CHAPTER 32

167 71 1
                                    

“ARIES!

Patakbong lumapit si Miller kay Aries na ngayon ay parang tulala pa rin sa nangyari.

Nang makalapit si Miller sa kaibigan ay tiningnan niya ito ng mabuti.

May problema ba? Bakit ganyan ang mukha mo? Para kang binagsakan ng langit at lupa—” hindi natapos ang sasabihin ni Miller ng biglang sumabat sa kanya si Aries.

“Si Professor Hilton Suarez. .” putol ni Aries sa sasabihin ni Miller.

“Si Hilton Suarez? Ang tinatawag nilang baliw na scientist?” paglilinaw ni Miller.

Dahan-dahan namang tumango si Aries bilang sagot. Hindi man lang siya nag-abalang lingunin ang kaibigan. Nanatili siyang nakatingin sa malayo habang malalim ang iniisip.

“Tapos? Anong meron sa lalaking 'yon?” nagtatakang tanong ni Miller sa kaibigan.

Marahas na bumuga ng hangin si Aries at dahan-dahang nilingon ang kaibigan na ngayon ay hinihintay ang kanyang sagot.

“Siya ang nasa likod ng lahat nang nangyayari ngayon. Siya ang gumawa ng virus. .” sa sinabi ni Aries ay kitang-kita niya kung paanong nanlalaki ang mga mata ni Miller.

“Fuck. .”

“Kasasabi lang sa'kin ni General Philip na siya ang nasa likod ng lahat. Nang dahil sa kanya ay nagkakagulo ang lahat!” dagdag ni Aries.

“Teka lang! Naguguluhan ako!” bahagyang napaatras si Aries sa biglaang pagsigaw ni Miller. “Ang hindi ko maintindihan, ay paano mismo nalaman ni General Philip na si Hilton nga ang may kagagawan ng lahat?” naguguluhang tanong niya.

“May na rescue ang tauhan ni General Millian na estudyante na nag-aaral sa Zazel's.” panimula ni Aries. “At ang binatang iyon ay matalik na kaibigan mismo ni Amaia.” paliwanag pa niya.

“Pagkatapos?” atat na talagang tanong ni Miller.

Napalabi muna si Aries bago magsalita.

“Sinabi niyang si Professor Hilton Suarez ang nasa likod ng lahat. .” sa sinabi ni Aries ay mas lalong nagulat si Miller.

“Holy shi—!” napatakip ng bibig si Miller at hindi makapaniwalang tiningnan ang kaibigan na ngayon ay tahimik lang nakatingin sa kanya.

“Totoo ba lahat ang mga sinasabi mo? Siya ba talaga ang may kagagawan ng lahat nang ito? Siya ba talaga? Ha? Siya ba talaga—” hindi natapos ni Miller ang kanyang sasabihin ng bigla siyang nakatanggap ng batok kay Aries.

“Sabing siya nga, e. Paulit-ulit ka na. Sarap mong sapakin.” napipikong sabi ni Aries na inambaan pa ng suntok si Miller na mabilis namang napalayo sa kanya.

“Pero seryoso, totoo nga?”

Napalabi ulit si Aries at kinagat ang kanyang pang-ibabang labi habang nakatingin sa kaibigan.

“Isang salita mo pa, tatadyakan na talaga kita.” sa sinabi niya ay napakamot nalang ng ulo si Miller.

Hindi na nagsalita pa si Miller kaya bumuntong-hininga si Aries.

“Hanggang ngayon. . . Hindi pa rin ako makapaniwala na siya ang may kagagawan ng lahat nang nangyayari sa lugar natin.salubong na kilay na sabi ni Aries. “Hindi na ako magugulat kung aabot na sa ibang lugar ang virus.” dagdag niya pa.

Sumandal si Aries sa railings ng rooftop at bumuga ng hangin. Sumunod rin si Miller sa railings at inilagay ang dalawa niyang braso dito at tamad niyang ibinalanse ang sarili.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now