkakatanda ko, may meeting sila sa conference room kahapon pa. ." sa sinabi ni Shein ay nabaling naman sa kanya ang atensyon nina Klay.

"Sigurado ka ba diyan?" paninigurado ni One sa dalaga na agad naman siya tinanguan bilang sagot. "Kung hindi nga si dean 'yung nasa speaker room. . Sino ang gumawa ng static sound?" dagdag ni One.

Biglang natahimik ang lahat sa naging tanong ni One. Napuno sila ng katanungan kung sino nga ang nasa speaker room.

"Sa tingin niyo. . Sino ang nasa speaker room?" maya-maya tanong ni Aziel kaya nilingon siya ni Klay.

"Impossible naman kung nandon ang mga kapatid natin, hindi ba? May kalayuan ang speaker room sa first year building." tugon naman ni One na ikinatango ni Klay.

"Yeah. . Alam kong hindi sila 'yun." sabat namn ni Klay.

"For example, paano nga kung sina Akiro ang gumawa ng static sound sa speaker room?" udyok ni Aziel.

"At ano naman ang gagawin nila 'don sa speaker room, aber? Tatadyakan ko ang kapatid mo kapag sasabihin niyang trip niya lang na pumunta sila 'don!" asik naman ni Klay sa kaibigan.

"Hoy, huwag naman ganon!" bulyaw ni Aziel.

"Totoo naman! Magkapatid nga kayong dalawa, parehas kayong loko-loko." sabi ni Klay.

"Special kaming dalawa kung alam mo lang."

Umismid naman si Klay sa sinabi ni Aziel.

"Special child kamo, gunggong."

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now