CHAPTER 26

158 74 2
                                    

“Ilalabas mo ba ang panyong ginamit mo o kakaladkarin kita palabas para ipain sa mga zombies?

“Sabing wala akong alam sa sinasabi mo, e!”

Kahit walang emosyon ang reaksyon ni Elora ay makikita talaga sa kanyang mga mata na hindi na niya kaya ang mga kasinungalingan ng kaklase.

Alam na alam niya ang kanyang nakita 'nong gabing iyon.

Kitang-kita niya kung papaano nilagyan ni Freya ng dugo ang apple juice ni Hadleigh. At nakita niya rin kung papaano lagyan niya ito ng dugo ang noodles na sana rin kay Hadleigh.

She literally saw everything.

“Bakit ka ba ganyan sa'kin, ha? Porque, class president ka may karapatan ka nang husgahan ako? Baka nakakalimutan mong mataas ang posisyon ko sa'yo?” naniniliksik na mga matang sabi ni Freya sa dalaga.

“Wala akong pakialam kung mataas ang posisyon mo sa'kin, and don't you even dare change the topic.” mariing sabi ng dalaga sa kaklase.

Mas lalong nakaramdam ng matinding kaba si Freya. Hindi na niya alam ang isasagot sa dalaga dahil parang anumang segundo nalang ay bibigay na talaga ang kanyang tuhod.

“A—Ano ba talaga ang nangyayari?” doon na nagsalita si Amaia na ngayon ay nakatayo na sa tabi ni Elora.

Hindi na niya talaga naiintindihan ang nangyayari sa pagitan ng dalawang kaklase.

Wala siyang kaalam-alam o ideya lang man kung ano ang tumatakbo sa isipan ng kanilang class president.

“Sinabi ko na kanina na ang babaeng 'to ang may kasalanan kung bakit ganon ang nangyari kay Ryden.” mariing sambit ni Elora na ngayon ay hindi pa rin inaalis ang kanyang paningin kay Freya.

Nanatiling tahimik at kabado lang siyang tiningnan ng dalaga.

“Ilalabas mo ba ang panyo, o hindi?”

Mariing napalunok si Freya at pilit tinatagan ang kanyang loob na depensahan ang sarili.

“Hindi ko nga alam ang sinasabi mo—” hindi natapos ni Freya ang kanyang sasabihin sa biglaang pagkilos ni Elora.

Nagulat siyang akmang aabutin ng dalaga ang kanang bulsa ng palda niya pero agad niya itong napigilan sa kung ano man ang balak nitong gawin.

“A—Ano ba?!” malakas na sigaw ni Freya kay Elora.

“I'm getting out that handkerchief you used to Ryden.”

Sinubukan ulit abutin ni Elora ang kanang bulsa ni Freya pero mas lalo lang siyang pilit nilalayo ng kaklase.

Sa labis ng pagkainis at paglapikon ay walang alinlangan niyang sinugod ang dalaga at tinulak patalikod sa cabinet.

Sa lakas ng impact ay napasigaw si Freya sa sakit dahil saktong sa matulis na bahaging tumama ang kanyang likuran.

Mabilis na inilagay ni Elora ang kanyang kanang braso sa leeg ni Freya at matalim itong tiningnan sa kanyang mga mata.

“Huwag na huwag mo akong susubukan, Freya. . Talagang masasaktan ka lang sa ginagawa mo.” mariing sambit ni Elora sa dalaga na natatakot siyang tiningnan.

“P—Pres, that's enough.” sinubukan ni Amaia na suwayin ang kanilang class president pero hindi man lang siya nito sinunod o nilingon man lang.

“Putangina, bitawan mo'ko!” sinubukang magpumiglas si Freya sa hawak ni Elora pero mas lalo lang siyang diniin ng kaklase sa cabinet.

“You're hurting me! Let go of me, dimwit!” pilit inaalis ni Freya ang braso ng kaklase pero mas lalo lang siyang napasigaw sa sakit nang walang pasabi siyang tinulak ulit ni Elora sa cabinet.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now