CHAPTER 001

732 176 77
                                    

A/N: Happy new year y'all! ❤🎉🍾💖

——

“ Ganon ba ako kabrutal sayo nang naging magkaibigan tayo? Para tratuhin mo ako nang ganito? Ni minsan ba wala akong ginawa o ipinakitang mabuti sayo? Kaya parang napakasama ko kung tingnan mo? You're so unfair! At alam mo kung ano ang iniisip ko ngayon? I wish i never loved you the way i did before—No! I mean, for still loving you, para kang flappy bird ang hirap maka-score sayo! ” drama ni Hadleigh sa harap ng klase na may kasama pang hand gestures at tulo luha.

Sa ginawa ni Hadleigh ay doon gulantang napamulat ng mga mata si Amaia na kanina pang dinadaloy ng antok. Pasimple siyang nakinig na parang walang nangyari.

Umugong ang malakas na palakpakan nang matapos si Hadleigh. Dahil first year college sila ngayon at malapit na rin kanilang Final exam ay pinagawa sila ng kanilang professor na tula patungkol sa pagmamahal.

Halos maubos na rin silang lahat sa ginagawa at iilan na lang ang natitira.

“Maraming salamat, Hadleigh. Pwede ka nang bumalik sa'yong upuan.” nakangiting sambit ng kanilang Filipino professor na si Prof. Catador.

Bahagyang nag bow si Hadleigh at nagpasalamat bago bumalik sa pwesto ni Amaia at doon umupo.

“Nakatulog ka no?” bungad niya sa kaibigan na ngayon ay kinukusot ang kanyang mata.

“Shuta, habang nagda-drama ako diyan sa harapan kitang-kita kita.” natatawang sabi niya pa. “Tumutulo pa laway mo.”

“Manahimik ka, Leigh. Alam mo namang wala akong interes pagdating sa ganyan.” walang ganang sabi ng dalaga.

“And besides, puyat rin ako kagabi dahil tinapos ko ang pinagawang assignment sa'kin ni kuya. Alam mo namang mahina 'yun sa creative writing kaya ayun, ako ang pinagawa niya.” dagdag niya at saka humikab.

“Ayy sus, don't me nga! Ang sabihin mo lang ay dahil nagkakaganyan ka is wala kang inspiration araw-araw,” nanunuksong sabi ni Hadleigh sa dalaga.

Agad  naman siya nakatanggap ng isang masamang tingin sa kaibigan na mas lalong ikinangisi ni Hadleigh.

“Hindi mo ako madadala sa mga ganyang tingin mo, Maia. Sanay na ako.”

“Hindi naman kita bibigyan ng masamang tingin kung wala kang sinabi na hindi ko nagustuhan.” asik ng dalaga.

“Totoo naman ah? Nagkakaganyan ka kasi wala kang inspiration sa buhay mo. Ay teka, bakit hindi nalang kaya si Andrei ang gawin mong inspirasyon? Tutal, palagi naman kayong magkasama 'diba? Sa kanya ka nalang.”
Sa sinabi ng dalaga ay doon na halos hindi maipinta ang mukha ni Amaia sa narinig.

“Ang sama ng joke mo kahit kailan. Bakit ba ganyan ka mag-isip? Are you forgetting something that Andrei and i are close friends since kindergarten? Gosh, Leigh. Kadiri ka.” komento ng dalaga.
Umismid si Hadleigh.

“Anong kadiri 'don? Hindi ka ba aware na nagsisimula ang pag-iibigan sa magkakaibigan ha? Yan kasi ang problema sa'yo e. Hindi ka updated sa mga ZUN.”

“Zun? What the hell is that?”

Umikot ang mata ni Hadleigh sa naging reaksyon ng dalaga. Hindi na siya magtataka kung pati 'Char' na salita ay hindi niya rin alam.

Malayong-malayo ang matalik niyang kaibigan sa ibang babae na nakilala niya. Ibang-iba siya sa lahat. Naging campus crush rin ang kaibigan niya dahil magaling ito sa creative writing sa campus nila.

Pero ang problema ay hindi itong interesado na sumunod sa anumang uso na pinapalabas ng kanilang school.

“Zazel's University News. For short, Zun.”

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now