CHAPTER 42

68 11 2
                                    

WITHOUT any single word, naglakad palapit si Amaia sa ledge ng rooftop. Napatulala siya sa kung saan. Pinanood siya ng mga kaklase niya na hindi kalayuan sa kanya.

Dahan-dahan niyang tiningnan ang kanang pulupulsuhan niya at doon niya nakita ang bakat ng ngipin ni Devin. Hindi siya makapaniwalang kakagatin siya ng lalaki. Parang nawala saglit sa isip niya na hindi na pala normal si Devin.

Habang tinitingnan ni Amaia ang bite mark sa kanya ni Devin ay agad siyang nakaramdam ng matinding hilo. Mariin siyaang napapikit habang nakahawak sa sementong tinatayuan niya. Huminga siya ng malalim at pilit pinapakalma ang kanyang sarili.

Amaia?

Natigilan si Amaia ng biglang may nagsalita sa kanyang likuran. Hindi na niya kailangan pang lumigon dahil alam na niya kung sino ito. Mabilis niyang tinago ang kanyang kanang kamay para hindi ma expose ang bite mark niya.

“Okay ka lang ba?” napapikit ulit ng mga mata si Amaia ng marinig ang nag-aalalang tinig ni Hadleigh.

Hindi niya pwedeng sabihin sa dalaga na nakagat siya ni Devin dahil ayaw niyang mag-alala ito at magkaroon ng gulo sa pagitan nilang lahat.

“Could you do me a favor, Leigh?” mahinahong sabi ni Amaia na hindi man lang nag-abalang lingunin ang matalik na kaibigan.

Kahit naguguluhan ay tumango si Hadleigh bilang sagot kahit hindi siya nakikita ng dalaga.

“Sure. Anything.”

Agad na iminulat ni Amaia ang kanyang mga mata at saka siya nagsalita.

Lumayo ka muna sa'kin,” sa sinabi ni Amaia ay nanlaki ang mga mata ni Hadleigh. Kahit ang iba niyang kaibigan ay natigilan rin. Kayong lahat. Lumayo kayo sa'kin. .please.” bahagyang nag crack ang boses ni Amaia sa sinabi niya.

“B-Bakit ka naman ganyan, Maia? Ano ba ang pinagsasabi mo diyan? Hindi kita maintindihan!” doon na nagtaas na boses si Hadleigh at doon na rin siya nilapitan ni Akiro para pakalmahin.

“Maliit lang na bagay ang hinihiling ko, Leigh. Pakiusap, sundin niyo muna ako—” hindi natapos ang sasabihin ni Amaia nang biglang sumabat sa kanya si Hadleigh.

“—Sabihin mo muna sa'kin kung bakit layuan ka namin!”

Awtomatikong napayuko si Amaia at hindi na niya alam ang kanyang sasabihin. Parang may kung anong bumara sa lalamunan niya. Alam niyang masasaktan talaga si Hadleigh kapag sinabi niya ang nangyari, lalo na siya.

Nanatiling nakatalikod si Amaia kay Hadleigh. Wala talaga siyang balak lingunin ito dahil kapag ginawa niya 'yon ay literal na doon na talaga siya babagsak. Hindi niya kaya at mas lalong hindi niya kakayanin.

“Sabihin mo muna sa'kin ang dahilan kung bakit lalayuan kita! Kaibigan kita, Maia! Kaibigan kita!” patuloy na sigaw ni Hadleigh kay Amaia na hanggang ngayon ay nakatalikod pa rin sa kanya. “Bakit naman kita lalayuan kung kaibigan kita? With the heavens and the earth, hinding-hindi lalayuan! Sabihin mo sa'kin ang dahilan kung bakit kailangan kitang layuan!” nang akmang lalapit si Hadleigh sa gawi ng dalaga ay agaran siyang hinila pabalik ni Akiro. “Tangina, Akiro, bitawan mo'ko! Ihahagis talaga kita pababa sa rooftop!” pilit ni Hadleigh kumawala sa higpit na hawak ni Akiro pero kahit anong gawin niya ay wala talagang balak ang lalaki na bitawan siya.

Kahit si Andrei ay hindi na nakaalis sa kanyang pwesto habang nakatingin pa rin kay Amaia na nakatalikod sa gawi nilang lahat. Pati sina Kurt, Hiro, Daziel, Samantha, at Elora ay hindi na alam kung ano ang gagawin. Nanatili lang silang nakatingin kina Amaia at Hadleigh.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now