CHAPTER 006

274 138 25
                                    

“Klay!

Sa biglaang pagsigaw ng isang lalaki ay bahagya siyang napatalon sa gulat. At ang palaso na kanina niya pa tinatarget ay hindi tumama sa bulls eye dahil na rin sa gulat.

Napabuntong-hininga siya at inis na nilingon ang binatang sumigaw sa kanyang pangalan.

“Ano na naman?! Kita mo namang nagti-training ako, e! Pwede bang manahimik ka muna? Kanina ka pa, ah!” singhal niya sa kaibigan na ngayon ay nakangisi sa kanya.

“Ang sipag mo kung ganon. Pero kapag si ano na 'yung usapan tiklop ka naman.” natatawang sabi ng binata.

“Manahimik ka. Ikaw talaga ang gagawin kong palaso at ibabalik kita kung saan ka pinanganak.” banta ni Klay sa kaibigan at kumuha ng bagong palaso at pinuwesto sa kanyang pana.

Nagsimula na siyang mag aim at nang makuntento ay mabilis niya itong binitawan na agad na tumama sa target.

Napangiti si Klay sa naging resulta.

“Huwag ka ngang ngumiti ng ganyan. Para kang joker.” maya-maya sabi ng binata.

Klay just bit his lower lips to prevent his tempered. Kanina pa siya naririndi at naiinis sa presensya ng kaibigan.

Kaninang umaga ay iniinis na siya nito at hanggang training day nila ay hindi talaga siya nito tinitigilan.

Kung hindi lang bawal sa kanilang eskwelahan ang manakit ng kapwa estudyante ay baka matahal niya na ito binugbog.

Binigyan ni Klay ang kaibigan ng isang masamang tingin at hinarap ito.

“Aziel, pwede ba? Kahit ngayon lang pabayaan mo muna ako dahil kanina pa ako naririndi sa bibig mo!“

Pero imbes na tumigil ay biningyan lang ni Aziel ang binata ng isang nakakalokong ngisi.

“But, you love me right?”

“Disgusting shit—!”

Awtomatikong inangat ni Andrei  ang kanyang pana at palaso direkta sa binata na ngayon ay nanlaki ang mga matang nakatingin sa kanya.

“Hoy gago! Klay, ibaba mo nga 'yan! Baka mapatay mo'ko at—fuck!” napasigaw si Aziel ng mas lumapit sa kanya si Klay na nakatuon ang pana at palaso.

“Hindi ka talaga titigil?” banta pa ni Klay sa kaibigan.

“Oo na! Titigil na! Basta ibaba mo na 'yan!”

Dahan-dahan naman binaba ni Klay ang kanyang pana at palaso.
Nilagay ni Klay ang hawak sa lamesa at naglakad papuntang rest area. Umupo siya at sinandal ang sarili sa pader.

“Bakit ka nandito? Wala ka bang training sa taekwondo?” panimula ni Klay.

Umupo naman si Aziel sa tabi niya bago nagsalita.

“Walang training ngayon. Next week pa.” sagot naman ni Aziel bago kinuha ang piattos sa lamesa na nasa gilid niya.

Binuksan niya ito at sinimulang kainin.

“Si Uno, nasan?” tanong ulit ni Klay na ang tinutukoy ay isa pa nilang matalik na kaibigan.

“Shindi ke ahlam.” tugon ni Aziel habang ngumunguya.

“Ano?” nagtatakang sabi ni Klay na bahagya pa siyang nilingon.

“Hindi ko nga alam!” inis na sigaw ni Aziel sa mismong mukha niya.

Agarang napapikit ng mata si Klay ng may iilang piraso ng piattos na may kasamang laway ang tumalsik sa kanyang mukha.

Puno rin kasi ang bibig ni Aziel nang sumigaw siya sa kaharap.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now