CHAPTER 17

183 92 4
                                    

“What. . The. . Hell?sambit ni Amaia ng biglang nawala ang bite mark na nakuha niya kay Hayami kanina.

Tanging ang dugo nalang ang natira.

Una, biglang nawala ang kalmot na natamo niya sa kanyang kanang binti.

Tapos, bigla na namang nawala ang kagat sa kanyang kamay na hindi niya nalalaman kung bakit.

Napuno na ng samo't saring tanong si Amaia pero anuman sa mga iyon ay hindi niya nagawalang hanapan ng sagot.

Hindi na niya naiintindihan ang sarili kung ano na nga ba ang nangyayari sa kanya.

Doon na siya simulang naguguluhan kung ano na ba ang nangyayari sa kanya.

“Sabing paalisin niyo na siya dito! Magiging kagaya na rin siya ng mga halimaw na 'yon sa labas, mahirap bang intindihin 'yon ha?!” sa malakas na sigaw ni Freya ay doon biglang nagising ang diwa ni Amaia.

Dahan-dahang inangat ni Amaia ang kanyang ulo para tingnan sina Freya at Samantha na ngayon ay hindi pa rin tumitigil sa pag-aaway at sisigawan.

“Shut your fucking mouth, Freya. Kapag nagiba nang mga zombies 'yang pinto ipapain talaga kita sa kanila! ” singhal pabalik ni Samantha sa kaklase.

“Hindi niyo 'ko mapipigilan dahil hindi ako hihinto kapag nandito pa rin 'yang halimaw na 'yan!” turo ni Freya kay Amaia na ngayon ay blangko lang siyang tiningnan.

“Mahirap bang tanggapin na ang kaibigan niyo ay magiging kagaya na rin nila—” hindi natapos ni Freya ang sasabihin nang bigla siyang nilapitan ni Samantha.

Pero bago pa man masampal ni Samantha ang pisngi ni Freya ay agad siyang nahawakan ni Daziel sa magkabilang balikat.

“PUTAGINA KANG BABAE KA!” malakas sigaw ni Samantha na pilit kumakawala sa hawak ni Daziel.

Doon na niyakap patalikod ni Daziel si Samantha dahil ayaw niyang makapanakit ito.

“Sasampalin talaga kitang tangina ka!” mabilis na inangat ni Samantha ang kanyang kaliwang paa at pilit sipain si Freya pero agad naman napaatras ang kaklase sa gulat.

“Bitawan mo'ko! Putangina, bitawan mo'ko Daziel!” sigaw ni Samantha sa binata pero mas lalo siya nitong niyayakap ng mahigpit para hindi siya makawala.

Dahil sa sigawan na nangyayari ay mas naging dindamba ng mga zombies ang pinto kaya mas nakikita na ni Amaia na anumang oras ay bibigay na talaga ito.

Dali-dali namang nagsikilos sina Akiro at Kurt para pigilan ang pintuan.

Marahas na bumuga ng hangin si Amaia pero agad rin siyang natigilan nang marinig ang isang pamilyar na tunog ng helicopter.

Tumingin siya sa kanyang likuran at doon niya nakita ang isang helicopter na papalapit sa kanilang university.

Malakas siyang napamura kaya agaran siyang nilingon ni Andrei.  Agad ring napatingin ang binata sa labas ng bintana at doon niya rin nakita ang tinitingnan ni Amaia.

Mabilis na nilingon ni Amaia ang mga kaklase.

“May helicopter na papunta dito!”

Agad niyang nakuha ang atensyon ng lahat kaya nagsilingunan ang mga ito sa kanya.

“Talaga?” hindi makapaniwalang sambit ni Ryden at dali-daling lumapit kay Amaia na ngayon ay nakaupo pa rin sa bintana.

“Pota, oo nga!” masayang sabi ni Hiro at malawak na napangiti sa nakikita.

5th Wave: The OutbreakWhere stories live. Discover now